Prologue

6 1 1
                                    

*A/N Ang storyang ito ay nilikha ng magulo kong isip, siyempre. May pagkakataong maboboring kayo. Pero sinisigurado kong maiiyak kayo. O malulungkot lang. Hehehe, basta sad story. Kaya 'wag kayo mag-e-expect ng happy ending. Happy reading!*

An Isolated Man
Written by elyrrx

Prologue

Masayang-masaya ang pamilya ng Alvarez hanggang sa isang araw. . .

"Jameson! Anak!"

"Tumawag kayo ng ambulance! Medic! Yaya, pakitawag si Doc. Heffley."

"Lance! Isakay mo si Jameson sa kotse! Mata-traffuc ang rescue."

"Ingatan niyo siya, huwag niyong papabayaan ang anak namin."

Umalingawngaw sa buong mansion sa biglang pag-collapse ni Jameson. Balisang-balisa ang mga tao rito lalo na sina Mr. Jaime at Mrs. Josefa Alvarez. Akala nila, nakarecover na ang anak nila sa sakit nitong brain cancer. Pero, heto sila at naaalarma sa kalagayan ng anak.

Habang nasa emergency room, hindi mapigilang lumabas ang mga luha sa mga matang kanina pa namamaga. Hindi nila kayang makita ang kanilang anak na nag-aagaw buhay MULI. Hindi nila kayang masaksihan ang anak na unti-unti na namang nilalamon ng sakit.

Hindi na napigilan ni Mrs. Josefa na yakapin ang anak ng sinabi ng doctor na pwede na nitong makita ang anak.

"Son!" basag na ang boses ni Mrs. Josefa.

"Thank God that you are still alive." namumugto na rin ang mga mata ni Mr. Jaime.

Alam man nila na hindi sila nariring ng anak na kasalukuyan nang naka-comatose, hindi pa rin nila mapigilang sumaya nang malamang nakaligtas ang anak sa pag-atake ng sakit nito.

Labing-walong taong gulang pa lamang si Jameson noon. Pero, hindi pa rin siya tinitigilan ng sakit nito.

"Mr. and Mrs. Alvarez?" pumasok ang doctor na kumonsulta at nagpa-dialysis kay Jameson.

"Bakit po? Maayos na po ba siya? Hanggang kailan po siya magiging ganyan?" sunod-sunod na tanong ni Mr. Jaime.

"Medyo maayos naman po ang kalagayan niya. Sa ngayon, nasa temporary comatose siya. Pero. . ."

"Pero? Ano doc? Sabihin mo na." sabi ni Mrs. Josefa.

"May taning na ang buhay niya. Two years from now siguro. Himala kung twenty one years old ay buhay pa siya. Pero, malaki ang risk na bawiin na ang buhay ng inyong anak."

Napayakap na sa isa't isa ang mag-asawa. Masakit para sa kanilang malaman na mamatay na ang kanilang anak. Marahil, hindi pa bukas o sa makalawa. Pero, nakatakda na itong iwanan sila.

"Darating ang araw na hihina ang memorya niya. So dapat, i-cherish niyo na ang araw na magkasama kayo." sabi ng doctor sa kanila.

Hindi na nila napigilang lumuha para sa kanilang anak.

An Isolated ManWhere stories live. Discover now