006

0 0 0
                                    

An Isolated Man
Part 006

His side.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Ewan ko ba pero bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing kasama ko si Eliza. Akal ko no'ng una, epekto lang ito ng gamot. Pero hindi.

Nagdududa na ako sa ginagalaw ng puso ko. Hindi ko nga alam kung akin pa ba 'to nakuha na ng iba.

"Okay, I gave you an assignment last meeting so please exchange your notebooks with your seat mate."

Nagulat ako ng sinabi 'yon ng Math professor namin. May assignment? Papaanong may assignment?

Ah, I remember. Last night, sumakit ang ulo ko nang dahil sa Math. Lagi ko na lang hindi nagagawa ang assignment ko. Ni hindi ko nga rin nagawa 'yong pina-assignment sa 'kin no'ng first day kahapon.

Nagtataka ba kayo kung noong first day eh may assignment agad? It's because my adviser gave it so that I have advance knowledge for the lessons that day. Pero hindi ko naman nagawa, remember?

Tumingin ako kay Eliza. Naita kong nakatingin rin siya sa 'kin.

"May assignment ka?" tanong niya.

"Sa tingin mo?" tugon ko. Yeah, I'm still acting cold towards her. Hindi ko alam ang nararamdaman ko but may part sa 'king gustong mapalapit sa kaniya. May part ring gustong layuan siya for her feelings. Baka masaktan siya kapag. . .'yon nga, mawala ako.

"Hehe, parehas tayo." nakangiti niyang sinabi sa 'kin.

Bigla na namang tumibok ang puso ko. Nag-e-echo 'yon sa buong katawan ko.

What the heck is she doing? Bakit ba lagi siyang ngumingiti?

Binigay niya ang notebook niya sa 'kin. Binigay ko rin ang akin.

Hayy, kainis. Kumikirot na naman ang ulo ko.

I wrote "NO ASSIGNMENT" and gave it back to her.

"Ang bagal mo naman." sabi ko. Hindi pa niya binabalik ang notebook ko.

"Sandali," nakita kong may sinusulat siya. "Ayan. Notebook mo!" sabi niya.

May nakita akong note.

No Assignment

cby: Eliza :)

N: Ngumiti ka naman ^_^

May kung ano na namang kuryente ang bumalot sa katawan ko.

Pinunit ko ang part na sinulatan ni Eliza sa notebook ko.

"Uy anong ginagawa mo? Sinasayang mo 'yong note ko! Rare lang 'yan 'no?!" sabi niya.

Nilamukos ko ang papel. "It's just useless." sabi ko sabay nilagay sa bag ko.

But actually, I want to isolate it from the other papers. Itatago ko 'tong papel na 'to na sinulatan niya.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Babae lang gumagawa nito eh? Aargh!

Nakita ko siyang nag-pout. Why does she often do that? It's so. . .ugh, cute.

And then the professor lectured.

...

"Jameson!"

Narinig kong may tumawag sa 'kin. Si Eliza na naman. Bakit ba lagi nya akong sinusundan?

"Sabay tayo kumain." nakangiti na naman niyang sinabi.

I just rolled my eyes at her and didn't respond.

"Silence means yes." sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

As usual, I choose to sit on the farthest part of the cafeteria. Oh, I'm wrong, it's "we". But oh, there's never been us.

"Bakit ba lagi kang nagki-keep the change?"

Napatingin ako kay Eliza. Tinutukoy niya siguro 'yong ginawa ko kanina.

"I don't have coins. And I don't want to have those, either." I answered.

Nakita kong napahawak siya sa bibig niya.

"Wow! Napakayaman mo naman pala!" she exaggerated.

I just raised my eyebrow. "You're over acting." I said.

"Sungit mo talaga." narinig kong sinabi niya. "Buti na lang at. . ."

Napatingin ako sa kanya. What does she trying to say?

"B-buti na lang ang m-mayaman ka. Hehehe, para may ipagyabang ka. Hehehe." sabi niya at namula.

May naramdaman na naman ako. Alam mo kung ano dapat ang sasabihin niya. Nagagwapuhan siya sa 'kin? Tumibok na naman ang puso ko.

"Oh, bakit ka namumula?" tanong niya.

Napahawak ako sa pisngi ko. Nakita niya akong namumula! I blushed of what I feel. And in front of her!

"N-nothing" sabi ko.

"Pero seriously, puro taas ng kilay at ikot ng mata lang ang ginagawa mo. Hindi ka ba marunong ngumiti?" tanong na naman niya.

Natigilan na ako. Kaya ko nga bang ngumiti? Hindi ko alam. Ang tagal ko nang hindi pinapakita sa ibang tao ang ngiti ko. Sa parents ko oo. Sa mga katulong at facilitator ng mansion, oo. Pero, sa iba? Hindi.

"Do you want drink?" pag-iiba ko ng topic.

Nagliwanag ang mukha niya. "Ililibre mo ako?" sabi niya. Para siyang bata.

I just nodded and went to the counter.

...

Uwian, ambilis ng oras. Ayun, ang daldal ni Eliza. She's so talkative that she can't stop her mouth from talking. Yeah, exaggerated, but it's true. Sort of.

Nagsabay na naman kami maglakad papuntang main gate.

"Uy salamat sa milk tea ha? Grabe 'yong prise no'ng nakita ko. Pambili ko na 'yon ng power bank ng cell phone ko!" sabi niya. Para talaga siyang bata.

"Mabuti nga 'yon eh. Hindi nasasayang pera ko." sagot ko.

Tumigil siya. Napatingin siya sa 'kin. Nanlaki ang mga mata niya.

"Nag-tagalog ka!" sabi niya.

I rolled my eyes. " Stupid."

Nasa main gate na kami nang biglang all of a sudden my humila kay Eliza.

"Uy ano ba?" sabi niya. "Uy Janno ikaw pala?"

"Sino siya?" sabi no'ng Janno ba 'yon?

"Kaibigan ko!" ngumiti siya. "'Di ba besh?" sabi niya.

I just rolled my eyes again.

"Bro, salamat ha." sabi no'ng Janno. "Tara, Eliza, hatid na kita."

Napakuyom ang palad ko. Anong nararamdaman ko? Nagagalit ba ako?

Teka, baka manliligaw ni Eliza si Janno. I'm too slow to understand what Janno is.

Napalunok na lang ako. Sigurado ako sa nararamdaman ko.

I'm jealous.

"Bye Jameson!" pamamaalam ni Eliza.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na papuntang parking lot.

May kung anong ideya ang umiikot sa isip ko. Ginugulo nito ang utak ko. May part na gusto ko 'yong gawin pero may part ayaw ko.

Napasabunot ako ng buhok. Kainis! Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Liligawan ko ba siya?

Sumakay ako sa sasakyan. I need help. Gusto kong magtanong sa taong may experience na dito.

Oo, buo na desisyon ko. Liligawan ko na siya.

An Isolated ManWhere stories live. Discover now