Kath's POV
Umupo ako sa swing na nasa garden lang ng bahay nila Les.
Ang mga loko nasa loob, nagcecelebrate dahil nanalo sina Les at Ella. The whole comeptition was bias pero buti nalang walang nagreklamo.
Im happy for Ella. Ito kasi ang matagal na niyang pinapangarap. Matagal na niya itong hinintay.
Hindi na muna ako masyadong naki-jam sakanila kasi, hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Les kanina sa pageant.
Especially my favorite part
"Ayoko nang magpapakamartir. Kung tatanggihan man niya ako, so be it! Wala akong pakielam. Basta sinabi ko na sakanya kung gaano ko siya kamahal.
Kahit na ipagtabuyan niya ako kasi naiinis na siya saakin, siguro naman dadating yung time na mapapagod din ako sa kakahabol sa kanya. Kaya ilelet go ko na siya, kahit masakit man. I want to tell the whole universe how muchI love her."
Grabe. Ganon talaga ka-inlove si Les kay Ella? Kasi bahala na masaktan siya, basta wag lang yung taong mahal niya. Alam ko ganun ang ugali ko ngayon. Bahala na kung masaktan ako, basta masaya si Dan kung saan man siya ngayon. Pero alam ko sa huli na masasaktan lang siya.
Hayyy. Kailan ko kaya matatagpuan yung taong gaganunin din ako.
Kasi naman si Kupido eh! Papana na nga lang, sablay pa! Papana na nga lang doon pa sa taong may mahal namang iba. Ang hirap ng love!
Ano kaya ang feeling nang magkaroon ng boyfriend?
"BOO!!"
"Kyaaaaaah!!"
"Aray-- Kath--Aray-- Ako to! Si- Ouch! -Si Dan!" Napatigil naman ako sa paghampas ng malaman ko kung sino ang hinahampas ko.
"Hala! Nako! Sorry, sorry. HIndi ko talaga sinsadya!"
Nakita kong hinihimas niya ang braso niya.
"Ikaw naman kasi eh, alam mo namang magugulatin ako. Ginulat mo talaga ako."
"So ako pa ang may kasalanan ngayon? Ako na nga tong hinampas at sinapak, ako pa tong may kasalanan."
"Oh, sorry na. Hindi ko naman kasi sinasadya eh."
"Hay. Swerte ka at cute ka!" Sabi niya sabay pinch nang cheeks ko.
Ayan ka nanaman heart! Mamaya ka nang mag-ingay diyan, baka marinig ka ni Dan.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
Fiksi PenggemarIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...