An Isolated Man
Part 002Her side.
"I love you! Muwah! Muwah! Muwah! Goodnight baby!"
Minudmod ko ng halik ang top-less picture ni James Reid na nakadikit sa dingding ng maliit kong kuwarto. Halos mabasa pa nga 'yong picture dahil sa laway ko. Pero ayaw ko naman iyong mangyari dahil napakahalag ng calendar size na picture na 'yon. May autograph pa nga 'yon ni James Reid! Forged nga lang. Hehehe.
"Eliza Alexxandra Martinne. Matulog ka na. Eliza Alexxandra Martinne. Matulog ka na." paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. Nakasanayan ko ng ganito para makatulog na ako. May insomnia kasi ako. 'Yong nahihirapang matulog?
Pero hindi ako nagtagumpay. Alas-dose na hising pa rin ang diwa ko.
"Baby James, patulugin mo nga ako. Please? Baby James, halikan mo ko sa lips." sabi ko sa picture ni James Reid as if na sasagutin ako.
"Sige, hahalikan kita. . ."
"Sige James Reid, halikan mo na ako, dali!"
"'Eto na. . ."
"Teka." Napatigil ako. "Bakit may nagsasa--"
"SURPRISE!"
"Ayy! Brief ni James Reid!" nagulat ako sa nanggulat sa akin. "Anong ginagawa mo Janno dito hinayupak ka?"
"Ikaw ang tinatanong ko Eliza, kung anong ginagawa mo at mag-isa kang nagsasalita ngayong hating-gabi na."
"Wala kang pake Janno. Alam mo ang may kailangan ko ng privacy?"
"Sorna, Eliza, malay ko bang nirerape ka na diyan. Eh boarding house namin 'to. Madadamay pa negosyo namin 'pag nabalitaang may na-rape dito."
"Hinayupak ka, 'yong negosyo niyo pa inintindi mo, hindi ako."
"Bakit, gusto mo bang ikaw ang alalahanin ko?"
"Sira ka talaga." napaikot ako ng mata.
Si Janno ang nagbabantay ng boarding house kung saan ako nakatira. Negosyo 'to ng pamilya nila. 'Yong mga magulang ni Janno, inaasikaso 'yong isa pa nilang boarding house sa Quezon City. Kaya siya lang mag-isa.
"Hindi ka ba nagsasawa kay James Reid?" tanong sa 'kin ni Janno. Inabutan niya ako ng isang baso ng gatas.
"Ikaw, hindi ka din ba nagsasawang pumasok sa kuwarto ko nang hindi kumakatok kagaya ng ginawa mo kanina?" pabalik kong tanong sa kaniya.
"Nagsasawa. Sa mukha mong 'yan?" tinadyakan ko siya sa ilalim ng lamesa. "Aray!"
"Hinayupak ka talaga."
"Pero seryoso, kailan ka ba magpapaligaw." tanong niya uli.
"Kapag si James Reid na 'yong nag-alok na ligawan ako. Paki mo ba sa love life ko? Pakialaman mo sarili mong buhay." mataray kong sagot.
"Ang sungit mo naman." sabi ni Janno sabay pout. Hmp, 'chuserong 'to. 'Kala niya naman ang cute niya 'pag ginagawa niya 'yon.
Well aaminin ko. Guwapo naman si Janno. 'Yong tatay niya kasi guwapo rin, kaya siguro may pinagmanahan. Mestiso siya, pero pango, pero hindi naman halata kasi maputi siya. Mas maputi pa nga 'ata 'yon sa 'kin eh.
Pero hindi ko siya type 'no?! Hinayupak siya. Loyal 'ata ito kay James Reid.
"Eliza matulog ka na ah." bilin sa 'kin ni Janno sabay sara ng pintuan ng kwarto ko.
At 'yon, nakatulog na nga ako nang mahimbing.
…
"AAHHHH!!"
Napasigaw ako nang makita ko ang wall clock ng bahay.
"Huuy, may natutulog pa!" pagsita sa 'kin ng isang border dito sa room.
Nagitla ako sa nakita. 7:45 na? Aba'y hinayupak na 'yan, late na ako ng fifteen minutes!
Nagmadali akong pumunta sa banyo. Nagbuhos lang ako ng ilang beses at lumabas ng banyo.
"E-Eliza. . ." nauutal na sabi ni Janno.
"Ano? Male-late na ako?"
Bigla siyang namula. Tsaka ko na-realize na nakalimutan kong mag-towel.
Hinayupak ka Eliza, may nakakita tuloy ng buong pagkatao mo.
Nag-towel ako sabay labas na at pumuntang kuwarto. Pagkabihis ko, kumain na ako ng almusal. Kinuha ko ang bag ko na ewan ko kung nalagay ko ba ang mga gamit ko doon pero bahala na, then, nagpaalam ako kay Janno.
"Bye Janno!" paalam ko sa kaniya. "Alas-otso na late na ako!"
"Pero. . ." dinig kong sabi niya. "Advance ng isang oras ang wall clock. . ."
Hindi ko na inintindi ang sinabi niya. Tutal nakasakay na rin ako sa jeep. Haayst, grabe, late na late na ako. 7:30 ang pasukan namin tapos ilang sakayan pa ang gagawin ko. Kenes.
Nagtatatakbo akong pumasok ng campus. Ang College of Fidelity and Prosperity. Sabi nila maganda raw ako este ang campus. Kaya dito ako nag-entrance exam.
"Ma'am wait!" pagtawag ko sa professor namin. Nakalimutan kong magsuklay at maglagay ng tawas. Hindi rin ako masyadong nakapagbanlaw. Huhuhu, late na late na talaga ako.
"What happened to you? Miss. . ."
"Eliza Alexxandra Martinne." pagtapos ko sa sasabihin ng professor.
"You're not actually late. But make sure next time you're on time okay?" sabi ni Ma'am.
Hanudaw? Gindi pa ako late eh pag-alis ko nang bahay mag-aalas otso na ah?
"Advance 'yong wall clock ng isang oras."
Napakuyom ang palad ko nang maalala ko ang sinabi ni Janno bago ako tuluyang makaalis. Hinayupak na 'yan. Bakit kailangan pa kasi 'yong i-adjust hinayupak siya.
"Sit beside Mr Alvarez." narinig kong sinabi ni Ma'am. Nakita kong minuwastra niya ang kamay niya patungo sa lalaking nasa pinakadulo ng room. As in, nasa pinakalikod siya. Dikit sa dingding.
Nanlaki 'yong mata no'ng lalaki. Anyare doon? Ayaw ba niyang makatabi ang magandang si ako?
Speaking of mata, nakita ko ang mata niya. Ang lalim. May pagka-brown at mahahalata mo 'yon kahit malayo siya.
Napatingin ako sa kilay niya. Ang ganda ng kilay niya, ang manly tingnan. Napatingin ako sa labi niya. Kahit hindi ko pa nahahawakan, parang malambot.
Haay, naalala ko tuloy si James Reid.
Ginawa ko na ang sinabi ni Ma'am. Umikot ako sa kabilang pintuan para makapunta agad sa likod. Si kuya naman kasi. Ano bang trip nito? Uso na bang maging loner? Maangas bang tingnan ang mga taong lumalayo sa iba?
Tiningnan ko si kuya. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat. Masyado ba akong maganda at kahit siya natutulala 'pag nakita ako? Next time nga magbabawas ako ng kagandahan.
"Hello!" masigla kong bati sa kaniya. Bahagya siyang lumayo sa 'kin. Nakita kong nagpunas siya ng pawis at nagpakawala ng malalim na hininga. Dineretso niya ang tingin sa harapan.
"Snob amp." nasabi ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
An Isolated Man
RandomMasakit mang isiping may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat ng kausap mo, kaibigan mo, kamag-anak mo o kahit kasintahan mo, pwedeng magpaalam anumang oras. Pero gano'n talaga eh. Darating ang kamatayan ng isang tao. Whether you like it or...