Love & Pride (Lesbian Love Story)

322 4 1
                                    

CHAPTER 1

Ako si Alexandra Monte, eighteen years old at kasalukuyang nag-aaral nang AB-Mass Communicatin sa Unibersidad ng Pilipinas. Ako ay isang lesbian at proud member ng LGBT community. Matagal bago ko naamin sa sarili ko ang tunay kong pagkatao. Madaming man akong natanggap na panglalait, discrimination at masasakit na salita mula sa ibang tao pinanindigan ko yung sarili ko at dahil doon nagging masaya ako.

Isa din akong blogger at always trending sa mga social networking sites katulad ng facebook, twitter, instagram at iba pa dahil sa mga blogs and articles ko. Katunayan nga ay nabigyan ako kamakailan lang nang people’s choice award para sa bagong article na sinulat ko na pinamagatang “Buhay Pagkatapos ng Trahedya”. Ang dami kong natanggap na compliments at minsan ay mga negative comments from my bashers tungkol sa mga flaws ng article ko pero mostly ay patungkol sa gender preference ko. Noong una ay nasasaktan ako at napapaiyak tuwing nakakatanggap ako nang mga ganoon. Pero ngayon, nasanay na ata ako at natanggap ko nang may mga tao talagang kasiyahan ang kasiraan ng iba.

Hindi ako gwapo pero hindi rin naman daw pangit. Katam’taman lang naman daw yung features ng itsura ko pero madalas talaga ay napagkakamalan akong lalaki. Dahil siguro sa buhok kong clean cut lagi at sa tangkad kong 5’8. Sabi sa akin ng best friend ko ay papasa daw akong kalokalike ni Enrique Gil dahil sa maputing balat ko at medyo mabibilog kong mga mata. Dagdag pa daw yung malakas kong appeal pag-dating sa mga babae kahit daw tomboy ako. Hindi ako sigurado sa mga sinasabi ng best friend ko pag dating sa looks ko kasi para sa akin hindi naman kasi importante yun. Ang mahalaga naman kasi ay kung paano mo dalhin yung sarili mo lalo na sa mga panahong magkakaproblema ka.

Monday ngayon at unang araw ng pasukan. Sobrang excited akong makita ang mga kaibigan ko at makilala ang mga bagong kaklase ko. Naglalakad ako sa lobby ng school at may napansin akong isang babae. May katangkaran ito na sa tingin ko ay 5’4 ang height. She is so stunning on her black dress with 3 inches wedge heels. Maputi ang kutis nito at singkit ang kanyang mga mata. She’s so sexy. No! She’s one of a kind. Tinitigan ko siya at tumingin siya sa akin and then she smiled at me. Parang nag slow motion ang paligid ko at parang dinadaga yung dibdib ko sa sobrang kaba. Dumaan sa harap ko yung babae at lalo ko siyang natitigan ng mas maigi. Ang ganda niya! Parang isang anghel na bumaba sa langit para lang masilayan ko. Nawala na sa paningin ko yung magandang babae pero di pa din ako maka get over sa kanya.

“ALEXXXXXXX!!”

Narinig kong sigaw nang bestfriend kong si Danica habang tumatakbo palapit sa akin. Maganda si Dan, 5’3 ang height nito na bumabagay sa medyo malaman nitong katawan. Chinita ang mga mata nito dahil may lahi itong Chinese na bumagay sa maputi nitong kutis. Maraming nagsasabi na bagay daw kaming dalawa at madalas napagkakamalan na girlfriend ko. Minsan ay hindi na namin naitama ang hinala nang iba dahil nasanay na kami. Bata pa lang ay sobrang malapit na talaga kami sa isa't isa.

Pagkalapit niya sa akin ay bigla niya akong niyakap na sobrang higpit at mangiyak-ngiyak pa.

“Oh Dan, bakit ka umiiyak? May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya habang hinahagod ko yung likod niya.

“Wala naman. Loko ka! Namiss kita nang sobra. 1 week din tayong di nagkita. Hindi mo man lang ba ako namiss?” Parang batang paglalambing ni Dan sa akin.

“Pwede ba naman yun? Siyempre namiss kita nang sobra. Ikaw kaya yung baby ko. Oh heto. Favorite mong chocolates para naman mawala na yang tampo mo sa akin.” Nakangiti kong inabot kay Danica ang pasalubong ko sa kanyang chocolates.

“Oh myyyyyyyyy! Alex salamat. I love you talaga. Mwah!” Nanlalaki ang mga matang sabi ni Danica sabay yakap at halik sa akin sa pisngi. Nagugulat pa din ako hanggang ngayon tuwing ginagawa niya ang paghalik sa akin. Na alala ko nga noong una niya akong hinalikan ay di ako makatulog buong magdamag. Pero nakakatuwa talaga siyang tingnan tuwing sobrang saya niya. Parang batang kailangan talaga na pag-aalaga at pansin.

*KRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIING!!” Tunog nang bell hudyat na magsisimula na ang clase.

“Danica, pumasok kana sa clase mo at magkita na lang tayo mamayang lunch sa cafeteria.” Sabi ko sa bestfriend ko para pumasok na sa clase niya.

“Cge, kita tayo mamaya ah. Bye!” Paalam ni Danica.

Nawala na sa paningin ko si Danica nang umpisahan kong maglakad patungo sa aming classroom.

Nasa pintuan pa lamang ako, kitang-kita ko na ang mga magiging kaklase ko. Nagulat pa ako dahil most of them ay mga babae. Mga sexy at ubod gandang mga babae. Lalo akong nag’alinlangang pumasok nang makita ko ang babaeng nagpatigil nang mundo ko kani-kanina lang. Napasinghap ako nang makita kong iisa na lang ang bakanteng upuan at ito ay nasatabi nung babaeng kanina pa laman nang isip ko. Hindi ko na alintana ang mga matang nkatingin sa akin na hindi ko mawari kung ano ang mga iniisip ng mga ito. Lumapit ako sa babae at umupo sa tabi nito.

“Miss, may nakaupo na ba rito?” Nahihiyang tanong ko sa kanya.

“Wala pa na man. Diyan ka na umupo.” Sagot niya at ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis.

Napatulala ako at biglang lumakas ang tibok nang puso ko. Parang may milyong mga dagang naghahabulan sa loob nito. Oh God! Ang ganda niya. Hindi ko maiwasang humanga sa babaeng na sa aking tabi. 

“Baka naman matunaw ako sa mga titig mo.” Nakatawang sabi sa akin nang babae.

“Ay, sorry miss. Hindi lang siguro talaga sanay itong mga mata ko makakita nang maganda eh. Pasensiya kana ha.” Biro ko sa kanya habang nka peace sign ako. 

“Hahaha. Binola mo pa ako. By the way I’m Crissa Rodriguez. And you are?” Pakilala ni Crissa sabay abot nang kamay niya sa akin.

“Alex Monte. I’m very pleased to meet you Crissa” Sabay abot nang kamay ko. Nang maglapat mga kamay ay bahagya ko iyong pinisil. Naramdaman kong napakislot si Crissa sa nagawa ko. At gayun din ako, may naramdaman akong kakaiba. I felt the electricity that runs through my blood and vain na naging dahilan para bitawan ko ang kamay niya. Para akong sinisilaban at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. 

“I’m pleased to meet you too Alex.” Sabi ni Crissa at ngumiti siya sa akin.

Maya-maya ay dumating na ang aming professor at nag simula na ang aming clase. Sa isang buong oras nang aming clase ay marami din kaming napagkwentuhan ni Crissa. Solong anak pala ito at nasa state ang parehong mommy at daddy nito. Kasama lang niya sa bahay ay ang yaya niya na nag’alaga sa kanya simula pa noong sanggol siya. Balak nang kanyang mga magulang na doon na siya pag’aralin sa states pero siya ang may gusto na dito niya tatapusin ang pag’aaral. 2nd year college na si Crissa at AB-Masscom din ang kurso niya. Transferee siya kaya hindi ko siya agad nakilala. Nalaman ko din na nakatira kami sa iisang subdivision lang. Nasa Block 1 kami block 5 naman sila. Ang dali kong nakapanatagan nang loob si Crissa dahil mabait ito at sincere sa kanyang mga sinasabi. 

“Class, may ipapagawa ako sa inyo. Research everything about Mass Communication and present it tomorrow in class by pair.” Instruction nang aming guro before tinapos ang aming clase.

“May partner kana ba lex?” Tanong sa akin ni Crissa 

“Wala pa nga eh. Ikaw ba?”

“Wala pa din eh. Gusto mo tayo na lang? Dun na lang natin gawin sa bahay namin.” Suhestiyon ni Crissa sa akin. 

“Oo sige ba. Sabagay at malapit lang naman mga bahay natin. Pupuntahan na lang kita mamaya” Sagot ko sa kanya habang ang ideya na makakasama ko si Crissa sa bahay nila nang walang ibang kasama ang naglalaro sa isip ko sa mga oras na iyon. Napapangiti ako.

Bago kami nagpaalamanan ni Crissa ay nagpalitan muna kami nang mga cellphone number para macontact naming ang isa’t isa mamaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love & Pride (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon