CHAPTER 60
Habang hinahatak ng kanang kamay ang graphics na tila pinupunit na papel, lumabas naman sa nagawa nitong butas ang kaliwang kamay at magkasunod na hinatak din sa gilid ang graphics pakanan. Mula sa naiwang madilim na puwang, dalawang nanlilisik na mga mata na parang luminous na pula ang kanilang naaninag habang nanatiling nakahawak pa ang dalawang kamay sa napunit nitong graphics.
Pigil sa paghinga ang tatlo habang hinihintay ang paglabas ng mukha nito. Ilang saglit pa, dahan-dahan nitong iniluwa ang kanyang sariling mukha, kasabay na napunit ang ilang bahagi ng graphics para magkasya ito palabas. Isang contoured na mukha ang tumambad sa kanila. Magkahalong abo at berde ang kulay ng balat nito at may ilang itim na kaliskis na nakakalat dito. Maaaninaw din ang ilang berdeng ugat na tila uuod na gumagapang sa seryoso nitong mukha. Kahit mas angat ang anyo nitong demonyo, kapag tinitigan ito ng matagal, hugis pa rin ng mukha ni Ulysses ang mababalangkas.
Isang tinig na tila galing sa hukay ang umalingawngaw. Kahit na built-in speaker ng laptop lang ang gamit nila, animo'y kinabitan ito ng amplifier dahil sa lakas ng boses nito.
"BAKIT MO AKO TINAWAG LAPASTANGANG TAO?" turan nito sa mababa at bilugang boses.
Napalunok si Yasmine pero hindi s'ya nagpatinag sa panggugulat nito. Napatanong naman si Meynard sa sarili kung bakit sa ganoong paraan muling lumantad si Ulysses. Hindi kaya isinangla na n'ya ang kanyang kaluluwa sa... hindi na n'ya itinuloy.
"Anong kailangan mo sa amin?" matapang na tanong ni Yasmine.
Humagalpak ito ng tawang hinugot sa lalamunan.
"HINDI N'YO MAN AMININ, NARARAMDAMAN KO SA MGA MATA N'YO ANG PAGKASINTAK. NGUNIT SA TINGIN N'yo ba, gusto ko ng ganitong anyo ng pagkatao?" biglang nagbago ang timbre ng boses nito at bumalik sa normal. Maging ang mukha nito ay unti-unti na ring nagbago at dahan-dahang nalulusaw ang tila maskarang nakatakip sa kanyang mukha, hanggang sa ang orihinal na mukha ni Ulysses ang nasa harapan na nila.
"Ayoko ng ganung mukha. Diba mas magandang kausap pag ganito ang kaharap n'yo?" pasimpleng ngiting turan ni Ulysses.
"Wag kang pa-cute, sagutin mo ang tanong ko. Ano ang kailangan mo sa amin." Nairitang ani Yasmine.
"Patience my love, patience. Sasagutin ko yan sa tamang pagkakataon. Sa ngayon, makinig muna kayo sa sasabihin ko."
Walang nagsalita, walang komontra.
"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ganun ang itsura ko kanina. Well, related ito sa ibubunyag ko sa inyo. Uhmm, paano ko ba ito sisimulan? Okay, sino ang nakakakila kay Agnes Waterhouse?" Tumingin ito ng direkta sa tatlo at sa huli tumigil kay Yasmine. "Alam kong kilala mo s'ya may dear Yasmine."
Ayaw na sanang sagutin ni Yasmine ang tanong pero kailangan nilang sumakay para malaman nila ang gustong iparating sa kanila ni Ulysses.
"S-she's England's most famous witch. Anong connection?" madiin na sagot ni Yasmine. Pero bakit parang kinabahan ako, shit! pahayag n'ya sa sarili.
"Correct! At s'ya ang kauna-unahang witch na binitay sa England sa kanyang panahon dahil sa pangungulam. Now, to refresh your memory my dear, at para din dito sa dalawang walang muwang, s'ya ay may alagang spotted cat na nagsasalita sa mababang boses na may pangalang Sathan or Satan."
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystery / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...