CHAPTER 22

33 6 0
                                    


"So, san kayo ngayon?" Nakahalumbabang tanong ni Thea kay Stella at Gino. Kakaalis lang ni Avel kaninang alas onse. Pagkaalis niya ay tumayo si Gino para tabihan si Stella. Inilagay niya ang braso niya sa sandalan ng upuan ng dalaga kaya parang nakaakbay siya dito. Sumimsim siya ng kape saka sumagot.

"Saan mo gusto Stella?" Tingin niya sa dalaga na namumula ang pisngi. What I'd give just to see you blush more Stella.

Yumakap siya kay Gino. Sinandal niya din ang ulo niya sa balikat nito. "Okey lang naman kahit saan."

"Nakakakilig naman. O sige, mag-aasikaso lang ako ng ilang orders. Bahala na muna kayo sa sarili niyo. Tawag lang kayo kapag may kailangan kayo." Tumayo siya at kumindat muna bago bumalik sa trabaho.

Ilang sandali pagkatapos umalis ni Thea ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ni Gino at Stella. Pinaglalaruan lang ng binata ang gilid ng tasa niya. Hinahaplos haplos ng hinlalaki niya ang paligid nito. Nakatingin si Stella sa ginagawa ni Gino at hindi niya maiwasang isipin ang halik na pinagsaluhan nila...kagabi lang.

Napakagat siya sa labi niya.

"Gusto mong manood ng movie?"Sabay haplos niya sa buhok ni Stella. Napasimple naman siya ng ngiti dahil kinilabutan siya sa haplos ng binata sa kaniya. Naramdaman niya din na parang may nagliparan na mga paru-paro sa tiyan niya.

Tiningnan niya si Gino saka siya tumango.

"Okey."

Nagkwentuhan pa sila tungkol sa iba't-ibang mga bagay na kahit walang kwenta ay pinagtatawanan nila. Kung anu-ano lang.

Napagpasyahan na nila na umalis kaya nagpaalam sila kay Thea na lalabas. Inaalok niya na gumamit nalang ng sasakyan pero umayaw si Stella. Gusto niya raw maranasan ang magcommute kaya yon nga ang ginawa ng dalawa.

Natatawa si Gino kay Stella na takot na takot noong sumakay sila ng bus. Muntik na kase siyang maout of balance dahil pagpasok nila umandar kaagad ito. Noong bababa naman ay ayaw na niyang bumaba dahil natatakot siya. Kaya si Gino kinarga nalang si Stella hanggang sa makababa. Pinagtitinginan nga silang dalawa dahil sa paraan ng pagkabuhat ni Gino.

"Sana pala nagtaxi o kaya nagsasakyan nalang tayo!" Maktol niya na tinawanan lang ng binata. "Ayoko ng sumakay diyan sa bus! Wag mo kong tawanan Gino nakakainis ka!"

Niyakap naman siya ng binata at hinalikan ang ulo niya. "Sige sige. Tara na?"

"Okey."ngiti niya.

Naghawak ang mga kamay nila. Galak na galak ang puso ni Stella dahil sa wakas nagkaroon din sila ni Gino ng masasabi niyang 'alone time'.

Napatingin siya sa magkahawak nilang kamay. Ano ba yan? Bakit sobrang lamig naman ata ng kamay niya?

"Pasmado ka?"

Ngumiti ng matamis ang binata. "Oo e. Naiirita ka ba?"

Mabilis siyang umiling saka niya hinigpitan ang hawak sa kamay ni Gino. Kahit pasmado pa ang kamay mo...hinding hindi ako magsasawang hawakan yan. Mahal ko ang lahat sayo...Gino. Mahal ko ang lahat.

Nagtingin tingin sila ng movie. Napatigil sila sa isang movie kung saan ang bida ay si Zac Efron.

"Gusto mo eto nalang?" Tinuro ni Gino ang movie na may pamagat na 17 again.

Tumango naman si Stella.

Pumila sila para makabili ng ticket. Nasa likuran ni Gino si Stella na gumuguhit guhit sa likuran niya. Nagdodrawing siya ng mga figures at minsan ay salita na nakakapagpangiti kay Gino. Iginuhit ng maliliit na kamay ni Stella ang salitang. Gino and Stella forever.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon