Some of the scenes contained mature theme. You can skip the part or read at your own risk.
***
Chapter 31: Alpha's Mark
Nanatili ang tension sa bayan. Half of the orders were injured. Ang mga natira at maayos ang kalagayan ay salitan sa pagbabantay at pagpapatrolya sa bayan. Nag iingat ang halos lahat maging ang mga normal na taong naninirahan sa lugar. Ngayon lamang ulit nagkaroon ng ganito kalaking pag atake sa bayan.
Naging busy si Zander. Halos hindi ko na siya makausap. Aalis siya ng umaga at darating ng hating gabi. Minsan ay hindi na siya natutulog sa mansion. He stayed at the borders and campsites with the orders. Lumipas na ang mga araw pero hindi ko parin masabi sa kanya ang mga pangamba ko. Maaaring may kinalaman ako sa lahat ng nangyayari sa bayan, na alam ko kung sino ang nasa likod ng mga pag atakeng ito. Natatakot ako na totoo ang lahat ng sinasabi ng mga tao sa amin. This is what they were warning us about. I will bring destruction to Van Zanth. At natatakot ako na tuluyan makita ni Zander na totoo ang lahat ng sinasabi nila.
If I could only talk to that person. Ang lalake na may alam ng lahat ng ito. Ang outsider. Sinubukan kong muli siyang puntahan. He said last time he would wait for me there. Ngunit wala siya sa lugar na tinutukoy niya. Wala na akong pagkakataon na hanapin siya. Masyadong delikado kaya kinailangan kong umalis agad. Hindi ko maiwasang mangamba. Nahuli ba siya o bumalik siya sa bayan na pinangalingan niya? I hope it was the latter.
Kinabukasan matapos ang aking pagpunta sa border, nabalitaan ko mula kay Miss Loraine na may mga tagalabas na nahuli ang mga orders. Nakapasok ang mga ito sa north border. Kumakain kami ng almusal noong oras na yon. Halos malaglag ko ang hawak kong kobyertos. Tumigil ako sa pagkain.
"North border?" Tanong ko.
Tumango si Miss Loraine. "According to Sebastian there are at least three to five people."
"Saan sila nakadetain?"
Natigilan si Miss Loraine. I know it was odd for her to hear those words from me. Pero maaaring kasama sa mga taong yon ang lalakeng nakausap ko.
"In the order's quarter at the back of the town hall building." She stared at me. There was a bothered look on her face. "Why?" She asked.
"I... I was just wondering."
"Wag kang masyadong mag alala, Laura. Natural lamang ang mga nangyayari sa bayan na tulad ng Van Zanth."
I tried to smile. I wanted to say sorry for causing all of this. Alam kong pareho silang nahihirapan ni Zander sa mga oras na ito. They are the two remaining people from the ruler family. They are the front row when a larger chaos hits the town. Hindi ko gustong isipin na dahil sa akin mapapahamak sila.
--
Matapos ang breakfast nagpaalam ako kay Aunt Helga na may pupuntahan.
"Delikado ang sitwasyon, Laura. Hanga't maaari mas makabubuti na manatili ka sa mansion."
"Mabilis lang ito, Aunt Helga," sinabi ko. "Babalik din ako agad."
Aunt Helga wanted to say something. Subalit bumuntong hininga siya saka tumango.
"Kung ganoon mag iingat ka."
Umalis ako sa mansion gamit ang sasakyan. Ilang araw na ang nakalilipas mula noong nangyari ang pag atake pero hindi parin bumalik sa dati ang bayan. The peaceful, small town atmosphere I fell inlove with was gone. Napuno ng takot ang mga tao para sa kanilang kaligtasan. Ito ang kailanman hindi maiintindihan ng mga normal na taong taga labas. These people may be monsters in their eyes, they may have extra ordinary skills. But they can also feel. They can feel pain, suffering, fear, and the need to protect themselves. They are people like us. Their skills may protect them, but it can never excuse them from pain.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasiNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...