I inhaled the fresh breeze.
God! Namiss ko talaga ang amoy ng probinsiya.
Welcome back to my hometown!
Andito na nga pala ako sa airport ng Silay City, Negros Occ. Kakalapag ng eroplano'ng sinakyan ko.
"TITA CAMILLE! "
Napatingin ako sa sumigaw.
Napangiti ako nang makilala ito."ANNA! "
Tumakbo ako palapit sa kanya habang hila-hila sa isang kamay ang maletang dala.
Pamangkin ko sya. Anak ng pinsan ko. She's 14 years old."Lalo kang gumanda, Tita ah?
Natatandaan mo pa ba yung huling uwi mo dito? Daw nine years old palang ko 'to muh!"Natawa ako. Hinawakan ko ang baba niya.
(Translation: Nine years old palang ata ako nun!)
"Oo nga eh. Ambata-bata mo pa nun tapos ngayon, dalaga ka na! Muntik na nga kitang di makilala eh. Mas gwapa ka pa sakon subong."
(Translation: Mas maganda ka pa kesa sa'kin ngayon.)
"Yiee! Totoo po ba yan? Binobola mo lang ako , Tita eh! Tingnan mo nga 'tong balat ko sa balat mo oh!"
Nakapout na sabi niya habang kinokompara ang balat sa'kin.Ginulo ko ang buhok niya.
"Anna, wala naman sa kulay ng balat ang kagandahan eh. Meron nga diyang sobrang puti at ang kinis-kinis pero di naman siya kagandahan. Yung kulay lang ng balat ang nagdala sa kanya eh. Kung iitim siya, edi ang pangit niya na.-"
Hinawakan ko ulit ang baba niya."-Ang tunay talagang maganda, nasa morena. Katulad niyang balat mo. And believe me sweetheart, ang ganda-ganda mo. Wag mo kasing ibase ang kagandahan sa kulay ng balat. Ang mapuputi pag umitim, pumapangit. Pero kapag ang mga morena o maiitim pumuti, nagiging diyosa."
Kinindatan ko pa siya.She smiled at me.
"Ayan! Ngiti lang. Lalo kang gumaganda eh."
"Ang galing mo talagang mambola, tita!"
"Uy di bola yun! Totoo yun! Wala kayang pangit sa lahi natin! Dapat ipagmalaki na magaganda't gwapo ang mga Perez!"
Natawa siya sa sinabi ko.
"Di ka pa rin talaga nagbabago, tita. Kalog ka pa rin. Pero maiba tayo tita, ba't di sumama yung asawa mo? Gusto ko talaga syang makita sa personal. Di rin kasi kami nakadalo nung kasal ninyo eh. Biglaan kasi yung pagpapakasal niyo. Ang gwapo-gwapo ng asawa, Tita ah! -"
Agad na natabingi ang ngiti ko nang maalala si Borgy
"Ahm. Busy kasi siya, Anna eh. Baka next time."
Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya."Sige Tita. Para makita niya ang kagandahan ng probinsya natin."
Tipid na nginitian ko lang sya.
"Teka! Ba't ikaw lang mag-isa? "
Pag-iiba ko ng topiko."Naghanda po kasi sila doon, Tita."
"Asus! Nag-abala pa sila! Tara na! "
Tuluyan na kaming lumabas ng airport.
"Mahihirapan tayong makasakay dito, Tita. "
Puno na yung mga taxi sa dami ng pasahero. Summer na kasi kaya maraming nagsipag-uwian at nagsipagbakasyon.
"Lakarin nalang natin hanggang dun sa bakery na yun, Anna. Nagugutom na rin kasi ako e."
Tinuro ko yung isang bakery sa di-kalayuan.
BINABASA MO ANG
A Night With My Husband's Brother
RomanceWarning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever story.