"Dare nga sabi mo diba? Ba't ayaw mo pang gawin?!" Sabi ni Eril sakin na nakacross arms
"Eh ikaw kaya gumawa, Ang awkward naman nun hindi kami magkakilala or anything tas yan pa papagawin mo!" Ayoko naman talaga kasi gawin yung pinapaggawa nitong si Eril. Wala ata tong magawa sa buhay eh, Pinagtritripan ako.
"Ganyan yan si Jonah eh, Hindi sumusunod sa dare. Diba Eril? Bakyain na natin!" Sino pa ba magsasabi nyan? Edi yung pangalawa kong bestfriend. Mahilig sila mamblackmail, Pinag iisipin ko na nga na ipatapon sila sa Pluto eh pag nagkaroon na ako ng pera.
"Ito na nga eh, Gagawin na. Crush nyo kasi tas ako yung gagawa ng first move, Medyo nakakaloko kayo eh!" Pano ba naman kasi, pinapagawa sakin nila Eril at Chevy na gawin daw yung dare na kunin yung number ng crush ni Eril.
"Ikaw naman, ba't ba ayaw mo? Para regalo mo na 'to sakin. Pang-Christmas! Kaya sige na, please?" Puppy eyes pa sya. Akala mo naman gagana sakin, Well konti lang.
"Oo nga tska hindi ka naman nun kilala eh. Kaya wag ka nang mahiya dyan!" Tignan mo 'to alam na ngang mahiyain ako, Pinupush pa nila ng bongga. Nakakainis
"Sige na nga. Pag ginawa ko 'to, Tapos na lahat ng dare ko sainyo ah? Walang bawian." Nag-agree na din ako kasi sila din naman ang mananalo sa huli. Mas pinaaga ko lang ang pag-aagree ko sakanila.
"Sino ba kasi 'tong crush mo Eril? Akala ko ba si Greyson yung crush mo? Sabi mo pa nga forever mo siyang crush eh tas ngayon may bago ka na agad na crush." Sabi ko habang kumakain ng Mcdo fries. Ang sarap kaya, Medyo weird nga lang ako kumain ng french fries dahil.....secret.
"Ewan ko ba. Kasi kakaiba 'tong crush ko ngayon, Basta ang gwapo nya" Hindi ko masyadong naintindihan kasi habang ngumunguya sya ng fries tska naman sya nagsasalita. Medyo kadiri din 'tong si Eril eh? Maturn off na kayo jejemon pa yan sa facebook. Hahaha joke lang, Wag ka agad magalit!
"Si Steven yung crush nya. Yung tita mo na nagtuturo sa tapat ng school natin. Dun sya nag-aaral, Malay mo diba student ng tita mo yang si Seth, Edi happy happy naman si Eril." Paliwanag ni Chevy. Buti pa sya, may presence of mind.
"Okay okay, gagawin ko na. Ano pa bang hihingiin ko? Number nya lang diba?" Tanong ko sakanila. Aba malay ko baka mamaya kailangan ko pang alamin yung blood type nya, Medyo weird pa naman 'tong mga kaibigan ko.
"Number lang!" Sabay sabi nilang dalawa. Okay, Kaya mo yan Jonah number lang kukunin mo.
------------------------------------------------------
Timecheck: 5:47pm, Lialle Academy front gate.
"Iha, sinong hinihintay nyo dito?" Tanong sakin ni manong guard.
"Si Steven po uhh...may itatanong lang po sana ako."
"Sige iha. Tska, diba ikaw yung pamangkin ni Ms. Ella?"
Nag-nod ako, Magaling talaga ako mag-nod. Hahahahah "Uhm, umalis na po ba si Steven?"
"Hindi pa iha, Siguro maya maya lalabas na din yon." Sabi ni Manong guard. Edi natahimik naman ang kaluluwa ko, Hindi pa naman daw umaalis kaya pwede ko siyang matanong. Si Eril at Chevy umuwi na, May gagawin pa daw If I know sinadya talaga nila para ako lang gumawa nitong 'dare' nila saakin.
Hindi ko naman kilala 'tong Steven na 'to kahit sikat na sikat sya or so whatever. Not interested, Alam nyo kung kanino ako interested? Hahahah kay Louis Carpio. Yung fictional character ni ate Eydee sa 'This crazy bastard' Okayyyyyyy. Nakakakilig kaya pag nagrereply sya sa tweet ko sakanya at messages ko sa FB. Alam mo yun? Yung nag-eeffort sya. Appreciated yun sakin, Sobra. Yun nga lang, Medyo madaldal ako sa chatbox namin. Wag na kayong magtaka, Madaldal talaga ako.
BINABASA MO ANG
City lights (Oneshot)
Short StoryPara to kay SD at Louis Carpio. Fictional character from Ate Eydee's 'This crazy bastard' :)