Gianni's POV"Uy, si Raymond ba yun, Abi?" nang-aasar na tanong ni Crystal
Isa si Raymond sa sikat sa university namin. Halos lahat takot sakanya kasi siya ang Boss.
Laging inaasar ng schoolmates namin si Abi at Raymond kasi may sparks pag sila magkasama. Parang kami ni Nash hehehe
Kabarkadi ni Raymond sina Mark, Regi, Christian at si Ernest- ex ko.
Kumbaga eh sila ang F4 dito. Kadiri diba?
Hindi ako bitter kay Ernest duh. Konti lang. Ang masama pa eh we have the same circle of friends kaya madalas kaming magkita or magkasama. Awkward mga mamshies.
So ayun na nga papasok sila sa school cafeteria yung mga babae naman ang o-oa parang artista mga nakita kung magbulungan wagas. Tss.
Sa table namin sila lumapit kasi duh we're friends.
"Hi Abi!" bati ni Raymond kay Abi.
"Wow. Si Abi lang pala nakikita mo?" pang-aasar ni Nicca.
"Ay hehe hi friends" bati ni Raymond samin.
As usual pinagtitinginan
kami.*one message received*
*From: Unknown Number
Tahimik mo naman. Naka move on ka na ba talaga jan sa ex mo?*Aba hayop. Ano bang pakielam nito sakin at pati personal life ko eh nanghihimasok. Tanginers mas lalo akong nabadtrip.
"Katahimik mo Gianni. Hindi kami sanay" sabi sakin ni Christian
"Syempre nandyan si ex niya eh" sabat ni Mark
"Lagi naman nating kasama si Taya- ay este Ernest" papairap na sagot ko sakanila
Ba't ba kasi hindi ako masanay-sanay na tawagin siya sa pangalan niya lagi nalang endearment namin yung natatawag ko sakanya. Kainis.
"Ayon! Tayan pa daw" pang-aasar na sabi sakin ni Crystal.
Bes hirap kasi. Isang taon mahigit naging kami tapos isang iglap lang mawawala.
Pagkatapos mong malaman lahat ng tungkol sakanya. Pagtapos mong makabisado every details of his face. Pagtapos mong makabisado daily routine niya. Yung tipong alam mo kung kelan siya nanunuod, naglalaro ng basketball, nagyoyosi. Hay.
Alam kong magulo ako. Walang katiyakan. Pero kasi, sakanya lang ako naging sigurado.
Ang dali daling pumasok sa isang relasyon pero ang hirap lumabas. Kingina dis.
Bakit bumitaw siya ng parang siya lang yung nakakapit. Nandito pa ko. Nakakapit din ako. Dalawa tayong naglalayag sa dagat ng pagmamahalan natin. Pero bumitiw siya sa lubid. Ang hirap magmahal ng taong ginawa mong mundo mo pero ikaw sakanya eh isa lang sa mga kontinente nito.
Kingina this.