CHAPTER 4

15.3K 227 8
                                    

Maghahatinggabi na nang marinig ko ang paghinto ng isang sasakyan.
Si Borgy na ata 'to.

Lumabas ako ng bahay.

Si Borgy nga. Napakunot-noo ako nang makita ang paraan ng paglalakad niya.

Is he drunk?

Nag-aalalang nilapitan ko siya.

Nasagot lang ang tanong ko nang masamyo ang amoy ng alak mula rito.

Agad ko syang dinaluhan nang kamuntikan niyang ma-out balance.

"Ano bang pumasok sa kukote mo't nagpakalasing ka ha, Borgy?"

Hindi naman ako galit. Nag-aalala lang ako sa kanya. Buti naman at nakaya niyang magdrive pauwi rito?

"Ssshhh! Yow dhon't need tow know. Hahaha.. And no, I'm nowt drunk! I'm just tipsy! *huk."

Napailing nalang ako.

Yeah, say that to the dummy monkey!

Inalis niya ang mga kamay kong nakahawak sa kanya at nagpatuloy sa paglakad papasok ng bahay na sumusuray.

Napailing ulit ako habang sinusundan siya.

Kinabahan ako nang kamuntikan niya na namang humalik sa tiles na sahig.

Naiiling na nilapitan ko ulit siya upang alalayan. I put his arm on my shoulder.

Titig na titig siya sa mukha ko.

"How can I make you love me, Cam? "

Natigilan ako sa biglang tanong nya.

" Oh! Don't bother to answer that! Huk! "

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla syang sumuka.

Automatically, my face contorted.

Great! Sinukahan niya ako.

Buti nalang talaga at di natiyempo sa mukha ko. Sa shirt ko lang.
Hays.

"I tried Borg ,but I can't feel it. Kahit ano'ng pilit ko sa sariling mahalin ka rin pero wala talaga eh."
Mahinang sagot ko sa tanong niya. Di na pinansin ang nasukahang shirt.

Hirap na hirap akong iginiya siya patungo sa couch.

Nagulat ako nang marahas nyang hawakan ang braso ko.

Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"BORGY ANO BA?! MASAKIT! NASASAKTAN AKO! BITAW!"
Naiiyak na saway ko sa kanya.

"What happened?!"

Napatingin ako kay Mama Fely, nagising siguro sya sa ingay namin. Or should I say, dahil sa sigaw ko.

Binitawan naman agad ni Borgy ang braso ko nang makita ang ina.

"Borgy?! You're drunk?!"
Kita ko ang magkahalong pag-aalala't galit sa mukha nito.

Di sumagot si Borgy, nilagpasan nya lang kami at pasuray-suray na naglakad patungo sa hagdan. Nasa ikatlong palapag kasi ang kwarto namin, habang nasa ikalawang palapag lang yung kay Mama Fely at ng iba naming kasambahay, yung iba kasi ay nasa third floor din. Sobrang laki naman kasi ng bahay nila. Hays, mansion nga kasi di ba, Camille?

Hays. Kung wala siguro ang mga kasambahay, ang lungkot lungkot ng mansyong 'to.

Napatili kami ni Mama nang biglang natumba si Borgy. Nasa ikalawang baitang na sana sya ng hagdan. Pero dahil nga sa sobrang kalasingan, di na niya kinaya ang humakbang pa.

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon