AUTHOR'S WARNING: Another long chapter. Pinagdasal ko na sana huwag kayo mabagot sa pagbabasa. Hahaha! Enjoy!
#Fear 62: The Wedding
✙ Icarius' POV ✙
"Tahiin niyo lahat ng sugat niya! Gamutin niyo at siguraduhin niyong magigising siya at makakaya niyang tumayo nang matagal sa altar bukas!" Sigaw ko sa mga doktor ng VEMUS.
Nandito na kami sa VEMUS hospital. Babalik pa kami ni Kyu sa Masked Mafia den mamaya. Sa ngayon ay ang second batch na ng VEMUS ang nakikipaglaban doon.
"Pero Boss, baka po hindi talaga niya kayanin. Masyado pong malalim ang sugat niya at nabiyak din po ang--"
"Gawan niyo ng paraan!" Sigaw ko sabay sapo sa noo ko. "Babalik pa ako sa laban!"
Bakit kasi nangyari pa 'to! Dapat kasi hindi ko na talaga siya hinayaang sumama kanina!
"Boss." May lumapit sa'kin.
"El." Bumuntong-hininga ako't humarap sa kanila. "Nandito ka rin pala, En."
"Binalita po sa'kin ni Boss Kyu ang tungkol sa nangyari." Pahayag ni En.
"Yun na nga. Isang malaking kahihiyan kapag hindi siya nakasipot sa kasal nila ni Xenzel bukas."
"Bakit hindi niyo na lang po ipaalam sa pamilya Crusiano?" Suhestiyon ni El.
"Alam na ni Xing." Napailing ako. "Pero hindi pa alam ni Nadia. At nakahanda na ang lahat. Handa na ang Zefirelli Cathedral, ang Mansion of Hearts, ang higit isang libong bisita at ang mga prinsipe't prinsesa. Handa na lahat maliban sa ulol kong anak!" Nakaka-highblood!
"Hmm..." Hinimas ni El yung baba niya. "Ano po sabi ni Sir Xing?"
"Subukan daw munang ipagamot si Xevian."
"May idea po ako pero...medyo delikado." Singit ni En.
"Ano yun?"
Huminga siya nang malalim at tumingin nang diretso sa mga mata ko.
"Baka pwedeng..." Napahinto siya.
Pwedeng ano?
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...