Betty:
"Nandun yung ref, may coke in can dun. May mga foods din. Feel at home" sabi ni Randy bago sya pumasok sa kwarto nya para magpalit.
Since binigyan naman nya ko ng authority. Dumerecho ko sa ref nya at dun naghanap ng kung anong pwedeng makain. Regardless kung may take home kaming siopao galing 7eleven.
Nakakaloka ng very light. Andaming nyang foods mga bes. May cake pa nga ee. May mga beer in can at softdrinks. Mga cookies at mga Coffee in a bottle ng Starbucks.
"Yamanera" bulong ko. Kaso nagulat ako kasi pagsara ko ng pinto ng ref eh sya agad ang nakabungad sakin.
"Kuha ka lang. Wag ka mahiya" sabi nya sabay bukas din ng ref sabay kuha ng beer.
"Tignan mo to, prof ka tapos umiinom ka? That is so wroooong" sabi ko na lang at may pag irap sa kanya.
"Wala namang masama aa? Saka isa lang naman" sabi nya sabay bukas ng can at ininom yung beer.
"Okay." Sabi ko sabay bukas ng ref nya sabay kuha ng Cafe latte in a bottle.
"Coffee lover?" Tanong nya.
"Yea, obviously" sabi ko na lang.
"Oo nga. Cafe latte is your favorite flavor right? 50% sugar?" Sabi nya.
Wait. Paano nya nalaman yung usual flavor na inoorder ko sa Starbucks!?
"Health conscious po kasi ko" sabi nya na iniipit yung boses nya at ginagaya yung boses ko.
"Baliw ka" sabi ko. I remember the day nung sinabi ko yun nung umoorder kami ng mga gaga sa Starbucks sa may NLEX.
"Pretty Betty" sabi pa nya kaya napasuntok na ko sa kanya. Mas nakabadtrip pa sakin yung pag close-open ng mata nya na nagpapacute kunwari.
Pero hutaena. Ganung ganun talaga yung facial expression ko nung nagpapacute ako dun sa gwapong barista sa Starbucks
"Bat alam mo yun!? Stalker ka no!?" Tanong ko.
"Tsssss. Stalker ka dyan? Nandun din kaya ako? Nakakaasar ka kaya nun. Kala mo kung sinong maganda. Oorder lang ng kape andami pang arte" sabi nya sabay tumalikod.
Aamba sana ko ng susuntukin ko sya kaso bigla syang lumingon pabalik. Mabuti mabilis ang kamay ko at kunwari nagpapabebe wave ako sa kanya.
Pota. Hindi bagay sakin. Imbyerna
"Tsss. Pabebe talaga" sabi na naman nya. Asar
•••
Sinundan ko sya sa may sofa set nya habang nanunuod sya ng Game of Thrones sa TV nya.
"Anong season ka na?" Tanong ko pero hindi nya ko pinapansin. Tutok lang sya sa pinapanuod nya.
"Huy! Anong season ka na kako?" Tanong ko pero deadma.
Ganyanan pala ang labanan.
Tumayo ako saglit saka ko inun-plug yung TV sa may outlet.
"What the fck. Bat mo pinatay!?" Asar na sabi nya.
"Eh hindi mo ko pinapansin ee!" Sagot ko.
"Akala ko ba aalis ka na?" Tanong nya. Ay punyeta, pinapaalis na pala ko? Shet.
"Akala ko ba mag stay muna ko dito?" Tanong ko din.
"Eh wag ka magulo! Nakita mong nanunuod ako ee!" Sabi nya kaya plinug ko ulit yung TV.
Back to the serious face na naman sya habang nanunuod.
Nakaupo lang ako habang pilit na iniintindi kung ano yung storya ng Game of Thrones. Badtrip naman kasi. Mas maganda kasi kung sa simula ko naumpisahan, eh hindi ee. Nasa season 6 na ata sya ee. Ewan