Di ko Alam ko pano ko Sisimulan.. Pero ito na nga I'm Anna from France pero laking Pilipinas ako yung father ko is 15 years ng nag tatrabaho sa france. Nag desisyon ang papa ko na dun nalang kami manirahan. I have a boyfriend From philippines si Caleb 5 years na din kami. Maraming nang yare maraming nag bago. LDR Kami Nasa pilipinas sya nasa France ako Taon taon kami nag babakasyon ng family ko sa pilipinas pero isang buwan lang (Kulang na kulang para saming dalawa yun). Mahirap kase sobrang namimiss namin ang isat isa walang oras na di sya mawala sa isip ko. Hanggang sa isang araw na balitaan ko nalang na may ini-intertain ng ibang girl ang boyfriend ko nasaktan ako SOBRA akala ko kase di nya magagawa sakin yun, Naniwala ako sa mga sinasabi nyang ako lang wala ng iba. Yun ang mali ko kampante ako na ako lang yun pala kaya nya akong lokohin. Nakipag break ako. Then na realize nya daw na mahal nya pala talaga ako na di nya na daw kayang mawala ako sa kanya etc. basta kung ano yung common na sinasabi ng mga lalaki kapag nakipag break sa kanila ang mga GF's nila yun na yun. Dahil ako si tanga binigyan ko sya ng 2nd chance kasi deserve naman talaga nya ehh. Nag effort sya at na realize ko na kaya nya pang mag bago. Sana ? pero habang tumatagal parang ng lalamig sya hindi na sya yung kagaya ng dati na super sweet ang dami nya ng reason kung bakit di na sya nakakapg chat sakin na parang may kulang na, iba na, nag bago na. tiniis ko lahat yun kase alam ko sa sarili kong mahal ko sya year 2015 Magbabakasyon kami ng Family ko sa Pilipinas 1 month kaming mag stay so excited na kong makita sya na surprise ako kase kasama sya nila tita na nag sundo samin. Ang saya ko sobra di naman mawawala yun ehh. Habang lumilipas ang araw nag aaway lang kami ni caleb kahit sa maliit na bagay lang ewan ko ba napakaliit na bagay pinapalaki pa. naiinis ako gusto ko mag libang sumaya ayuko isipin yung bagay na ikasasama lang ng loob ko. Sawa na akong umiyak. Sinali ako ng friend kong si mia sa Gc (Group Chat) ng section namin dati nung 1st year high school. ang saya habang binabasa ko yung mga message nila kinikilig ako. Nag lalaro kase sila ng "Ang Ma-Fall Talo" siguro may 3 couples dun na niloloko lang nila ang sarili nila haha. May napapansin ako hindi lang ako sila din na parang nag papansin sakin si Mart I don't know kung nagpapansin ba sya, kase ayuko naman mag assume eh. Hanggang sa isang araw pang apat na kami sa couples dun na nag lolokohan gusto ko itry para maiba naman nakakasawa din maging mabait. Si mart Ewan ko ba sa araw araw na ginawa ng diyos pag nag memessage sya sakin kinikilig nako. Parang iba na yung nararamdaman ko sa bawat goodmorning message, goodnight message nya iba na ang dating sakin parang feeling ko na fall na ko sa kanya ? Araw araw walang oras na di kami mag ka chat dumating na nga sa point na kailangan ko ng gumawa ng private facebook ko para lang maka chat sya minsan nag vivideo call din kami. Alam kong mali ang ginagawa ko kase may boyfriend ako ehh. Maling mali at baka isipin pa ni mart na ginagawa ko syang 2nd option na hindi naman Gusto ko sya ipag -laban mahal ko na sya mahal na mahal pero hindi pwede.
Binisita ako ng mga classmate ko nung 1st year high school kamasa si mart at si mia dun nakakatuwa kase kinekwento nila yung mga nangyare samin nun. Pagabi na at kailangan ng umuwi ng mga classmate ko pero nag paiwan si Mia At Mart Tumambay kami sa Roof Top namin nag kwentohan ng kung ano ano lang hanggang sa nag paalam na din na uuwi na sila pero.. "Anna ? Pwede Bang Bago Kami Umuwi Mayakap kita kahit saglit lang ?" Ewan ko Bakit Gusto ko din na yakapin sya, Pumayag ako Ang Sarap sa Feeling nung yakap yakap nya ako.
Gulong gulo nako sa nararamdaman ko kaya Humingi nako ng advice kay mia. Si mia ay best friend ni mart wala akong masabihan ng mga nararamdaman ko ehh. Nahihirapan ako. ang advice sakin ni mia tapusin na namin tong ginagawa namin ni mart, itigil na namin. Oo alam ko tama si mia pero ang hirap ehh. Na fall na ko kay mart at ganun din sya sakin. "Mahal ? Bat Parang Ang Cold Muna sakin?" Tanong nyang nahihirapan akong sagutin. Kailangan ko ng mag desisyon kahit mahirap ayuko na patagalin kase masasaktan lang sya at nasasaktan na rin ako, na guguilty sa mga ginagawa kong mali sa boyfriend ko, kahit ayuko tapusin to pero kailangan eh.
"Aantayin kita Mahal Kahit anong mangyare Ikaw na eh. Ikaw na talaga Sge Didistansya nalang ako ayukong mahirapan kapa sorry kong nagulo ko ang feelings mo pero isa lang ang tatandaan mo anna. Mahal na kita, MAHAL NA MAHAL Handa akong mag Antay." Naiyak ako Kasi di ako makapaniwala na sa simpleng larong yun nauwi sa ganto. I miss you mart kahit masakit kailangan ko ng tapusin kung anong meron satin ngayon, kung alam mo lang sana kung gano kita kamahal kahit ayukong umiwas kailangan eh. May boyfriend ako maling mali. Iniwasan ko na si mart at nakipag ayos nako kay Caleb ako nalang muna mag aadjust para sa boyfriend ko, malapit na kaming Bumalik sa france yung isang buong linggo na natitira Binigay ko lahat sa Boyfriend ko lagi kaming magkasama halos araw araw. Ayukong ng maulit kung ano mang nang yare gusto ko ng kalimutan yung naging kasalanan ko sa boyfriend ko. Salamat mart kase pinasaya mo ko. Siguro may Tamang Panahon Para Sating Dalawa. Pero Sa Ngayon Tapusin na muna natin.
YOU ARE READING
"Ang Ma-Fall Talo" (Larong Na Fall, Nag Mahal, Nasaktan, Nag Paubaya.)
Short StoryBase On A True Story