Complex, not Complicated.

23 3 0
                                    

Sino nga bang gusto maging malungkot? Mag-isa? Magdusa?

Ayaw kong maging isa doon.

Gusto ko maala-nobela ang buhay ko. May kwenta, may kwento. Kagaya ng sinusulat ko para sa org namin.

Kaso...

di lahat pinapalad.

Sabi kasi nila by chance. Yung iba by choice. Para sa akin minor requirement lang yun sa konsepto ng pag-ibig.

Kailangan All-in. Parang sa pag-susugal. Maraming nagsasabi na magtira ka rin daw ng pag-mamahal sa sarili mo para di ka madevastate kapag nawala o nasira ang relasyon.

Bakit ka pa nagmahal kung di mo ibibigay ang lahat. Ano to? Installment?

Tapos kapag nakulangan ang isa saka ika'y iiwan. T*nga ka kasi. Kapag alam mong siya na ang The One, well alam na.

Kaso...

Ang pag-ibig ay puno ng kaso. Kesyo ganito. Kesyo ganyan. Haaaaay

Basahin mo kaya ito ng maliwanagan ka.

Ang kwentong di galing sa kwento kundi galing sa mga tao mismo.

Complex, not Complicated.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon