Chapter Forty-Three
Tortured Souls
NAPASIGAW si Emma nang tamaan siya sa braso ng sandata ni Desdemona. Kahit pala hindi nito gamitin ang lakas ng kapangyarihan nito na yelo ay kaya pa rin nitong lumaban. Masasabi niyang isang sandata mismo ang babae dahil sa husay nitong makipaglaban.
"Ang alam ko ay sinanay ka ni Armando Godinez. Hindi na masama kasi limang minuto na ang dumaan pero buhay ka pa rin. Nakakadismaya nga lang dahil ang kakayahan mo bilang primogenito ay napakahina at hindi man lang magagamit sa labanan," pangungutya nito. Hindi siya kumibo. Nakakaramdam na kasi siya ng lamig. Ang pasilyong pinaglalabanan nila ay namumuti na sa yelo. "Susuko ka na ba?"
"Hindi."
Desdemona rolled her eyes. "Kung ako naman ang nasa kalagayan mo eh hindi rin ako susuko. Mas magandang mamatay nang lumalaban 'di ba?" anito saka bigla siyang sinugod. Naglaban ulit sila, punyal laban sa punyal. Mabilis itong kumilos at konting pagkakamali niya ay masasaktan na naman siya nito. Kamuntik na siya nitong masaksak sa tiyan kung hindi lang rin siya naging mabilis pero nahintakutan siya nang bigla siyang madulas sa nagyeyelong sahig. Bumagsak siya at siya namang atake ni Desdemona mula sa taas. Bago pa siya nito masaksak ay sinipa niya ito sa sikmura. Tumilapon ang babae. Sa galit nito ay lumikha ito nang mga matutulis na yelo sa sahig. Agad siyang tumayo at tumakbo palayo. Sa pag-iwas niya ay hindi niya namalayang nasa hagdanan na siya. Napasigaw si Emma nang mahulog siya at nagpagulong-gulong sa mahabang staircase.
Panandaliang nawalan ng ulirat si Emma dahil sa pagkakahulog niya. Nang magising siya ay nasa harap na niya si Desdemona at nakangising nakatunghay sa kanya.
"Ang sabi nila sa akin, ikaw daw ang bagong kinahuhumalingan ni Miguel Valiente. Alam mo bang nagustuhan ko rin siya noon pero tinaggihan niya ako," kwento nito. "Sabi niya, hindi raw panandaliang saya ang hanap niya. Sinubukan ko ring akitin si Ezra pero sabi niya mahal na mahal niya ang asawa niya. Nakapagtataka ang mga ganoong klaseng mga lalaki."
"Hindi mo sila mapipilit na magustuhan ka," mahina niyang sagot.
Ngumiti ito at malakas na hinila ang kanyang buhok saka itinuon ang yelo nitong punyal sa mukha niya. "Magustuhan ka pa kaya ni Miguel kung pangit ka na? Kung sira na ang maganda mong mukha? Kung patay ka na?"
"Kahit patayin mo'ko, hindi ka pa rin magugustuhan ng mga lalaking gusto mo. Alam mo kung bakit? Dahil masama ka!" bulyaw niya rito. Napasigaw siya nang saksakin siya nito sa tagiliran. Naramdaman ni Emma ang agos ng dugo mula sa tagiliran niya.
Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya ni Desdemona. "Ang angkan na ito ang dahilan kaya naging masama ang dating mabait, masunurin at mapagmahal na si Desdemona. Kapag nakita mong pinapatay sa harap mo ang mga magulang mo habang pinagpapasa-pasahan ng iba-ibang lalaki ang katawan mo, saka mo sabihin sa akin na masama ako para hindi paghigantihan ang angkan na hindi man lang binigyan ng hustisya ang nangyari sa akin at sa pamilya ko. Saka mo sabihin sa akin na masama ako para hindi paghigantihan ang mga taong sa halip na ako'y tulungan ay ginawa pa akong mas miserable!"
Pinilit ni Emma na hawakan si Desdemona sa mukha gamit ang duguang kamay. When she touched her, she saw how she went through. The death of her parents, the loss of her innocence at a young age, the clan's refusal to help her and when the previous clan matriarch recruited her to the Umbra. She was forced to do killings and in return, the previous clan matriarch promised her justice to what happened to her and her family yet it didn't happen. Desdemona grew cold and colder as years passed. She threw herself to different men and those who took advantage of her were killed. When the clan wasn't able to give her justice, she claimed it on her own by killing the murderers who slaughtered her family and raped her.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...