Iniwan ko lang naman siya dahil sa kapakanan niya, mahal ko e. Ginawa ko lang naman ang nararapat, ang PALAYAIN siya.Sakal na sakal na yun sakin, puro ako selos, puro kami away. 1 month/1day/20 hours/8 minutes/6seconds of love, pero sinayang ko. Ang laki kong gago.
Pina-iyak ko siya, sinaktan, linoko. Aish! Ngayon, ayan na siya. Masaya kahit wala na ako sa piling niya. Ano bang magagawa ko? Iniwan ko na ee, babalikan ko pa ba?
"Pre, balikan mo na kaya?" Sabat ni Dane.
Babalikan ko? Ang alam niyang dahilan kung bakit ko siya iniwan, ay linoko ko siya.
Yun lang naman ang paraan ee, para tuloyan ko na siyang bitawan.
"Ewan ko pre, masaya na siya. Kahit wala ako. " malungkot na sabi ko.
Ano bang magagawa ko? Psh.
Nasa canteen kami ngayon. Trip kong sumingit ee. Hahaha.
Humarap ako sa pila.Sht, nasa harapan ko yung babaeng iniwan ko.
Mas...... Lalo siyang gumanda, naging matured kung kumilos, fvck. Yu--ng mga mata niya, Parang may halong galit."Mulinggggg Ibalikkkk anggg tamisss ng pag-ibiggg mulinggg pagbigyan ang pusong nagmamahal🎵" kanta nilang lahat, tangna. Problema nila?
Wtf. Nagblush ba siyaaaa?!
"Shattap be" masungit na sabi niya kay Jass.
Sungit.
"Yiieeeee." Sabay sabay na sabi nila.
"KAILANGAN BA SABAY-SABAY?!" sabay naming sigaw sa kanila. What did I- - - - sabay kaming nagsabi nun?
"MEANT TO BE OYY" sabay sabay na sabi na naman nila.
Aish! Kabwisit.
" Palit tayo be." rinig kong bulong niya kay Keii
"Dyan ka nalang hihi" sagot naman niya.
"Namo KEI!" sagot niya at tumingin sa akin. Bigla naman siyang umiwas kaagad.
Kailan ba darating yung araw na, IKAW AT AKO lamang Sapphfire?
"Magchchubby cheeks na yann!" ngiting sagot ni Kei.
Ganun pala yun. Nagcha-chubby cheeks siya kapag kinikilig. Hehezx. Ngayon alam ko na.
"Tsss, bilisan mo nga jan." Sagot nalang niya.
Nung nawala na siya sa pila, bigla akong lumungkot. Hays, yun yung time na gusto ko siyang kausapin, yakapin at masabihan ko ng MAHAL PA RIN KITA.
"Broooo! Tinanong ko siya kanina!" Nakangiting sabat niya sa akin.
Pinagsasabi nito?!
"Hah?" Tanong ko.
"Tinanong ko si Syeanna bro!" Sigaw niya
Ano naman itong tinanong niya?!
"Tinanong mo?" Tanong ko
"Tinanong ko bro, kung mahal ka paaaa!" Sigaw ulit niya.
Yung totoo?!
"Anong sagot?" Excited ako, pero may pagkahalong kaba. Hays.
"BRO! MAHAL KA PARIN NIYA!" sigaw niya. lahat ng mga tao sa paligid namin, tumingin.
Tangina naman kasi, ang lakas ng sigaw.
Pero what?! Mahal niya pa ako?!
"Ano bro? Di ka man lang sumagot sa sinabi ko? Hays, iba na talaga yung mga tao ngayon." Parinig niya. Binatukan ko nga.
BINABASA MO ANG
Bakit Ko Pa Kasi Iniwan? (One-shot)
Ficção AdolescenteHanda ka bang palayain ang taong minamahal mo? Handa mo bang tanggapin lahat? Handa ka bang masaktan ulit? Handa ka bang ipaglaban siya? Handa ka bang ipaubaya siya? Handa ka bang makita siyang masaya sa piling ng iba? Handa ka bang maghintay sa ka...