May kilala akong isang dalaga. Napakaganda niya, maliit nga lang siya. Sabi ng iba cute lang daw siya kasi, base din base din naman sa depinisyon ng maganda sa utak ko, eh matangkad. Wala rin naman akong karapatan na sabihan siyang maliit, di naman ako ganun katangkad...
Itong babaeng 'to medyo mataba, sabi nga nila sa wikang Ingles ay chubby. Palagi kong pabirong sinasabi sa kanya, "Antaba mo naman, papayat ka ba nga!" kasunod ng mga salitang iyon ay aming tawanan. Mukhang ayos lang naman sa kanya, nasanay na ata sa sinasabi ko. Pero lilinawin ko, hindi talaga siya mataba, chubby lang.
Siya lang ata ang may paki-alam sa akin ng ganoon na lang. Sobrang bait din at higit sa lahat, wala siyang galit. Siguro tampo, minsan, pero galit? Wala, kailanman (o siguro'y di ko pa nakikita)
Unang pagkakataon kong makita siya, yung isip ko kinausap ako na, "Wow, ang ganda niya!" pagkatapos nun, pinasulyap lang ata sa akin siya ng Diyos kasi pagkatapos nun di ko na siya nakita, kahit nasa iisang lugar lang kami. Noong araw na mawala siya, di ko alam na makikita ko pa ulit siya at makikilala. Matapos ang isang taon, nagkita ulit kami. Nagtataka talaga ako kung sino siya kaya naisip kong itanong ang pangalan niya...
Pero, 'di ko ginawa yun...
Pagkatapos, di ko na ulit siya nakita. Buwan ang lumipas nang magkita ulit kami. Sa pagkakataong ito, sigurado ako na araw-araw, makikita ko na siya. Kaya naman, siguro, ito na ang pagkakataon para itanong ang pangalan niya...
Pero, 'di ko na naman ginawa yun...
Bagkus, siya pa ang lumapit sa akin. Siya pa ang lumapit sa akin at sinabi ang pangalan niya. Hindi ko alam kung kailan, saan at paano niya nalaman ang pangalan ko nang tawagin niya ako ng pangalan ko...
Magmula nung araw na iyon, naging magkaibigan kami. Bawat araw, may saya. Bawat araw, may lungkot. Para tayong sumakay ng isang sasakyang umiikot sa bundok at ilalim ng lupa. Lubak-lubak iyon pero heto tayo't nagpapakatatag sa buhay. Sabay tayo sa pagtalo ng hampas ng alon ng buhay, bilang magkaibigan. Akala ko masaya na ako dun, pero ito pala ang pinakamasakit na parte ng pagiging kaibigan: kapag gusto mo na ang iyong kaibigan.
Oo, nagsimula na akong mahulog sa kanya. Sa umpisa pa lang.
Ang sabi mo panget ka? Tigilan mo ako kasi maganda ka at 'wag na 'wag na mong sasabihin ang mga salitang 'yan. Alam mong maganda ka. 'Yang mata mong mapupungay? 'Yang mundong nasa iyong mata na lumiliwanag kapag ngumingiti ka? 'Yan ang bumubuo ng araw ko.
Kaya kung sino ka man, kilala mo kung sino ka. 'Wag ka maingay, sisipain kita diyan. 'Wag mong sasabihing ikaw yun sa iba, kung mabasa mo man ito.
Dahil inspired ako sa'yo...
BINABASA MO ANG
Oo nga pala, kaibigan lang...
PoetryIsa ka lang kaibigan at habang nakikita mo na masaya siya sa iba, ikaw ay isang hamak na kaibigan lamang. Walang malisya kahit sweet, walang "mahal kita" o "gusto kita". Ang maikling librong ito (di ko nga masasabing libro to eh) ay isa lamang sa...