Akala

14 0 0
                                    


Dumating ka nung nasaktan ako ng sobra.
Sobra na akala ko ay di ko na talaga kaya pa.
Mga panahon na akala ko ay wala nang pag-asa.

Pero meron palang ikaw pagkatapos ng mga salitang " wala na sya. "
Binigyan mo ko ng sigla na dating ako'y wala.
Sigla na magpatuloy sa buhay at magkaron ng pag-asa.

Pag-asang magpatuloy at magmahal ulit.
Araw-araw ay binibigyan ng saya at kilig.
Mga araw na lagi mo kong kinukulit.
Mga araw na tanging ngiti mo lang ang aking iniisip.

Hanggang isang araw, biglang nagbago na.
Tila nawalan na ng sigla. Mga araw na bigla na lang nag-iba.
Pinilit kong kumapit at ipaglaban pa.

Hanggang isang araw, naglaho ka.
Mga araw na hinihintay ka, pero ni anino ay wala.
Pilit kong inintindi, pilit akong umasa.
Ang pag-asang meron sa "TAYO" na binuo naten ay parang yelong natunaw at unti-unting nawala.

Akala ko tayo ay okay na.
Yung inisip kong ikaw at ako ay naglaho ng parang bula.
Sa isang kisap mata, wala nang ang masasayang ala-ala.
Yung inakala kong tayo ay wala pala.

- - -

First spoken word. Hope you'll like it guys. Thanks for reading.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon