Chapter 6:
I know himIlang araw kong iniiwasan na magkasalubong ang landas namin ni Xzyr.
Minsan di na lang ako nalabas ng room para di ko siya makita. Hindi ko alam ang course niya kaya mahirap maglabas labas ng building.
Ayoko na ng issue pa. Madawit pa 'yun.
Kahit masama ugali ng taong iyon, ayokong may nadadawit na pangalan dahil lang sa akin.
Maingat akong natitingin sa paligid habang papunta ako sa next room namin. Hindi sa pagiging oa pero para kasi siyang kabute na may lahing linta.
Susulpot kung saan-saan at kung nakita ka na niya susundan ka na niya na parang anino.
"Hi Dana!"
Speaking of the devil
"Anong kailangan?" masungit kong sambit. Mas binikisan ko ang paglalakad.
"Wala naman. Wala ka bang klase?" mas binikisna ko pa ang paglalakad pero parang di niya pansin iyon dahil sa dalawang hakbang ko, isang hakbang niya lang.
Sige. Ako na maliit.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Papunta ako cafeteria"
"Share mo lang?"
"Nagtanong ka di ba?" Yung maligalig niyang tono kanina ng pananalita ay napalitan ng seryoso.
Pikon.
Di ako nagpaalam sa kaniya. Pumasok lang ako basta sa room. Kunyari, hindi ko siya kinausap. Buti na lang talaga at walang nakita na kausap ko ang mokong na yun.
Nagdiscuss lang ng bahagya ang prof. Minadali na nga lang niya at pinasulat lang kami ng lecture. Mukhang tinamad din siya magturo.
Nakakatamad ng mag-aral to be honest.
Dumeretso ako ng locker ko para ibaba ang mga gamit ko. Balak ko ng umuwi dahil masyadong madami ang take home activities na pinagawa
Aalis na sana ako nang may humarang sa daraanan ko. Nakatingin ito ng matalim sa akin, animoy may kailangan.
"Excuse me"
Nilagpasan ko siya. Mukha siyang bitchesa. Wala akong panahon para patulan siya.
Sanay na ako sa mga ganyan. Suki school namin sa ganyang ugali.
"Wag mo kong tinatalikuran kapag kinakausap pa kita" mataray na sambit ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Akala ikinaganda.
"Sorry pero di kita kinakausap"
Inirapan ko siya. Di niya ako madadaan sa pagiging bitchesa niya ha.
"Aray!"
Hawak na niya ang braso ko. Ang kuko niya ay halos bumaon na sa balat ko
"Wag mo kong minamalditahan kasi wala kang karapatan"
Ngumisi pa ito na nagpadagdag para mairita ako sa pagmumukha niya.
"Pwede ba? Ano bang kailangan mo sa akin?"
Marahas kong tinanggal ang braso niya.
"I just want to warn you to stay away from Xzyr"
Ako naman ngayon ang ngumisi. Girlfriend ba ito ng mokong na yun? Bagay. Parehas maattitude
"Mukhang yang jowa mo ang kailangan mong sabihan niyan"
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
RomanceThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...