1: Carla, tulog-tulugan

86 2 0
                                    


"Hindi nya tayo naririnig", sabi ng isang boses. "Tignan mo,tulog. Tsaka hindi pa naman ako nahuli kahit kailan."

Lalaki ung boses, malinaw at puno ng diterminasyon.

"Hindi naman magsasara ung lagusan. Mas malakas naman lagos-mahika ko sayo."

Nanigas si Carla, naninikip ang kanyang paghinga sa tagal nyang magpanggap na tulog at walang alam. Lagusan?Magsasara?Lagos-mahika?! 

Nakahiga si Carla sa ilalim ng puno sa kanilang malawak na bakuran, medyo-gising, medyo-antok, na gustong lumimot sa mga kailangan nya pang tapusing assignments  for school pag pumasok sya ng bahay.

Ang masarap na hangin na pumalibot sa kanya ay parang nang-aakit ng idlip. Tunog lang ng mga insekto ang mariring mong ingay. 

Si Carla ay isang matalinong babae, kahit parang nahihirapan siyang tapusin ung mga assignment nya sa school, eh hindi naman siya tanga. Sa naririnig nyang usapan, may hula siyang dalawang bagay.

Una, may nang-loob sa bakuran nila, at iba ang trip nila sa pag-uusap ng mahika-mahika O talagang nakakarinig siya ng mga nilalang na may mahika, na nagmula sa lagusan at may lagus-mahika pang nalalaman(kung ano man un).

Pero parehas na nakakaduda ung hula nya. Una, ung tinitirhan nilang lugar simpleng baranggay labg. Wala naman mga taong kung magtitrip sa kanya ng ganito. Kilala nya ang mga kapitbahay at hindi pamilyar ang naririnig nyang boses.

At ang pangalawa naman, kahit sa loob ng 13 taong nyang  buhay, at sa mga nabasa nyang mga out-of-this-world books, alam naman niyang hindi totoo ang mga yun at hindi siya tanga paniwalaan ang mga ganung bagay. Walang ganun sa totoong buhay!

"Dex, hindi pwede," sabi ng isa pang boses. "Kailangan na nating bumalik,alam mo naman pwedeng mangyari diba?May mga patakaran."

Ung pangalawang boses naman ay mas matinis at parang kabado hindi tulad nung unang boses. Nagtataka na talaga si Carla kung nananaginip ba siya. Kasi yun na lang ang katanggap-tanggap na dahilan sa naririnig nya.

Dahan-dahan nyang binaon ung kuko nya sa kabilang daliri para tignan kung tulog nga siya. Susmarosep! May feelings! May sakit siyang nararamdaman! Gising talaga siya.

"Patakaran?Minsan nasusuway yun Jairus", sabing unang boses. "Tsaka daang taon na ung mga patakaran na yun, alam mo pa ba kung totoo pa ang mga yun? Hind naman tayo papahuli, tsaka isang Lixtrian lang yan o?Tulog pa."

"Huh?" reaksyon nung isa. "Nasisiraan ka na ba?Baka dumilat mata nyan! Mabilis lang kaya dumilat! Pagnakita nya tayo, huli nang lahat. At kahit ikaw hindi ka makakatakas sa masamang mangyayari. Dapat talaga hindi na ko pumayag eh."

Hindi makapaniwala si Carla sa naririnig nya. So may dalawang nilalang siyang naririnig, ang isa ay si Dex ang ung pangalawa naman ay si Jairus.Gustong-gusto na talaga nyang buksan ang mga mata niya. Pero napipigilan lang siya sa naririnig nyang kaba at takot sa boses ni Jairus, sa masamang mangyayari pag dumilat siya.

Magaling umarte tong mga 'to, o baliw talaga tong mga 'to para maniwala silang taga ibang mundo sila. Ano ung Lixtrian?!Ako ba yun? May dumaan na anghel-biglang tumahimik....Kinabahan lalo si Carla, baka marinig nila ung lakas ng tibok ng puso nya laban sa ingay ng mga dahon.

"Mabilis lang ako", sabi ni Dex, sa mas malumanay na boses.

"Tara, Jairus. Hindi nga nagising sa kabubulyaw mo sakin, hindi pa yan magigising habang ina-ani natin ung mahika na pinunta natin."

"Sige na nga," sabi ni Jairus, "bilisan mo lang ah, limang minuto lang, tapos sibat na tayo."

"Ang haba na nga ng limang minuto, " sagot ni Dex, at nagbabalik ang kanyang diterminasyon sa kanyang boses.

TamahikaWhere stories live. Discover now