Astrid's POV
"Akin siya!" Natulala ako matapos sabihin ni Hunter ang mga salitang yun. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko habang hawak naman ni Kyran ang kabilang kamay ko.
Napatingin ako sa kanilang dalawa ng salitan. Seryuso ang itsura ni Hunter at ganun din si Kyran.
Seriously? Magtititigan lang talaga sila?
"Pwedi kung magtititigan lang din naman kayo bitiwan nyu nalang ako?" Winakli ko ang kamay ko para makawala sa pagkakahawak nilang dalawa at saka padabog na humarap sa kanilang dalawa.
"Ikaw Hunter! Anong pinagsasasabi mong 'akin siya' ha? Hindi mo ko pag-aari! Tao ako okay? Hindi mo pweding angkinin ang isang tao!" Sigaw ko kay Hunter habang nakapameywang."At ikaw naman Kyran! Akala mo ba talaga sasama ako sayo? Kahit gaanu ka pa kagwapo hindi ako sasama sayo nuh! Ano ako tanga?! Ngayon nga lang kita nakita eh!" Bulyaw ko naman kay Kyran.
Nakatingin lang silang dalawa sakin. Pinulot ko ang mga nahulog kong gamit at saka nagmadaling maglakad papalayo.
"Astrid wait!" Rinig kong sigaw ni Hunter.
Hindi ako lumingon at sige lang ako sa paglalakad.Napahinto ako nang bigla na namang ginamit ni Hunter ang Vampire powers niya at bigla nalang bumungad sa harap ko.
"I said wait!" Seryusong sabi niya.
Tss! Akala ko ba ayaw na niya akong magkaroon ng ugnayan sa kanila?
"Tss! You told me to stay away right?!" Sagot ko.
"Then?.... Just stay away with Kyran too!"
Hindi ito ang inaasahan kong sagot. Akala ko sasabihin niyang kalimutan ko nalang ang sinabi niya at okay lang na maging magkakaibigan kami. Pero hindi. He's so selfish!
"I know! Hindi mo na 'ko kailangang pagsabihan pa!" Sagot ko sabay talikod at naglakad na palayo.
Bakit ako nahihirapang kalimutan at layuan sila? Eh halos dalawang linggo palang naman kaming magkakakilala? Actually there's no big deal. Ano ngayon kung ayaw na ni Hunter na magkaroon kami ng ugnayan? As if naman importante ako sa kanya? Ako lang naman tong ambisyusa na niligtas lang ng isang beses feeling close na! Tss! Afterall hindi sila normal, mga bampira sila! Habang ako? Isa akong tao! Tsk! isa pa Kumakain sila ng dugo ng tao! What the hell! Kahit saan banda mong tignan hindi talaga pweding maging magkaibigan ang tao at bampira. Hayyst!
Kinabukasan pumasok ulit ako ng school.
Hindi ulit pumasok si Hunter even Kharis. Tahimik akong nakaupo sa upuan ko habang tinititigan ang mga bakanteng upuan nilang dalawa. Bakit ganun? namimiss ko sila.
Natapos ang lahat ng classes ko at wala na naman akong natutunan ngayong araw.
Naglalakad ako habang sinisipa sipa ang isang maliit na bato. Para akong baliw.
Maya maya....
Krriiinngggg! Krrriiinnnnggggg!
Biglang tumunog ang phone ko kaya agad kong binuksan ang bag ko para kunin ang phone ko. Ginalugad ko ng husto ang loob ng bag ko. Amputa asan ba yung phone ko?
"Gotcha!" Sabi ko ng makita ko na siya.
What the? Wala namang tumatawag dito? Pero sige parin sa pagring?
Kaninong phone yung nagriring?
Napafacepalm nalang ako nang maalala kong dalawa pala ang phone ko.
Antanga!
Dali ko namang ginalugad ulit ang bag ko at sawakas nakita ko na ang isa ko pang phone.
'2 missed calls' hayyyst tinignan ko kung sino ang tumawag pero unknown number.
BINABASA MO ANG
D'Vlad: THE VAMPIRE & I
VampirDraven D. Vlad, is a member of the Royal Vampire clan 'Vlad', After witnessing the bloody slaughtering of his whole family, Draven left home and started a new life as a vigilant and left all his responsibility as a royal blood to his cousin, Cerber...