A Strong, Independent Woman. Yaas

46 1 0
                                    


I remember this scene in How I Met Your Mother (An American sitcom. Aka RIP-OFF of F.R.I.E.N.D.S) wherein Ted Mosby wants to feel like he is needed. If I recalled it correctly, during the time he and Robin were together, Robin appears to him as the why-did-you-even-have-a-bf-in-the-first-place kind of girl because she does things on her own. However, iba ang scenario kay Barney Stinson. Barney is actually amazed that Robin Scherbatsky is her "own daddy". In other words, Robin has her own spine. She is not some kind of a needy and clingy entity. 


Threat ba sa mga lalaki ang isang babaeng may strong personality? If women can fully fend for themselves, is it going to bruise a man's ego? 

This reminds me of a particular scene sa movie na The House Bunny. Yung bida doon, si Shelly, ay nagbibigay ng tips kung paano mapapaakit ang isang guy. Isa sa mga sinabi niya eh huwag maging "too smart" in front of a guy. 

So, what does that mean? Ayaw ng lalaki na mahihigitan siya ng babae. 


In my honest opinion, mga insecure na lalaki ang mga allergic sa mga strong, independent women. Sila yung mga lalaking nakakapit pa rin sa ideology na the male is the stronger sex. Tch. Well, wake up. It's the 21st century. We've had females who have led countries. The person leading the most prominent monarch in the world is a WOMAN - Queen Elizabeth II. Gone are the days na gawaing bahay at pag-aalaga ng bata ang tanging responsibilidad ng mga babae. Thank Heavens at nakaalis na sa ganoong siste ang mga kababaihan. 


Sa totoo lang, I am extremely annoyed of how women were portrayed in history. Bakit ba umabot sa puntong para bang mga properties ang mga babae sa sinaunang panahon? Kung tutuusin, anatomically parehas lang ang babae at lalaki liban sa reproductive hormones at sa mga genitalia. 


Minsan, napapaisip ako what if it did not go that way before? What if women were treated as equal to men since the ancient times? I wonder how would society be like right now? 


Hindi naman ako man-hater. Also, hindi ko nilalahat ang lalake. Alam ko namang there are guys out there na gugustuhin rin ang isang babaeng may strong and grounded personality. Para sa akin, ayos lang naman na iparamdam mo sa partner mo na you need him in you life, lalo na't nasa isang romantic relationship kayo. Of course, emotionally invested ka, you want to spend your life with him..etc. BUT, do not resort to the point na magiging isang co-dependent relationship na ito. 


Use your own judgment. Hindi lang sa kanya iikot ang buhay mo. 




RANDOM INSIGHTS: In TagLishWhere stories live. Discover now