Chapter 7: RED ?

81.1K 2.6K 435
                                    

Chapter 7

Nakatulala lang ako habang pinapakinggan ang pinag uusapan nila. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Kasalanan ko kung bakit naparusahan siya ng coach nila at hindi niya deserve ang maparasuhan ng dahil lamang sa akin.

"Ano ang nangyari kahapon?" seryosong tanong ni Caleb.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at pagkatapos uminom ako ng tubig. Mabuti nalang talaga na hindi nalaman ni Caleb ang nangyari kahapon dahil baka magwala pa din siya hanggang ngayon.

"Oo nga, ano'ng nangyari kahapon? Pinahiya kana naman ba niya?" tanong naman ni Kaye habang patuloy na kumakain.

Nagugutom ako pero wala akong ganang kumain. Hindi ko maatim na kumain habang si Xander ay nagpapakahirap sa gym.

Pinarusahan siya ng coatch nila at bilang parusa kailangan niyang linisin ang buong gym ng mag isa. Masyado pa naman makalat do'n dahil sa kahapon na larong naganap.

"W-wala, " nakaiwas ang tingin kong sagot.

Hinawakan ni Caleb ang chin ko at tinitigan ako sa mata. Kahit gustuhin ko mang yumuko ay hindi ko magawa dahil pilit niyang tinititigan ang mata ko na wari'y binabasa kung totoo ba ang sinasabi ko kanya.

"Okay ka lang ba?" nag aalala niyang tanong habang nakakunot ang noo niya.

"Oo naman, Caleb. Okay lang ako kaya huwag na kayong mag-alala.." wika ko at pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay nasasaktan ako ngayon.

Umiyak ako buong gabi dahil iniisip ko kung kailangan ko na bang I let go ang nararamdaman ko para sa kanya.

Last chance Avery at kapag wala na talaga ititigil ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.

No! Hindi parin ako titigil dahil hindi ko talaga kaya. Mahal ko siya, mahal na mahal ko si Xander.

Handa akong magpakatanga para lang mapansin niya ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Stop pretending that everything is okay. I know it's killing you inside, " seryoso niyang sabi sa akin.

Gulat akong tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Wala talaga akong maitatago pa sa kanya. Alam niya kapag umiyak ako at alam na niya ang lahat ng tungkol sa akin dahil maging kung kelan ako nagkaroon ng period alam niya at nakakahiya man dahil maging ang pad na ginagamit ko aa tuwing meron ako alam niya.

"Tch! Kung ako sayo gurl si Caleb nalang ang mas gugustuhin kong mahalin kaysa do'n sa batong puso na si Xander," sabi naman ni Kaye habang may kasama pang pag-iling ng kanyang ulo.

Napabitaw si Caleb sa chin ko at umiwas ng tingin sa akin. Samantalang si Kaye naman ay nag peace sign lang.

Aaminin kong nagulat ako sa sinabi ni Kaye. Bakit nga ba hindi nalang si Caleb ang nagustuhan ko. Siguradong hindi ako iiyak kung siya ang minahal ko.

"Ano kaba Kaye, meron ng mahal si Caleb. Atsaka magkaibigan lang naman kaming dalawa, " natatawa kong sagot dahil naiilang na talaga ako.

"Magkaibigan lang ba talaga?" bulong niya habang nakataas ang sulok ng labi niya.

"Manahimik ka Kaye dahil nakulangan ka lang sa pag-inom ng gamot," sabi niya habang ang sama ng tingin niya kay Kaye.

"Tch! Torpe kasi." nang-aasar na sabi ni Kaye kay Caleb habang ang lapad ng ngiti niya dito.

Gulat akong tumingin kay Kaye at narinig kong biglang napamura si Caleb. Sinamaan ko siya ng tingin at agad siyang nag sorry sa akin dahil sa pagmumura niya.

"Kaye! " ma-awtoridad na tawag ni Caleb kay Kaye.

"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah! Baka ang chicken ko ang nagsalita. Bahala na nga kayo dyan dahil pupuntahan ko lang boyfriend ko at palalamunin ko muna dahil nag-iinarte na naman ang loko, " sabi niya at agad na tumayo at naglakad na paalis na sigurado ay pupunta siya sa boyfriend niya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon