BrokenStrings --- Chapter 4

32 0 0
                                    

This Chapter is Dedicated to: CHIM POLDO. J Thank you!

For all the Readers of the Broken Strings. Thank you po for supporting my story.

-mallows_kisses

#Chapter 4

Andito ako ngayon, naghahanda nang mga pagkain. Hindi ako marunong magluto, mamen. Kenneth Lyle Gonzales! Patay ka sa akin mamaya. Pag pangit talaga ito na luto ko, masusuka ka talaga.

Promise. Ka’babae kong tao, hindi ako marunong magluto. Sa bahay kasi, si Ate ang nagluluto. Tapus pag lunch naman sa school, libre ako palagi ni Ken sa labas kaya walang gastos. Ang tamad ko ba? To be honest, cooking is not my thing, ok pasanakong studying. Dun, magaling talaga ako. Hindi naman sa nagmamalaki pero that is my identity. Mas gusto ko mag’solve ng mga calculus problems, isama mo pa ang physics. Minsan talaga, sumasabog na ang ulo ko sa kaka-aral.

Sabi daw nila, madali lang daw magluto. Ewan ko ba. Sila ang nagluluto, hindi ako. Pati nga sibuyas at bawang, nalilito pa ako. Basta wala akong hilig.

Naalala ko tuloy nung pinaluto kami ng teacher namin, ka’partner ko pa noon ay isa ding sabog sa pagluluto. Nasunog ang naluto naming nun! Nakakuha kami nang 50 percent lang sa performance namin. Kalahati lang. Bagsak pa. Hindi nga naka’abot ng 75 percent kung saan yun ang passing at sabit.

Ayan. Nagsimula na ako. Halos maiyak-iyak pa ako sa spices na yun. Hindi ko alam ang tawag dun. Hiwa ng hiwa. Hala! Muntik ko pang maisama ang daliri ko. Naku po naman.

“Cars.”

Napatalon ako sa kanya. Naitaas ko ang kamay ko na hawak hawak ang kutsilyo.

“CARS! Ayoko ko pang mamatay. Magpapakasal pa ako! Magkaka-anak pa kami nang asawa ko!”

Binatukan ko si Ken. Ang OA OA nito.

“Aray naman.” Hinimas niya ang ulo niya, “Cars, nagugutom na ako.” Nag-pout pa talaga.

“Maghintay ka diyan. Magutuman ka kung magutuman. Kasi, bakit mo naman ako pinaluto? Ano nanaman ag trip mo?”

“Wala. Alam ko kasing hindi mo hilig. Tsk. Kawawa ang asawa mo niyan. Baka makatuluyan mo yung crush ni Ate mo, si Justin Tyler. International pa naman, kawawa niya naman hindi marunong magluto ang asawa.”

Nanginig ako sa pagsabi ni Ken nun. Hello? Justin Tyler? Nasa dakong ibang planeta ang taong yun.

“Kung siya naman ang makakatuluyan ko, naku! Sira ang career niya at kung mayaman naman, ehh bakit pa ako paglulutuin huh? Mayaman nga. Mayaman… diba? Diba? At Ken! Kahit kumain pa ako nang granada gagawin ko para mapatunayan na wala akong gusto sa mga katulad niya. Kay Ate nalang yun.”

Binalik ko ang paghihiwa ko. At nagsimula nang magluto. Inilagay ko ang mga spices.

“Hala! Cars naman, lagyan mo yan ng mantika! Ako na nga. Kawawa mo naman.”

“HUUUUG!” hinug ko si Ken. “Di mo naman pala ako matiis ehh.” Nag smile ako sa kanya. ^_^

“Heh! Pasalamat ka, mahal ko ang sarili ko. Hindi kayang makita na nasasaktan ang sarili ko dahil pinapahirapan niya ang matalik niyang kaibigan. I love myself. I am in love with Kenneth Lyle Gonzales. HAHA.” Paliwanag ni Ken.

“Asus. HAHA.”

Kumuha ako ng tubing, naupo nalang ako sa sofa at nanuuod nang tv. Bagbukas ko talaga, bumukadkad sa akin ang tv appearance ni Justin Tyler.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon