Matagal tagal na rin akong nag-iisip kung bakit sa lahat-lahat ng taong nakikilala ko sa araw-araw, sa mga lalaking baliw na baliw sa akin sa panliligaw, siya pa rin yung pinipili kong balik-balikan.Kahit na alam ko naman na laruan lang para sakanya lahat ng babae.
Lahat naman tayo alam na ang hirap magmahal lalo na kapag ikaw lang din naman mag-isa ang kakapit hanggang sa maghihintay ka nalang ng kusa mong pagbigtaw.
Wala eh,mahal ko yan,mahal ko siya. Mahal ko si Beatriz kahit may mahal siyang iba.
"Jho! Ikaw nalang ang hinihintay para makaalis na tayo, saan ka ba galing?"
"Sorry ate aly, maski ako naghintay kay Bea nang matagal"
Double meaning! Ugh.
"Ha? Eh kanina pa siya umalis kasama nung bago nanaman niya."
"Ganun ba? Sige tara na. Susunod naman siguro siya bago magsimula ang laban."
Ngumiti nalang ako ng hindi abot sa mga mata para hindi na magtaka pa ang kasalukuyan naming graduating captain ngayon. Sino pa bang hindi makakakilala? The phenom.
Sumakay na ko sa bus ng buong team, katabi ang bestfriend kong si maddie na humihilik pa. Maaga pa naman kasi bandang alas sais palang ng umaga kaso dapat nang maghanda para sa tune up game namin against UST.
Bawat laro,hindi lang para sa sarili namin. Yan ang palaging bilin samin ni coach anusorn. Para sa lahat ng mga taong sumusuporta sa amin. Ang mahirap kapag nakakaranas kami ng pagkatalo at dobleng bigat yun dahil sa lungkot na mararamdaman ng mga taong nagmamahal sa buong team.
Pero sabi nga,hindi mawawala ang pagkatalo basta ang mahalaga kahit ilang beses madapa,lumaban tayo.
Tatlong taon ko na siyang pinaglalaban hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung meron ba kong patutunguhan. Minsan sweet siya, pero ang bilis ding mawala sa pangangalantari ng iba.
"Wakey! Wakey! Mga agila! Lilipad na tayo."
Kahit medyo corny yang paggising samen na yan ni ate aly, paulit-ulit pa rin akong natatawa.
"Ay! Ay! Captain!"
Tumingin ako sa katabi ko. Kahit kailan talaga tulog mantika ang babaeng to. Nagising na lahat, siya nalang ang tulog.
"Bes! Gising na. Nandito na tayo oh? Ano bang kinapuyat mo nanaman?"
"Hmmmm.Bar."
Lasinggera talaga tsk. Akala niyo good girl si maddie madayag? Well. Hahaha. Wild girl, rather.
"Dali na please. Ayoko makatanggap ng parusa kay coach, kung naalala mo pa."
Takot ko sakanya.
"Tara na bes! Gising na ako. Kesa naman parang hindi ko nanaman maramdaman ang mga paang meron ako sa buong isang linggo."
Natawa na lang ako sakanya habang sabay kaming naglalakad papasok ng BEG.
Walang nagbago, kahit dalawang taon na ako halos nakakatapak ng paa dito.Iba pa rin yung pakiramdam at siguradong hahanap-hanapin ko ang lahat ng to sa oras na makapagtapos na ako.
"Gerls, trin hard! Happi Happi! Unity and Hartstong."
Salubong sa amin ng pinakamamahal naming coach bago magsimula ang training. Palo dito palo doon, kahit nakakapagod, masaya dahil mahal mo ang ginagawa mo.
Kaso nakakapagtaka dahil ang tagal naman ata niyang dumating? Labing limang minuto na mula ng nagsimula kami. Nasaan na kaya siya?
Tawagan ko kaya? Nagaalala na ako at baka napano na yon, madalas kasing pala lakwatsa talaga siya pero hindi naman nahuhuli kapag may usapan.
"Coach!"
ayan nanaman yung kabog ng puso ko tuwing malapit siya and worst, boses palang niya ang lakas na ng dating sa akin!
Nilingon ko siya.
Para lang pala makita na may kasama siyang iba, kaakbayan siyang iba, kangitian siyang iba.
Hanggang pangarap nalang ba kita, Bea?