Chapter 6
Hila hila ako ni Adrian papuntang parking lot. Nakahawak siya sa palad ko. Sabagay, gabi na rin at wala na masyadong estudyante.
Huminto kami sa tapat ng isang itim na sasakyan. Malamang sa kaniya to.
"Pasensiya ka na. Hinila kita dito" seryosong sabi niya.
"Salamat pala sa pagtatanggol mo sakin ha? Pero Adrian, hindi mo naman kailangan bayaran yun eh. Ako ang gumawa ng gasgas, kaya ako ang magbabayad at hindi ikaw." Paliwanag ko. Tumingin naman siya ng seryoso sakin.
"Mich, I did that because it's right. Tignan mo nga, muntik ka ng mabato ng bola. Paano kung wala ako doon? Edi may bukol ka na ngayon?" Sabi niya ng seryoso padin ang mukha. Minsan lang talaga siya ngumiti.
"Ha eh kaya ko naman umilag dun ah!" Depensa ko.
"Sus. Ang sabihin mo, kung wala ako, natamaan ka talaga" pang aasar niya.
Naka sandal siya ngayon sa kotse niya at ako nasa harap niya.
"Bakit ba ang bait mo sakin? Kaka-kilala palang natin kanina, pinag tanggol mo na ako." Tanong ko.
"Wala lang. Yun naman ang tama ah. Bakit? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"
"Hindi naman. Pero nakakagulat lang. Sa tulad kong bagong salta dito sa eskwelahan na to, hindi ko naman inaasahan na magkaka roon ako ng kaibigan tulad mo. May kaibigan ako si Layza pero siya lang."
"Idagdag mo na ako sa kaibigan mo!" Nakangiti niyang sabi.
Tinignan ko ang orasan ko at kita kong alas-otso na at kailangan ko ng umuwi. Baka pagalitan pa ako ni lola.
"Adrian, salamat uli ah? Kailangan ko na kasing umuwi eh." Paalam ko sakaniya.
"Ngayon na ba? Hatid na kita." Prisenta niya
"Nako hindi na. Kaya namang lakarin yun eh."
"Lalakarin? Sa ganitong oras? Para mo naman tinapakan ang pagiging gentleman ko niyan Mich."
"Hindi naman sa ganun. Baka kasi may gagawin ka pa, alam kong pagod ka kaya umuwi ka na lang sa inyo. "
"Nope. You'll go with me. Halika na at ihahatid kita sa inyo basta ituro mo ang daan ah?"
"Pero--"
"Wala ng pero pero Mich. Isipin mo nalang, yan ang bayad mo sa pagtatanggol ko sayo."
Wala na akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya. Mabait si Adrian, kahit minsan lang siyang ngumiti, alam kong masayahin din siya.
-
Pinarada ni Adrian ang sasakyan niya sa tapat ng inuupahan naming apartment ni Lola. Kanina sa byahe, parehas lang kaming tahimik. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nahihiya din siya tulad ko.
"So pano, pasok ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng lola mo." Sabi niya sabay turo sa bahay.
"Hmmm baka gusto mong kumain muna sa loob? Baka hindi ka pa kasi naghahapunan tulad ko. Tara sabay tayo! Baka nagluto din si Lola eh." Aya ko sa kaniya
Tumango nalang siya at saka sumunod sa akin.
Bukas pa ang ilaw kaya malamang gising pa si Lola at nanonood pa yun ng Maria mercedes.
Pumasok ako ng pintuan dahil may sarili naman akong susi.
"Lola andito na po ako!"
"Oh Michelle Hija andiyan ka na pala" salubong sa akin ni lola sabay tingin sa likod ko."oh, may kasama ka pala apo." Turo kay Adrian.
"Lola, siya po si Adrian. Bagong kaibigan ko sa Eskwelahan." Pagpapakilala ko
"Magandang gabi po lola" Bati ni Adrian sabay mano.
"Nako ang galang mo naman hijo. Nanliligaw ka ba sa apo ko?" Pabirong tanong ni lola
"Lola naman! Kaibigan ko lang ho siya." Pag tangool ko.
"Kaibigan? Nako Michelle yan palagi ang palusot ng mga kabataan ngayon. Oh' halina't kumain muna kayo."
"Wag po kayo mag alala lola, ipapa alam ko po sa inyo kung manliligaw na ako kay Michelle" sabat ni Adrian.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Huy! Anong sabi mo?" Diin kong salita sa kaniya
"Biro lang, ito naman!" Sabi niya sabay punta sa kainan.
Masaya kaming naghapunan dahil puro kwento si Lola kay Adrian. At si Adrian naman? Tuwang tuwa kay lola. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa sa kanila. Siguro dahil sa kabila ng ginawa sakin ni Brian, andiyan naman si Adrian na nagtangol sa akin.
-
Matapos namin maghapunan, nagpasya kami ni Adrian na maglakad lakad muna at magpahangin sa malapit na park. Sinabi ko nga sa kaniya na umuwi na siya dahil gabi na pero ayaw niya pa. Loko talaga.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Brian?" Tanong ko sa kaniya. Nandito kami sa isang bench at nakaharap sa mga puno na punong puno ng pailaw.
"Oo. Simula bata palang kami, magkaibigan na kami." Sagot niya habang hindi nakatingin sa akin.
"Eh bakit ganun siya? At bakit pinatulan mo siya?" Takang tanong ko.
"Brian is a spoiled son. Dati naman hindi siya ganun, marami lang talagang nagbago kaya naging ganun siya."
"Ano ba nangyari at nagka ganun siya?"
"Wala ako sa posisyon para magkwento Mich."
"Damoooooot" :3
"Ang cute mo pala no?"
Lahat ata ng dugo ko ay umakyat sa pisngi ko at namula *_*
"H-uh"
"Sa gabi..." Pagpapatuloy niya saka tumawa
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagmasdan ko nalang siya. Tulad nga ng sabi ko, may itsura din tong si Adrian. Matangkad na, gentleman, at higit sa lahat mabait. Malamang maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya. Swerte siguro ang girlfriend nito.
"Ang yabang naman niya kasi!" Pag iiba ko ng usapan.
"May ipagmamayabang naman si Brian."
"Okay na sana eh, gwapo siya. Kaso, yung ugali niya--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng ma realize ko kung bakit ko nasabing gwapo si brian.
Napatingin naman sakin si Adrian. "Uuuy, gwapo pala si Brian ah? Sige sasabihin ko."
"H-huh anong gwapong pinagsasabi mo diyan? Hindi ah! Pangit pangit nun eh!"
"Pogi lang ako pero hindi ako bingi."
"Ewan ko sayo! Bakit kasi hindi ka pa umuuwi? Gabi na oh." Pagpapa alala ko sa kaniya.
"Mamaya, Saglit lang."
"Mich."
"Hmmm?"
"Do you have a boyfriend?"
Napatingin naman ako sa kaniya.
"Ha? Wala bakit?"
"Yun oh" halos bulong niyang sabi.
"Ano?" Tanong ko dahil hindi ko naman narinig masyado.
"Wala. Tara na hatid na kita sa inyo, lumalalim na ang gabi"
At naglakad kami pauwi ng bahay. Wala ng ilaw sa sala, siguro tulog narin si Lola.
"Mag iingat ka" paalam ko sa kaniya
"Salamat. Pakisabi rin kay Lola salamat ah? Ang sarap ng luto niya!"
"Oo. Sasabihin ko." Nakangiti kong sabi
"Kita nalang tayo bukas!" Masayang sabi niya saka kumaway. Pumasok na siya sa kotse niya at saka pinaandar at umalis.
Pumasok na rin ako sa bahay at nagulat nalang ako ng makita ko si lola sa may kusina. Hindi ko man lang napansin na bukas pala ang ilaw dito.
"Nakangiti ka." Puna sakin ni Lola.
Di ko napansin. Oo nga pala nakangiti ako. :)
"Nakangiti ka kasi masaya ka." Sabi ni lola saka lumapit sakin na may hawak na baso
"Wala lang po Lola. Natutuwa lang ako dahil may bago na naman akong kaibigan."
"Mabait na bata si Adrian. At sana di ka niya paiyakin at saktan."
Nagtaka naman ako sa sinabi ni lola.
"Bakit naman niya gagawin yun Lola?"
"Wala naman hija, sana lang hindi na mawala yang ngiti sa mga labi mo." Paliwanag niya. " oh siya, matulog na tayo at maaga ka pa bukas sa eskwelahan."
****
TBC ❤️
A/N : Guys, vote and comment po :)
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomansaPaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...