Entry #2 (Love)

5 0 0
                                    

"Tapos Na"

Tapos na.
Ang ilang taon nating pagsasama ay tapos na.
Natapos lang ng mga salitang 'Tapos na' at 'Ayoko na'
Ang mga pinagsamahan
Mga kwentuhan at pagdadamayan
Ay tapos na.
Tapos na rin ang mga araw na gigising ako, bubuksan ang telepono, at babasahin ang GoodMornings mo.
Ang mga sweet messages mo tulad ng 'I Love You'
Ang paulit ulit mong paalalang ako lang ang mahal mo.
Tapos narin ang kilig na nadarama ko, Ang pakiramdamdan na importante ako, at may taong mahal ako.
Isang salita ang huling sinabi mo.
Bago ka umalis at iwan ako.
Tapos na! Oo tapos na.
Isang beses mo lang yun sinabi, pero bakit paulit ulit ko iyong naririnig sa isip ko.
At hindi ka rin maalis sa isipan ko.
Sabi mo nga Tapos na, pero bakit nandiyan kapa rin?
Iwanan mo ko..
at isama ang alaala ng Tayo.
Huwag mong iwanan kasama ko ang mga pangyayari na bumuo ng buhay ko,
at ngayon ding dahilan ng pagkawasak nito.

Sana dumating ang araw na sasabihin ko ang salitang tapos na.
Tapos na, akong umiyak sayo, tapos na ko sa sakit na naramdaman ko, tapos na kong maghintay sa pagbabalik mo, at sa alaala ng nakaraan ay
Tapos na ko.

Poem,SpokenWords,Etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon