Jenny: Kainis naman ang daming nakaharang sa daan. First day of class tapos nakatambay lang mga estudyante sa corridor. Wala pa naman elevator ang school na 'to. (Sira pa rin) kapagod umakyat sa 3rd floor pa kasi ang klase ko sa Room 301.
Siya si Jenny, solong anak nina Leon Ong at Rena Ong. Mga kilalang negosyante sa Aklan. Infact sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking mall sa Aklan na makikita sa Kalibo City - ang Jen Supermall. Tama, ipinangalan ang mall sa kanilang unica hija. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Kalibo University at nasa 4th year na sa kursong Bachelor of Science in Computer Science.
Glory: O, Jen, bakit nakasimangot ka agad dyan?
Jenny: Paano ba naman, daming estudyante ang pakalat-kalat sa corridor na dinadaanan ko.
Glory: Sus! Eto naman, nanibago ka pa.
Jenny: Pumasok na nga tayo sa room.
Regina: Good morning Jenny! Ano sama ka sa amin mamaya? Gimik tayo!
Jenny: Pass muna ako guys.
Napatulala ang mga kaibigan ni Jenny sa kanyang naging kasagutan. Bakit nga ba? Si Jenny kasi ang siyang taga-plano ng lahat nilang escapades. Nakakapanibago nga talaga.
Arnel: May sakit ka ba Jen?
Ching: (sinalat ang noo ni Jenny) Wala ka namang lagnat ah.
Edwin: Tambak tayo mamaya. Disco lang naman e. 'Wag kang killjoy Jen.
(Tambak talaga ang name ng place. Nasa bahagi ito ng New Washington, Aklan na malapit sa dagat)
Jenny: Sorry talaga guys. I had made my promise to my Dad. I will behave this time and focus on my studies. Kung hindi kasi e, ipapadala nya ako sa States sa Tita kong old maid na strikta. Ayaw kong mangyari yun.
Ching: Wow! Ang bait ni best friend ngayon, kaya gayahin n'yo rin siya guys. Focus na sa studies kasi ito ang passport natin para magkatrabaho ng disente.
Regina: oo nga naman guys. Buti pa si Ching kasi kahit sumasama sa gimmicks natin e matataas pa rin ang grades. Inborn genius yata.
Ching: Hindi naman. (nakatawa)
Arnel: Sige na nga.
Yan ang barkadahang BESTIES, pag saan ang isa suportado ng lahat. Pinakamatalino so Ching Tan sa kanilang grupo at pumapangalawa lamang si Jenny Ong. Pero hindi ito naging hadlang sa kanilang mag-bestfriend.
"Good morning class! I will be your class adviser this sem. Darrel Regalado is my name."
Regina: Lintek ang pogi ah..
Glory: Psssst.... Bibig mo Regina baka madinig ka..
Seating arrangement ng grupo:
Ching/ Jenny/Glory/Regina
_______/Edwin/Arnel/_______Jenny: Hahahahahahaha! (Malakas)
Mr. Regalado: I don't want anybody of you to intrude me while I'm discussing.
Jenny: Hmmp... Sungit!
Ching: Behave Jen, please...
Jenny: Ok fine.
Vacant period sa school canteen...
Glory: Grabe naman si Sir Regalado, first day of the sem, computer programming agad ang assignment. Haaist... Sakit sa ulo na naman 'to...
Edwin: Oo nga eh.
Arnel: Jen, di ka pa rin ba pwede ligawan? Yung pinsan ko kasi naiinip na daw sa kakaantay sa'yo.
Jenny: Sus! Para 3 years pa lang ah. Kung hindi siya makapag-hintay bahala siya.
Ching: Sure ka Jen? Bakit ba pinipigilan mo ang nararamdaman mo, alam naman naming gusto mo rin si Denver.
Edwin: Bahala ka at baka maghanap nalang s'ya ng iba.
Glory: Obvious ka din Jen, formality na lang nga kulang sa inyo. Parang M.U. na din nga kayo. Tsaka hanggang ngayon ayaw mo pa rin makipag-date sa kanya.
Regina: May na heard nga pala ako na me babae daw sa HRM department na hayagan ang pagpapakita kay Denver ng pagkagusto.
Jenny: Kung talagang mahal nya ako, mahihintay nya talaga ako. (Halatang nagseselos)
Si Denver ay varsity basketball player ng Kalibo University. Graduating din ito ngayon sa kursong BS in Marine Engineer. Guapo at talagang habulin ng mga girls. Mayamang pamilya din ang pinagmulan. Matagal na siyang nanliligaw ngunit ang kundisyon ni Jenny ay magtapos muna bago siya sagutin. Iyon kasi ang kasunduan nila ng Daddy niya.
**Ano kaya ang mangyayari kay Jenny at Denver? Magiging sila ba? Abangan.. Kindly hit the star below or make comments.. It will be appreciated. Baguhan pa lang po ako dito. Sorry sa mga kamalian ko.**
***see you next update ****
YOU ARE READING
Love can or can't wait
General FictionHow do you define love? is it through how long you've known each other? Is it how much effort put into it? Or maybe is it "Love at first sight"?