November 20, 2016

17 2 0
                                    

May kung anong party kaming dinaluhan ni mama. Gaganapin ito sa isang mansyon kung saan nakatayo ito sa malapit sa sikat na ilog dito sa aming maliit na lugar. Hindi ko alam kung bakit inimbitahan kami sa isang pagdiriwang na halata naman na para lamang sa mga mayayaman. Bakit kaya? Siguro ay dahil sa uncle kong mayaman. Ang nagmamay- ari sa mansyon na iyon ay ang dating nagmamay- ari sa lugar na ito na ngayon ay namayapa na. Naipasa na ito ngayon sa kanyang nagiisang anak na namatay na din kaya ngayon ay ang nagmamay ari na nito ay ang apo niya. Ang apo niya ay si Senior Alfonso na may dalawang binatang anak. Si Edward na labingpitong taong gulang pa lamang at si Joshua na labinglimang taong gulang pa lamang. Hindi ko pa nakikita ang dalawang yun sa tanang buhay ko sa personal ngunit nakita ko na sila sa mga litrato, tarpaulin at sa mga magazine na binebenta dito sa aming maliit na bayan. Walang sinuman ang hindi makakakilala sa dalawa. Bakit? Dito kasi sa aming lugar ay parang monarkiya. Para silang dalawa ang prinsipe. Nakikitira lamang kami sa lupa nila at nagbayayad ng buwis.

"Anak, magsuot ka ng magandang damit." Payo sa akin ni nanay kahapon.

Naguguluhan pa akong tumingin kay inay. Bakit naman kaya niya pinapasuot ng magandang damit? Anong okasyon?

"Bakit 'nay? Ano po bang meron at pinapasuot niyo ako ng magandang damit?"

"May dadaluhan tayong party! Imbitado tayo sa party ni Senior Alfonso na gaganapin sa lumang mansyon kaya kailangan mong maging pormal."

Hindi ako nakapagsalita. Unang beses kong makakadalo sa isang pangmayamang party. Hindi naman kasi kami mayaman kaya wala din akong kakilala na mayaman. Pero si nanay, marami siyang kilalang mayaman pero kahit ganoon ay hindi kami naging mayaman katulad nila.

Tinawagan ko ang kaibigan ko pagdating ng gabi. Hindi parin ako makapaniwala na dadalo kami sa isang pangmayaman na party!

"Shane!" Sigaw ko ng sinagot ni Shane ang tawag ko.

Shane Saragosa ang pangalan ng aking kaibigan. Ang pamilya niya ay nakakataas sa amin pero naging magkaibigan parin kami.

"Oh bakit ka napatawag, Queenie?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Hindi ka makakapaniwala sa sasabihin ko!"

"Ano yun?"

"Dadalo kami ni nanay bukas sa party na gaganapin sa lumang mansyon!"

"Talaga?! Mabuti naman kung ganoon! Sinong nagimbita sainyo?"

Napaisip ako. Hindi nasabi sa akin ni nanay kung sinong nagimbita.

"Walang nasambit si nanay sa akin. Pero alam mo naman yun si nanay. Maraming kaibigan na mayayaman."

"Hayaan mo na iyon. Ang mabuti ay makakapasok ka na sa lumang mansyon! Mabuti na lang nga tumawag ka. Pupunta din kasi ako bukas sa party!"

"Ganoon? Magkikita pala tayo sa party!"

"Oo nga! Mabuti na lang talaga at may nagimbita sainyo. Hindi ko naman kayo maimbitahan dahil imbitado lamang kami ng mga Garcia."

"Naiintindihan ko Shane, ang importante ay imbitado na din kami ngayon."

"Nakakainis kasi at monarkiya ang lugar na ito. Uso sa atin ang mga Status, hindi katulad sa ibang bansa."

Ang bansa namin ay nangangalang Sañieta. Dito sa Sañieta ay may Status. Dito malalaman kung saan ka dapat lumugar. Ang mga nasa pinakamataas na status ay ang mga maharlika katulad na lamang ang pamilya ni Señior Alfonso. Ang sunod dito ay ang mga mayayaman.

"Tiwala lang Shane. Magbabago din yan. Mawawala din ang Status na iyan."

"Haay, nakakastress. Sige bukas na lang tayo magkita. Anong oras ba kayo dadating sa lumang mansyon?"

A DreamWhere stories live. Discover now