"Hay..... hanggang tingin na lang talaga ako."
"Friend, ano ka ba? Sa panahon ngayon, wala ng imposible!"
"Korek ka diyan friend! Don't worry, someday magiging iyo rin siya."
"Wahahahah! Ang winner mo friend. Wow ha! Ume-english ka na."
"Of course! Kung gusto mo friend ipagayuma natin siya sa Quiapo."
"Mga baliw!" Sana nga lang ganun kadali ang lahat. "Pero kung mapapa-akin man siya sisiguraduhin ko na hindi yun dahil sa gayuma sa Quiapo, wish sa genie, wish sa shooting star o sa kahit anong dasal pa sa lahat ng santo at santa. Ang gusto ko, akin siya kasi mahal niya ako. Yun lang! Sapat na!"
Akala ko hanggang flames na lang ako . . . . . . . . . . . . . .
Akala ko hanggang tingin na lang ako . . . . . . . . . . . . . . .
Akala ko hanggang panaginip na lang ako . . . . . . . . . . . . . .
Akala ko hanggang crush na lang ako . . . . . . . . . . . . . . . .
Pero sa hindi inaasahang pangyayari nagabago ang lahat.
Higit pa sa inaakala ko ang mangyayari, nangyayari at nangyari. Hindi lang pala ako hanggang flames, tingin, panaginip o crush lang ako. Kahit na lupa at langit pa ang maging pagitan namin, hindi yan magiging sagabal sa lovestory namin. Simple man at bobo ako sa kanyang paningin, may kamandag pa rin. HAHAHAHAHAHA! :P
Hindi lang sa fairytales nangyayari ang happy ending, dahil sa sarili kong lovestory sigurado ang they live happily ever after.
//AN: First time ko lang pong magsusulat ng story, hopefully matapos ko ito at sana magustuhan niyo.
Vote!
Share!
Comment!