(kinabukasan)4:30 am
Eliz PoV
Maaga ako nagising dahil kailangan ko makausap si ate tungkol kahapon sa nakita ko. Hindi ko hahayaan na saktan at lokohin niya si ate! pero tanong paniniwalaan niya kaya ako?
Medyo masakit ang ulo ko ngayon siguro gawa kahapon, bumangon na ako at naghilamos muna tsaka bumaba. pagkababa ko nagluto narin ako ng itlog at hotdog. maya maya natapos narin ako sa pagluluto at naglagay narin ako ng pinggan. umupo muna ako sa sofa iniintay ko kasi si ate makababa.
Naalerto ako nang makarinig ako na footsteps sa hagdanan. siya na siguro?... malayo layo kase yung hagdanan sa sofa at hindi mo makikita kung sino yung naglalakad makikita mo nalang kapag nakababa na. basta ganon! gets niyo ba?. at tama ang hinala ko siya nga...bigla nalang ako nakaramdam ng kaba feeling ko kahit medyo maaga pa at mahamog iba yung pakiramdam ko parang namamawis ako na para bang sobrang init ng panahon.
napatingin si ate levi sa gawi ko at pumeywang sa harapan ko at tinaasan ng kilay.
"Oh! Nandiyan ka pala...Ang aga mo ata nagising?..."taas-kilay na sabi niya.
"Ahhh oo eh...M-Morning!..Uhmmm...nagugutom ka na ba? pinaghandaan ko na kayo nila mama.. Ate...kain ka na."masaya na sabi ko pero sa totoo lang nabubulol ako sa sobrang kaba.
"Hindi na. Nawalan na ako ng gana."akma na sana siyang aalis pero nahawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
"ahhh..Ate..uhmmm..p-pede ba tayo m-magusap."tanong ko habang nakatingin sakanya. bigla siyang kumunot-noo at tinignan ako nang masama.
"ayoko. wala ako sa mood para makipagusap sayo."madiin na sabi saken at pumunta sa kusina. sinundan ko siya at nakita ko dun na naghihilamos siya na mukha. lumapit ako.
"A-ate may gusto lang naman ako sabihin sayo"
tumingin siya sa gawi ko at padabog na kinuha ang towel sa mukha at pinunasan niya ito at tumingin ulit sa akin.
"O sige! ano bang sasabihin mo huh?!dalian mo dahil tumatakbo ang oras."mataray na sabi niya.
"A-ate nakita ko kasi si....drei..kahapon."sabi ko
"O.. tapos? ano na naman ginawa mo?!...nilandi mo nanaman ba! nagusap ba kayo?!...... kaya ba gabi ka na umuwi kahapon huh!...nagdate ba kayo? siguro ang saya saya mo kahapon kasi nalandi mo na naman ang BOYFRIEND KO!.. ANO?! bat di ka makasagot...totoo noh?" pasigaw na sabi niya sa akin. akala niya ba nilandi ko si drei? yun ba akala niya!...napayuko ako nang wala sa oras.
"Ano na?! yun ba ang gusto mong sabihin huh?!"
tumingin ako sakanya.
"Nagkakamali ka. ang totoo niyan a-ate... nakita ko si drei sa mall na m-may...k-kahalikan na ibang babae."nabubulol na sabi ko nakita ko si ate na nagsalubong ang kilay sa sinabi ko at biglang tumawa.
"hahaha...kahalikan? eh baka ikaw yun?!.." sabay turo sa akin at nagseryoso ang mukha. "pwede ba? wag mo ko lokohin! wag mong bilugin ang ulo ko! naiintindihan mo?"
"Ate hindi ako yun at totoo ang sinasabi ko. maniwala ka naman sa akin ate!?" naiiyak na sabi ko.
"Maniwala?! huh!...paano ako maniniwala kung ikaw mismo sinira ang tiwala ko! huh? sabihin mo nga eliz!?"duro niya sa akin.
"ate hindi ko naman alam na girlfriend ka niya noon eh...at sinabi niya sa akin na ako lang ang girlfriend niya...wala akong alam noon na may relasyon pala k-kayo...pati ate parehas niya tayong niloko! at hanggang ngayon two timer parin siya!" papiyok piyok na sabi ko dahil kunti nalang magiiyak na ako.

YOU ARE READING
I hate that I love you
Teen FictionSiya si Eliza Kim Aguilar, half chinesse, medyo nerd, moody girl, and simple girl. ayaw nya sa mga taong mayayabang, makulit, masunget, at sa lahat snobero.... pero paano kung isang araw ang pinaka-aayawan nyang tao ay mainLOVE sa kanya.... mahuhul...