(((Sky's POV)))
"Sky, tara punta tayo kila Charms" aya ni Sam na agad kong inayawan. Dahil sa dalawang dahilan, una tinatamad ako at pangalawa, ayoko makita yung Keira na yun.
"Wala daw si Keira sa kanila" sabi agad ni Aris
Umiling ako "Ayoko pa rin mga tsong, tinatamad ako"
"Sige na nga! Wag na lang" sabi naman ni Sam.
"Uy, minsan na nga lang mag-aya sila Kendra hindi pa tayo pupunta" reklamo agad ni Aris.
"Gago man, ibig kong sabihin, wag na natin pilitin si Sky, tayo na lang, tara na" sabi nila at saka na lumabas sa kwarto ko.
"Mga sira ulong yun, iniwan talaga ako?" Tanong ko in disbelief, napabuntong hininga na lang ako, makatulog na nga lang ulit.
Nakatulog lang ako ng isa't kalahating oras, dahil nagising ako sa tawag ni Aris.
"Problema mo?" Bungad ko agad nang masagot ko ang phone ko.
"Man yung phone ko padala naman dito" sabi ni Sam, napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nya. Inikot ko ang mata ko sa buong kwarto ko pero wala akong phone na makita.
"Wala naman dito yung phone mo!" Reklamo ko.
"Man, nasa ilalim ng unan mo!" Pagkasabi nya nun ay kinapa ko naman agad ang ilalim ng unan ko. "Kita mo ba?" Tanong ulit nya sa kabilang linya.
"Oo" tipid kong sagot ng makita ko yung pinapahanap nya.
"Punta ka rito man, paki naman" sabi nya, tutal isa akong dakilang mabait na kaibigan hindi na ko nakipag talo at pinuntahan na lang sila.
Hindi pa naman traffic kaya mabilis akong nakarating sa pupuntahan ko. Pagdating ko sa kanila, nasa labas si Sam at talaga yatang hinihintay ako. Ano bang gagawin nya sa cellphone, kasama naman na nya si Charms? May iba pa talagang monkey business ang lalaking to,
"Oh, istorbo ka na nga ulyanin ka pa!" sabi ko nang i-abot ko sa kanya ang phone.
"Salamat man, tara pasok muna tayo" aya nya, dahil sabi nila kanina wala pa naman yung isang kaibigan nila Kendra, pumasok na ko.
"Hi Sky, bakit naman ayaw mo pumunta dito?" Bungad na bati ni Kendra sakin.
"Wala lang, akala ko kasi nandito yung abnormal nyong kaibiga" sabi ko na tinawanan naman nila.
"Maupo ka muna, teka kukuha kitang makakain" sabi naman ni Charms saka pumasok sa kusina at paglabas nya ay may dala na syang fruit salad. "Tikman mo dali" excited nyang sabi kaya tinikman ko naman, "How was it?" Agad nyang tanong, malamang sya may gawa nito.
"Masarap naman, hindi masyadong matamis at hindi masyadong masabaw, hindi kagaya ng sa iba na parang nagsu-swimming sa gatas" simpleng sabi ko, si Charms naman parang kinikilig na ewan, dahil ba sa mga sinabi ko? "Bakit?" Tanong ko habang ngumunguya pa.
"Specialty talaga ni Kei ang mga desserts at kung anu-ano pang mga sweets" sabi niya kaya napatigil ako sa pagkain,
"Gawa nya to?" Nagtataka kong tanong, may alam naman palang gawin ang babaeng yun?
"Yup, sarap diba?" Ngiting ngiting sabi nitong si Kendra.
"May alam naman pala syang gawin" mahina kong sabi.
"Itong kaibigan nyo, grabe sa kaibigan namin talaga" sabi naman ni Charms habang nakaturo pa sakin, dahil doon bigla na lang tuloy napag-usapan ang babaeng yun.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?