001

2 0 0
                                    

An Isolated Man
Part 001

His side.

"Take care Jameson, anak. Have many friends!"

Ngiting pamamaalam ni Mommy sa 'kin.

As if lalapitan ko sila.

Sumakay na ako sa kotse. Hindi ako ang driver kasi baka atakihin ako ng sakit ko. Bigla-bigla kasing umaatake ang sakit ko kaya for my safety, kumuha si Dad ng personal driver slash assistant for me.

"Sir, binilin po sa 'kin ng mommy niyo kung nagawa niyo na po ba ang home work niyo."

Natinag ako sa sinabi ni Kuya Lance, ang driver ko habang umaandar na ang kotse. Natulala ako habang unti-unting rumerehistro ang sinabi niya.

"Nagawa niyo na po ba ang home work niyo. . ."

"The fvck." I cursed and grabbed the fvcking notebook out of my fvcking sling bag.

I can't help but curse. Ngayon ko lang kasi naalalang may home work kami. Gumagawa naman ako ng notes sa phone ko but, I still forgot it. I hate it when I do my assignments inside our car. Feeling o kasi kailangan kong mag-rush.

Mukhang ito na nga ang sign. A few years ago nang magpa-dialysis kami, darating daw ang araw na hihina ang memory ko.

A few days ago, may mga bagay na akong nakakalimutan. Tulad nang pag-ta-towel bago lumabas sa banyo. Nakakalimutan ko rin ang mga simpleng bagay tulad ng wallet, panyo, o maski magsuot ng underwear kapag aalis ako. Nakalimuta ko ring nagtu-tooth brush pala ako at dumiretsong matulog nang hindi dumudura. Nagising na lang tuloy ako na may bula pa ang aking bibig. Buka ng toothpaste.

Wala na akong palag sa sakit kong ito. Unti-unti akong binabago nito.

"The heck." binagsak ko ang notebook at ball pen ko at napahawak sa ulo ko. My head is really aching because of this fvcking variables, algorithms, blah blah blah. Pinapalala ng Mathematics ang sakit ko nito eh.

I hate it when it comes to Math. Hindi ako gano'n kagaling sa digits nor computations. I cursed Math ever since. I really fvcking curse it.

"Sir, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kuya Lance. Nakatingin siya sa 'kin gamit ang rearview mirror. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Yeah, I'm okay. Just keep driving." tugon ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Ilang segundo lang rin ang tinagal ng pagsakit ng ulo ko. I just closed my eyes and rest my head on the backrest of the upholstered seat.

"Sir, andito na po tayo."

Naramdaman kong may tumatapik sa 'kin. Napamulat ako ng mga mata.

"'Eto na ba 'yon?" tanong ko kay Kuya Lance. Ang tinutukoy ko ang campus na natatanaw ko. Medyo malawak siya at maraming open spaces. Ibang-iba sa dati kong university.

"Yes Sir Jameson. This is the College of Fidelity and Prosperity. Ito po ang nirecommend ng specialist na second best university for you Sir."

Napatingin ako sa labas. Andaming mga estudyante. 'Yong iba naka-uniporme, at may ibang naka-civilian lang. May nagtatawanan. May magka-holding hands. May nagbubulungan sabay mapapangiti sa isa't isa. They are normal.

I wish I could be one of them.

Binuksan ni Kuya Lance ang pinto ng sasakyan. Inalalayan niya akong bumaba. Hindi pa ako masyadong sanay maglakad dahil ilang buwan rin akong na-comatose.

Pagkababa ko ng sasakyan, at mapansin ng lahat na may bagong dating, which is ako, napatigil ang lahat. A great silence heard.

Then all of a sudden. . .

"KYAAA!!!" bunch of girls screamed. Napatakip ako bahagya ng tainga.

Fvck. Ganito ba ka-flirtatious ang mga babae nowadays at ganito nila lantarang pinapakita ang feelings nila? Hindi ba nila ang salitang "privacy"?

"Sir, hatid pa po ba kita sa room niyo?" tanong ni Kuya Lance.

"No. I already knew my room number. Sunduin mo na lang ako dito sa front gate. Tawagan ko na lang po kayo." magalang kong sagot.

"Thank you Sir." nag-bow si Kuya Lance sa 'kin at pumasok na ng sasakyan. Humarap na ako sa mga taong nagbubulungan. May napapahagikhik at 'yung iba naman, kinikilig pa.

I just sighed.

Naglakad na ako. Hindi ko na pinansin ang mga babaeng tumatawag ng "Prince!" at "Boyfie!" at iba-iba pang mga malilisyosong pangalan sa 'kin. How dare them to call me "Prince"? And how the hell I became their "boyfie"?

"P're, welcome to CFP," may lalaking bumati sa 'kin.

Napatingin ako sa gawi niya. Isang grupo sila na puro lalaki. 'Yong bumati 'ata sa 'kin ang leader nila.

I just gave him a glare. Naglakad uli ako papunta sa room ko.

"Aba'y tarantado 'to ha?" narinig kong sigaw nung lalaking estudyante. I know that I acted stupid at them. Pero ayaw ko silang masaktan.

Kasi at the end, iiwan ko rin sila.

"Huminahon ka p're, baguhan lang, baka nahihiya." pagpipigil no'ng kasama niya 'ata.

Hindi pa rin tumitigil ang mga nakakainis na "ayiee!" at "ang guwapo niya!" na umaalingawngaw habang naglalakad ako. Then I spotted my room.

Section one ako. Business management ang course ko as if kaya kong tapusin. Mga tatlong taon na lang ang buhay ko. Hindi sapat para makatapos ako ng pag-aaral.

Masakit at mahirap tanggaping mamamatay ka na. But this is life. There is always an ending. At ang ending ko, tukoy ko na.

Kaya nga nilalayuan ko sila eh. Para kapag namatay ako, walang iiyak at humahagulhol na "Jameson Alvarez! Bakit mo ako iniwan?! Twenty years old ka pa lang! Ang bata-bata mo pa! Huhuhu." Sana nga, hindi na lang ko na lang nakilala sina Mommy, Daddy, Kuya Lance, at mga katulong namin. Ayoko kasing may malulungkot at masasaktan 'pag nawala ako.

Tinanim na kasi ng Grandfather ko ang mga katagang "Masaktan ka na, huwag lang ang iba." Siguro, napaglakihan ko na rin 'yon. Kaya hanggang ngayon, ang sinabing iyon ni Lolo na namatay na ang tumatak sa 'kin. Kung hindi lang naman dahil sa Stage four brain cancer kong ito, hindi ako magiging snob, loner at unfriendly. Actually nga noong bata ako, I used to have many friends. Pero nang tinaningan na ako ng personal doctor ng pamilya Alvarez, I used to be an unreachable person.

Umupo ako sa pinakadulong part ng room. Kinausap na ng mga magulang ko na kung pwede eh i-isolate nila ako sa ibang estudyante. Hindi naman sa pwede ko silang mahawa. It's just, I don't want them to have a connection with me.

So ayun, hindi agad nagsimula ang klase dahil sa inaasikaso ng mga professors ang papers ko. Transferee kasi ako. Nanggaling na ako sa ibang university. Pero, ayoko doon, kaya lumipat ako.

And I don't want to go back in that university again.

"Good morning to all of you, I'm Jameson Alvarez, twenty years old." I plainly greeted to my classmates. Buti naman at wala dito 'yong mga malalanding babae kanina. Seryoso kasi talaga kapag section one.

"Ma'am! Wait!"

Napatingin ako sa pintuan sa narinig ko. Lahat kami naagaw ang pansin sa kung sino mang babaeng sumigaw sa professor namin.

"What happened to you? Miss. . ."

"Eliza Alexxandra Martinne." tugon no'ng babae sa professor namin. Hinahabol pa nito 'yong hininga niya. Buhaghag ang buhok niya at basang basa. 'Yong uniform niya, gusot-gusot. Nakaagaw ng pansin ang sapatos niya. 'Yong isa may heels, 'yong isa wala. "I'm sorry I'm late."

"What? You're not actually late. But make sure next time you'll be on time okay?" my professor said. "Sit beside Mr Alvarez."

My eyes widened. What? She'll sit beside me?

An Isolated ManWhere stories live. Discover now