Chapter 3: Interrogation

4.6K 146 4
                                    

CHAPTER 3: Interrogation

Tahimik pa rin si dela Conde hanggang ngayon at di man lang pinapansin si Jenan.

"dela Conde? Galit ka ba talaga sakin?" malambing niyang tanong dito pero di siya pinansin nito pumikit nalang ito.

Naku Jenan! Mag-isip ka ng paraan! Dapat mawala 'yong inis niya sa'yo kundi patay ka talaga! Sabi niya sa isip niya.

May kapilyahang pumasok bigla sa isip niya. Napangiti pa siya nang nakakaloko sa naiisip niya.

Tingnan natin kung 'di pa ba mawala 'yang inis mo sa akin.

"Dela Conde? 'Di ko naman sinasadya 'yon eh, bati na tayo," sabi niya gamit ang malambing na tono pagkatapos ay inihilig niya sa balikat ni dela Conde ang ulo niya.

Pinakiramdaman niya ang paligid pero wala man lang siyang narinig na isang salita galing kay dela Conde kaya ang ginawa niya ay patuloy na lang siyang humilig dito at natulog sa balikat niya.

***

Sadyang kay hirap magpanggap na natutulog ka habang malambing na siyang sinusuyo ka. Oh! Henrik ano ba 'yang iniisip mo? Kaya ka niya sinusuyo dahil natatakot siya sa gagawin mo sa kanya! Kumbinsi niya sa kanyang sarili.

Pinagmasdan niya ang natutulog na si Jenan.

Napangiti siya nang makita niya ang napakamaamo nitong mukha. Para siyang anghel na natutulog at sa 'di malamang dahilan ay hinaplos niya ang pisngi nito.

Nakalimutan niya na ata na may iba pa pala silang kasama sa loob ng sasakyan. Napahaplos siya sa labi ni Jenan. Napalunok siya sa kanyang nagawa.

Umayos tayo Dela Conde, bawal itong ginagawa mo. Sa isip niya.

"Sir andito na po tayo," sabi ni Castro.

Napabitaw siya sa labi ni Jenan at bumuntong hininga bago hinarap si Castro na mapang-asar na nakangiti sa kanya. Binigyan niya lang si Castro ng isang pagod na tingin bago niya ginalaw ang balikat niya para magising si Jenan. Nang nagising si Jenan ay kinuso- kusot nito ang mga mata niya saka ngumiti kay dela Conde pero di niya ito sinuklian man lang kahit pilit na ngiti.

"Kayo na ang bahala sa kanya," sabi niya sabay labas sa police car.

Dinala nila Castro si Jenan sa isang silid at ipinaupo sa isang silya na may ilaw sa itaas ng ulo nito. Jenan was staring Castro and Gomez using her bored look. Nasa harapan niya ang dalawa na nakatitig din lamang sa kanya. May patangu-tangu pa si Castro habang sinasabi ang 'pwede'.

"Magtititigan na lang ba tayong tatlo dito hanggang mag umaga?" masungit niyang tanong sa dalawa.

"At saka ano bang akala niyo sa akin? Kriminal na may pinatay na sandamakmak at dito niyo talaga ako pinasok? Sinabi ko na sa inyo, inosente akong tao," pagmamaktol niya sa loob.

Pinukol niya ng masamang tingin si Gomez nang sumipol-sipol ito. Napatingin na lang siya nang biglang pumasok ang lalaking matakangkad. May abohing kulay na mga mata, may magagandang labi, matangos na ilong, at may perpektong mga panga.

Naglakad ito palapit sa kanila na wari mo'y isang modelong naglalakad.

Oh. Bakit ngayon ko lang napansin ang kakisigan ng nilalang na ito? Tanong ni Jenan sa sarili niya. Nang nakalapit si Dela Conde ay napapikit siya at inamoy ang bango nito. 

Very manly. 

Dumilat siya at napatingin sa braso niya. "Hmm..in faireness kahit snob ang yummy ng katawan," bulong niya sa sarili niya sabay hagik-ik. 

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon