Chapter 11

9 0 0
                                    

PAGE'S POV

"Girls nakita niyo ba yung lip balm ko sa vanity table ko?" Tanong ko habang naglalakad sa hallway sa pagitan ng mga kwarto naming tatlo.

Pero dahil walang sumagot, pinuntahan ko na lang si Kensie dahil room niya ang pinakamalapit sa kinatatayuan ko.

"Hoy nakita mo ba yung lip balm ko?" Hindi na ako kumatok at basta na lang binuksan ang pinto ng kwarto ni Kensie.

"Heto oh hiniram ko. Nawawala rin kasi yung akin eh." Sagot ni Kensie sabay pinakita yung lip balm ko na hawak hawak niya.

"You used it?! Don't you know that's very unhygienic? And contagious diseases have more tendency to be transferred with shared goods?!" Sigaw ko sabay kinuha na yung lip balm ko.

"Wow ha kung makareklamo ka para namang may HIV ako niyan at nakakadiring tao, nagtoothbrush ako ano at wala akong nakakahawang sakit FIY! Makareact to. Eh sa pareho tayo ng brand na ginagamit eh. Tsaka pwede mo namang sabihing bakit ako nangunguha ng gamit ng may gamit."


"Ang yaman yaman niyo di ka makabili ng bago mong lip balm. Tsaka bakit di mo i-try yung kay Bullet?" Tanong ko.

"Ayoko nga yung kay Bullet parang ang bigat sa bibig pag in-apply. Palibhasa laging nag-eexercise yung babaeng yun pati bibig nagwe-weightlift. And FIY hindi pa tayo nagpupunta ng mall since nagtransfer tayo ng school."


Oo nga pala, we have all been busy dahil sa play. Hindi na lang ako sumagot at nakigamit na lang ako ng salamin sa vanity ni Kensie at in-apply ang lip balm ko. Nakakadistract kasi sa pag-aaral ang dry lips.

"Page, kailangan ka ng pinto sa entrance." Sabi ni Bullet na biglang dumungaw sa pinto ng kwarto ni Kensie.

"Pano mo nalamang kailangan nung pinto si Page? Kinakausap mo na ba mga bagay bagay ngayon Bullet?" Pilosopong tanong ni Kensie.

"Shunga, may nagdoorbell kanina pero dahil hindi niyo narinig kasi puro HIV pinag-uusapan niyo, ako na lang nagpunta sa entrance. May nag-iwan ng delivery para kay Page." Sagot ni Bullet na hanggang ngayon nakadungaw pa rin. Bakit di kaya to pumasok sa loob?

Pero sino kaya yung nag-iwan ng delivery? Basta na lang iniwan? As far as I know kailangan ng pirma ko pag may idedeliver ang mga courier.

Nagtataka man, pinuntahan ko na lang yung pinto sa entrance. Kalokang Bullet, nakita namang may delivery pala bakit di na lang niya pinasok.

Pagbukas ko ng pinto, mistulang huminto ang paghinga ko sa nakita ko. Isang take out ng cappuccino, isang lunch box ng french toast na may strawberries and blueberries pa, at isang box ng red roses. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino yung nagbigay dahil sa red roses pa lang #alamna.

Everyday ba siyang nakatambay sa flower shop at wagas kung makapagbigay ng flowers?


"Ooooh may pa breakfast delivery si mayora." Tukso ni Kensie na di ko namalayang nasa likod ko na pala.


"Ay ano ba yan para sa isa lang. Ang kuripot ni loverboy ah." Sabi na naman ni Kensie sabay talikod at nagpunta ng kitchen.

Sinundan ko siya at nilapag sa dining table yung flowers, coffee at toast. Ngayon ko lang napansin yung post-it note na nakadikit sa lunch box.

[ As I wake up and watch the sunrise,
I remembered how I get lost in your eyes,
And how I melt with your every smiles.
That's why I sent you a little surprise,
Hoping it'll bring your stomach both nutrition and butterflies.

Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon