Tatlong Diwata

1.7K 13 10
                                    

Sinasabi na ang engkanto ay kumukuha ng kaluluwa ng tao. Meron ding nagsasabi na maaari ka nilang dalhin sa kanilang mundo na kung saan na kapag may tinanggap ka o kinuha na pag-aari nila ay hindi kana makakabalik pa sa mundong iyong nakasanayan at hindi lang iyon kundi pwede ka rin nilang kunin kung may kakaiba kang kaalaman at naka gawa ng kasalanan sa kanila. Subalit lingid sa pagkakaalam ng iba ay hindi nagbibigay ang mga engkanto ng pagsubok o sitwasyon na wala kang lalabasan o lulusutan kapag napasok kana sa sitwasyong ginawa nila...

Panahon ng bakasyon noon ng magbakasyon ang isang lalaki na kikilalanin natin sa pangalang rafael bilang pangunahin tauhan ng kwentong ito. Kasama niyang mag-bakasyon ang iba pa niyang mga kamag-anak, ang kanyang mga pinsan at ang mga tiyuhin. Nagbakasyon sila sa isang bahay na nasa tabi ng ilog na malapit sa baybaying dagat. At mula sa bahay na kanilang tinuluyan ay maririnig ang malalakas na hampas ng alon sa mga batuhan ng baybaying dagat.

At sa gabi ng kanilang unang araw ng bakasyon ay ramdam na ramdam nila ang katahimikan ng paligid. Masarap ang simoy ng hangin at siyempre, dinig parin ang hampas ng alon sa baybaying dagat bukod sa mga ingay nila kapag sila'y nag-uusap usap. At dahil kasundo niya ang lahat ng mga kamag-anak niya ay nagku-kwentuhan sila at nagkukulitan ng gabing iyon dahil minsan minsan lang sila magkasama-sama. At naging masaya ang unang araw at gabi sa bakasyon ni rafael. Hanggang sa antukin at tuluyan na siyang makatulog...

Kinabukasan ay maaga siyang nagising ng maalala niya ang kaniyang panaginipan ng gabing iyon. Nag-almusal muna siya at pagkatapos ay lumabas siya ng bahay at nagpunta sa mga puno  sa likod ng bahay. Sa mga punong ito ay may mga duyan at nagduyan siya sa isa sa mga ito. Sumunod sa kanya ang kanyang pinsan at ang kaniyang tiyuhin, at umupo rin sa duyan at ang iba ay umakyat nalang ng puno at duon umupo. Mababa lang naman kaya hindi nakakatakot akyatin ang mga puno dito.

Muli silang nag-kwetuhan ngunit hindi parin mawala sa isipan niya ang kanyang napanaginipan ng gabing iyon. Kaya naisipan niya itong ikwento sa kanyang mga pinsan at sa kanyang tiyuhin. Napanaginipan niya pala ang kanyang tatay na kasalukuyang nasa bikol. Sinabi nito sa kanya na "Tigilan mo ang iyong ginagawa, kakainin ka ng engkanto". At yang salita na yan ang talaga namang hindi mawala sa kanyang isipan. Lingid sa kaalaman ng iba, ang tatay pala ni rafael ay may kaalaman sa ibang mundo na hindi nakikita ng isang ordinaryong tao.

Marami nang karanasan ang kanyang ama sa mga engkanto, maligno at sa mga multo. Kaya naisip niya na kaya sinabi iyon sa kanya ng kanyang ama sa panaginip ay para siya balaan sa kanyang pinag-aaralan. Masyado kasing open si rafael sa lahat ng mga bagay maging sa mga pagsisiyasat ng kung anu-ano. Hanggang sa may matuklasan si rafael ng kaalaman na nagpapakita ng tunay na mundo at ito ang kanyang tuluyang inaaral. Walang sino man ang nakaka-alam sa pag-aaral niya tungkol dito.

Nang maikwento na niya ang tungkol sa sinabi sa kanya ng kanyang ama sa kanyang napanaginipan ay nabahala ang kanyang tiyuhin kaya may ipinakita ito sa kanya. Isa itong papel na may nakasulat na latin. Binigay pala ito ng kanyang ama sa kanyang tiyuhin upang pan-laban sa mga nilalang na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Binigay sa kanya ito ng kanyang tiyuhin dahil nga sa nabahala ito. Baka daw kasi siya ang nag-mana ng kaalam ng kanyang ama. At nararapat lamang na gamitin niya ang latin na ito.

Subalit, kapag nagpasya na siyang tanggapin at kabisaduhin ang latin na ito ay wala nang atrasan. Kasabay pala nito ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay. Sapakat ang lahat ng mga magtataglay nito ay kailangang humarap sa mga pagsubok ng mga nilalang ng ibang mundo, at iyon ay ang mga engkanto. Subalit talaga namang mahilig sa mga pagsisiyasat si rafael kaya naman hindi siya nagdalawang isip para alamin ang mga maaring mangngyari kapag nagsimula na niyang alamin ang tungkol dito.

Sinimulan na niyang kabisaduhin ang latin na nilalaman nito pero wala namang ibang nangyayari. Kaya naman tiniloy-tuloy niya ang pagkabisa sa mga ito hanggang sa inabot siya ng gabi. Sa labas ng bahay ay nagkukwentuhan sila sa ilalim ng liwanag ng buwan. Kahit na nasa harap siya ng kanyang mga pinsan at tiyuhin habang nag-uusap ang mga ito ay kahit sa isip ay kinakabisado parin niya ang latin na ibinigay sa kanya. Napuna ng mga ito na tahimik siya at walang kibo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tatlong DiwataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon