Madalas na kaming mag-kita ngayon.
Kung noon ay hindi kami halos mag-pansinan. Ngayon nama'y hindi na kami mapaglayo.
Isang araw ay inaya niya akong kumain sa labas na kaming dalawa lamang.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko nung mga oras na 'yon, basta ang alam ko'y tuluyan na kong nahulog sa kanya.
"Florida, bilisan mo na dyan! Kanina pa naghihintay 'tong boypren mo!"
"Ah eh, magkaibigan lang po kami"
Na-patigil ako sa ginagawa ko. Para akong tinusukan ng tinik sa dibdib sa mga salitang narinig ko. Buong akala ko'y magtatapat na siya saakin ngayong gabing ito.
***
"Bakit parang wala kang salita? Wala kang ibo? May nararamdaman ka ba?"
"Sayo, oo."
"H-ha?"
Tumahimik na lamang ako dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.
"Florida, aaminin ko. May pag-tingin ako sayo at ikamamatay ko kapag nawala ka sakin kahit walang tayo."
Ngumiti lang ako.
"Pero, hindi na pwede"
"H-ha? B-bakit?"
"May asawa ako. Pamilyado akong tao"
Unti unting pumatak ang luha ko ng mga oras na yon.
"Bakit hindi mo sinabi? Sana hindi ko hinayaang lumalim 'tong nararamdaman ko para sayo!"
Tiningnan ko lang siya. Tuwing tumitingin ako sa mga mata niya'y para akong nakatingin sa mga bituin.
"Maari pa rin naman tayong maging magkaibigan, diba?"
"Hindi. Dahil 'tong nararamdaman ko para sayo, higit pa sa isang kaibigan"
Agad akong tumakbo palabas ng gate ng restaurant na kinakainan namin.
"Sandali lang! San ka pupunta?!"
Sinundan niya ako at hinigit ang kaliwa kong braso.
"I dare you, Florida. Wag mo 'kong titigan ng ganyan, baka mag-bago ang isip kong iuwi ka sa inyo"
Sinamaan ko lang siya ng tingin at sinusubukang kalasin ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Hinigit niya ako palapit sa kanya at naramdaman kong dumait ang labi niya sa labi ko.
Nawala ang galit ko sa kanya. Para akong kinukuryente ng mga oras na yon. Mababaw na halik lang pero nagunaw ang mundo ko.
Whatever happens, I will find away to unlove you.
YOU ARE READING
Anatomy of You and Me
FanficAn assemblage of one shots of Florida and Crisanto's never before seen stories inspired by their comeback series.