ACE POV***
"Tiita, makikibalita po sana ako kay Chadd.Kamusta na po sya?"
Nagpasya akong tumawag sa bahay kung saan ako nakatira sa mga nakalipas na taon.Sa bahay ng mga nagpalaki sakin,sa bahay nila Chadd.
Nagpasalamat akong ako si tita ang nakasagot ng tawag ko; mommy ni Chadd.
Nagpasya akong tumwaga sa kanila para makibalita kay Chadd.
Ilang buwan na kasi siyang umalis.
Hindi ko lubos maisip na magawa nya iyon kay Asha.
Wala na rin akong balita sa kanya, masakit man sa akin pero kailangang makibalita ako sa kanya para sa mag-ina nya.Hindi deserve ni Asha ang ginawa nya.
Umalis sya ng ganoon nalang, ni hindi manlang nagpaalam kaya hanggang ngayon naghihintay pa rin ito sa kanya."Pasensya na iho pero wala akong maibalita sa iyo tungkol sa kanya. Alam mo naman yong pinsan mo na yon.Basta nalang nagdidisisyon para sa sarili nya.Pero huwag kang mag-alala sa oras na malalaman ko kung uuwi sya ay ipapaalam ko sa iyo.Alam mo naman yung pinsan mong yun kung ano maisip talagang gagawin."
"Sige tita salamat po. Tumawag lang po talaga ako sa para makibalita sa kanya.Sige po tatawag nalang po ako ulit sa inyo."
"Ah ganoom ba? Kelan ka naman dadalaw dito.Matagal-tagal na rin mula nang di ka nakadalaw dito."
G
"Huwag po kayong mag-alala tita kapag hindi na po ako busy kay dadalaw po ako dyan.Ikamusta nyo po ako kay tito""Makakarating sa kanya tsaka asahan ko ang pagdalaw mo dito."
"Opo tita.Makakaasa po kayo"
Hanggang ngayon wala na ulit akong balita sa pinsan ko.
May kutob akong may kinalaman sa nangyari kay Asha kung bakit siya di na nagparamdam at nagpakita.
Tsaka may kutob din akong may alam sila tita sa mga nangyayari kay Chadd,ayaw lang talaga nilang ipaalam sakin.Kailangan kong malaman kung nasaan na sya siya.
Kailangan nyang malaman ang nangyari kay Asha at para malaman nyang magkakaanak na sila.Sa mga nangyayari ngayon pabor sakin ito.Kasama ko sa iisang bahay ang taong mahal ko.
Nakikita at nakakasama ko sya araw-araw. Pero ayokong itake-advantage yon kasi alam kong magiging komplikado pag pipilitin ko ang mga bagay na alam kong hindi tama.Asan ka na ba kasi Chadd, magpakita ka na para maging malinaw na at maayos nyo na ni Asha ang problema at relasyon nyo. Handa akong magparaya ulit pag sakaling sasama sya sayo. Tatanggapin ko na hanggang kaibigan lang talaga kami ni Asha dahil alam ko mahal na mahal ka pa rin nya sa kabila ng paglayo mo. Inintindi nya na may dahilan ka at umasa parin syang babalik ka.
👑👑👑👑👑👑
Halfday lang kami ngayon kaya maaga ako nakauwi ng bahay pagkatapos rin ng pinuntahan ko.
Nadatnan ko si Asha sa kusina nagluluto."Ano yang niluluto mo? Mukhang masarap yan ah"
"Oy andito ka na pala.Sige maupo ka at paghahanda kita ng meryenda"
"Huwag na si manang nalang baka mapagod ka"
"Huwag ka ngang O. A .Okay narin to parang excersice ko din to.Kailangan ko ring kumilos-kilos dito sa bahay dahil baka mamanas naman ako kakahilata. "
"Teka may ibibigay pala ako sayo. Fill-up'an mo yan para maipasa ko na yan"
Sabay abot ko sa kanya ng form na sinadya ko pa kaninang kunin sa bangko.
"Para san naman yan bat may fill-up fill-up pa? "
"Para sa future ni baby.Naisip ko kasi mag-apply nyan para mapag-iponan ang future niya nang sa ganon di na tayo mamomroblema pag dumating yung time na mag-aaral na sya"
"Ace di ko matatanggap yan"
"Bakit.? "
"Sobra-sobra na ang tulong na naibigay mo. Malaking bagay at sapat na yung pagpapatira at pagkupkop mo samin ng anak ko dito sa bahay mo"
"Asha ano ka ba, wala yun diba nga sabi ko sayo andito lang ako para sa inyo ni baby. "
"Pero sobra na ang mga nagawa mong kabutihan samin. Iniisip din kita, nag-aaral ka pa tapos nag-apply ka pa nyan.Dagdag lang yan sa gastusin,unahin mo muna ang pag-aaral mo, ang sarili mo"
"Asha, walang problema sakin ang mga gastusin na yan. Okay lang sakin at wala ng pero pero fill-upon mo na yan at nang maipasa ko bukas"
May pag-alinlangan man sa kanya ay tinanggap naman nya ito.
"Salamat talaga Ace, yaan mo makakabawi din ako sa iyo balang araw"
At niyakap nya ako, sarap sa pakiramdam.
Sa yakap mo palang Asha matagal ka ng nakabawi sakin.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.