Two Faces Of Phantom [On Hold]

68 0 0
                                    

“Wag!! Wag mo akong papatayin!!” takot na takot na sigaw ng isang lalake.

Naglalakad sya nun sa madilim na daan pauwi sa kanila. Ginabi sya sa paguwi dahil may mga inasikaso pa sya sa student council office.

“anu kaya yun? Bakit may nagsisigawan?” likas na sa kanya ang pagiging matapang, kaya imbes na matakot at tumakbo, pinuntahan nya ang pinanggalingan ng sigaw. Nais nya itong tulungan.

Papaliko na sya sa isang masikip na eskinita ng Makita nya ang dalawang lalake, madilim ang lugar pero nasisiguro nyang lalake ang mga ito dahil sa boses.

Nagtago sya ng bahagya at nagmatyag.

Madilim ang paligid pero dahil sa maliwanag na buwan, nababanaag nya ang mga pangyayari.

Isang lalake ang may hawak ng kutsilyo, nakasuot ito ng maskara, hindi ito maskara na karaniwang ginagamit sa mga krimen. At ang lalaking tila takot na takot ay may hawak na baril, nakatutok ito sa lalakeng may hawak na kutsilyo.

Bakit sya natatakot? Baril naman yung hawak nya ah. Bakit di nya pa ituloy? Bakit di nya pa iputok?

“Wag kang lalapit!! Kung hindi babarilin!!” takot na sabi nito.

Natawa lamang ito. Halatang hindi ito natatakot na mamatay o sadyang alam nyang hindi sya mamamatay.

“Die!!” sabi ng lalakeng nakamaskara. Sa isang iglap sinipa ng lalakeng nakamaskara ang baril na nakatutok sa kanya, tumilapon ito. Sa isang kisap mata, ang lalakeng may hawak nab aril kanina, ngayon ay  duguan na, nagtagumpay nga ang lalakeng nakamaskara.

Natakot sya sa nakita. Hindi nya inasahan ang nangyari. Ang baril na tumilapon, nasa harap na nya. Hindi nya alam ang gagawin, gusto nyang tumakbo pero tila nanigas ang tuhod nya sa nasaksihan. Pero isang maling hakbang ang ginawa nya. Natumba ang basurahan na nasa tabi nya. Dahilan para maalarma ang lalakeng nakamaskara.

Dahil dun nagmadali syang pulutin ang baril.

“Tulong... tulungan mo ako...” nakatingin sa kanya ang lalakeng duguan na at unti unti ng namamatay. Nakataas ang kamay nito, na tila inaabot sya.

“Tumahimik ka!!” asik sa kanya ng lalaking nakamaskara.

Sa tinig ng lalakeng to, alam nyang bata pa lang ito, pero magagawa ba talaga ng isang bata ang pumatay?

Ngayon nakatingin sa kanya ang lalake. Tila natutuwa ito sa nangyayari.

“Ayos ah, dalawang biktima sa isang gabi.”

Dahil dun, itinutok nya dito ang hawak nyang baril. Natatakot sya, pero kaylangan nyang gawin yun, para mabuhay. Taas noo syang huamarap dito at pinakikitang hinding hindi sya magpapatalo dito.

Nagulat ito sa nakita nya. Hindi marahil nito inakalang lalaban sya.

“Bata, seryoso ka ba?”

“Oo!!”

“Kaya mo ba?”

“Oo!! K-kaya ko! Wag kang lalapit!!”

“Bata, ano ang pangalan mo?’

“Anong pakialam mo!?”

Nanahimik lang ito at nanatiling nakatingin sa kanya. Bigla syang kinabahan sa aura nito ngayon, para itong isang lion na handa syang lapain anu mang oras.

“Faye.” Sabi nya, kung bakit nya to nasabi hindi din nya alam, siguro dahil na rin sa takot.

“Ah, Faye. Napakagandang pangalan. Matanong ko lang. Faye, handa ka bang pumatay para mabuhay?”

Natahimik ako sa sinabi nya. Kaya ko nga ba? Anung gagawin ko? Pag di ko ginawa ako ang mamamatay.

Lumapit nanaman ito sa kanya. Dun sya lalong natakot. Kahit na nanginginig, nilaksan nya ang loob nya at muling itinutok ang baril sa lalaking ito.  Pero hindi ito natinag, tumuloy pa rin ito sa paglapit.

“Kung kailangan pumatay! Gagawin ko!” ipinutok nya ang hawak nyang baril. Nagulat din sya, bakit nya ginawa yun? Panu nya nagawa?

Nadaplisan lang ito ng bala sa balikat. Gaya ng ginawa nya kanina, sinipa nito ang hawak nyang baril, at hinablot sya.

Hindi! Anu ng gagawin ko? Mamamatay na ba ako? Ito na ba talaga ang katapusan ko?

“Ako si Phantom”

Dun sya lalong natigilan at lalong nakadama ng takot. Dahil ang lalakeng ito, ito ang famous serial killer na binabalita sa tv.  Wala itong iniiwang bakas sa bawat biktima nya, maliban na lang sa isang barahang may nakasulat na “PHANTOM”. Walang sinuman ang nakaalam kung sino ba talaga ito, dahil walang kahit isa ang nabuhay para magsabi kung sino ba talaga sya.

“Oh, Faye, natakot yata kita.”

Nanahimik lang sya.

“Anung nangyari sayo? Natatakot ka na ba?” ngunit wala itong napalang sagot mula sa kanya.

“Di ka ba magmamakaawa para sa buhay mo?”

“Bakit pa?” sa wakas nagsalita na rin sya. “papatayin mo rin naman ako di ba?”

“Malay mo, buhayin pa kita.”

“Patayin mo na ako.” Walang takot nyang sinabi dito.

Natigilan si Phantom sa sinabi nya. Ilang sandali lang at binitawan sya nito.

“Faye, tandaan mo ang lahat ng sasabihin ko. Dadating ang panahon na babalikan kita, at sa oras na mangyari yun. AKIN KA NA.”

Sabi nito, tinakpan nito ng panyo ang ilong nya. Dahil sa amoy ng gamut na nasa panyo, unti unting namigat ang kanyang mga mata, Tinignan ko sya, dahil sobrang lapit nito sa kanya, at dahil na rin sa liwanag ng buwan, nakita nya ang mga mata nito, ang mga mata nitong kakulay ng dugo. Tuluyan na syang nakatulog.

===================================================================

A/N new story.. ala akong maisip sa Ms Pretenders Knight.. :)) Hope youll like it..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Faces Of Phantom [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon