Safe and Sound

2K 103 31
                                    



Ngayong araw na to ay dalawang bagay ang mawawala sakin.. Una ay ang problemang dapat sanang magsisira sa pamilya namin, ang pangalawa ay ang aking.. Hayy.. hindi ko na lubos maisip.. Oo, mawawala iyon sakin at ibibigay ko sa taong hind ko mahal.. Ang sakit sakit.. Buong buhay ko, alam kong dapat yon ibigay sa taong mahal mo at mahal ka.. At kung walang Love na namamagitan sa inyo, isang pagkakamali ang pagpapaubaya nito sa taong yon..

Napabuntong hininga ako, kasabay nun ang pagtulo ng aking luha. Kailangan ko itong gawin.. Mahirap intindihin pero kailangan.. Para kay dad.. Para sa pamilya ko.. At para sa ikakatahimik ng konsensya ko dahil sa nangyari sa papa ni sir Jay.. Alam kong wala akong kasalanan sa nangyari pero hindi ko maiwasang isipin na kung hindi ako nakilala ni sir Jay, siguro ngayon palang ay binibisita na namin si dad sa kulungan.. Siguro miserable na si mommy, siguro wala na yung mga naipundar nila para samin..

Tiningnan ko ang orasan.. Dapat ay maghanda na ako sa pagpasok..

Nakita ko ang text nila pangs sakin.. Ganun na rin ang kay mokong..

Nina: pangs? Ano nagbago na ba isip mo? Sumbong na ba natin yung bruha?

Cathy: paaaangs, later sabay sabay tayo nila Nina.. Please wag ka na malungkot ha? Mwaaa!!

Mokong: Aj.. Please talk to me.. Please..

Ilang message pa ang natanggap ko mula sa kanila hanggang sa pag-alis ko.. Alam kong nagaalala sila pero last na itong araw na to.. Hindi ko alam kung anong mangayari pero susubukan kong magpakatatag para sa kanila.. Babawi ako.. Pangako yan..

Ngumiti pa si dad sakin bago ako lumabas ng kotse niya, sinabi niya sakin na mag-enjoy daw ako sa birthday party na pupuntahan ko.. Nang marinig ko yun mula sa kanya ay nangilid nanaman ang luha ko.. Gusto kong sampalin yung sarili ko, nahihibang na kasi ako sa pagiisip na gusto pa akong mag-enjoy ni dad..

Mali Aj, ang alam niya ay sa party ka pupunta kaya niya sinabi yun!! Stop being so crazy!!!

Yumuko ako habang naglalakad.. Lahat ng mata sa hallway ng highschool ay nakatuon sakin.. Hindi ko kinakaya yung mga bulong-bulungan nila.. Bakit ganun lang kadali para sa kanila ang mang-insulto at humusga? Hindi nila alam ang istorya ko, pero kahit na gusto kong maintindihan nila ako ay wala akong balak isiwalat ang istorya ko sa kanila.. Hindi ko gagawin yun.. Kaya ko pa naman eh, kaya hahayaan ko nalang sila..

Lumipas ang oras, nagawa kong takasan sila pangs at ang iba pang sumubok lumapit sakin.. Ayoko ng kausap ngayon, hindi ko kaya.. Baka kasi bigla nalang ako sumabog, kanina pa sobrang bigat ng dibdib ko.. Kanina pa nagiinit ang mga mata ko at kanina pa parang may nakabara sa lalamunan ko.. Lalo na kapag naabutan ko ang paninitig sakin ni mokong.. Nahihiya ako sakanya dahil sa nangyari kagabi.. Alam kong magiging lamat nanaman yun sa pagkakaibigan nila ni Rick.. Pero hindi rin mawala sa isip ko kung bakit siya nandoon? At kung paano niya nakita si Rick nung gabing yun..

-

Hindi ako pumasok sa huling subject.. Nagpaalam ako na masakit yung ulo ko at kailangan kong magpahinga sa clinic.. Ang masakit dun ay nagawa pang magparinig ng iba na hindi naman clinic ang tungo ko kundi sa langit..

"You shut your fucking mouth!!" Sigaw ni mokong nang matapos sabihin ni BJ yung mga salitang yun.. Nagulat ang buong klase sa sigaw niya maging ang guro namin..

"Easy bro.." Ani Brix.

Nakita ko ang pagigting ng mga panga niya at ang pagsara ng kamay niya, gustong gusto niyang manuntok sa oras na ito at kinakabahan ako na baka gawin niya nga iyon.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon