Cassidy's POV
Do you believe in love at first sight?
--Punyemes na survey yan oh! dyusko ang babakla ng group mates ko to think na puro lalaki pa yan ha, swerte na nga lang at may nakagroup pa ko na matino sa kanila eh.
---Flashback---
"Archie naayos mo na ba yung survey form natin?" yan sya lang yung tanging matinong groupmate ko paano kasi si Ma'am ung nagdecide ng groupings namin. Pantulong na lng daw sa ibang class mates namin para mahila yung grades. Badtrip eh!
"Ah Oo, eto na oh napaphotocopy ko na rin, naasign ko na si Joon na tumulong sa survey natin" sabi nya sabay bigay nung form.
"ARCHIEEE!!! anong kabaklaan to?? Akala ko ba straigt ka? ano tong love at first sight chuchu dito?" bulyaw ko sa kanya. To think na ako yung babae sa group namin, never na pumasok sa isip ko yan LOVE AT FIRST SIGHT na yan eh!
"A-ah ano naaprove na naman yan ni ma'am. Tsaka hindi naman ako ang gumawa nyan eh." depensa pa nya.
"Aba't-- sino bang bakla ang gumawa nito ha?!--"
"Ako bakit? at para sabihin ko sayo hindi ako bakla, ligawan pa kita dyan eh!" L-ligaw. Bigla naman akong nabato sa kinatatayuan ko.
"ARRGG!! MAG-INTINDI NAMAN KAYO PASALAMAT NGA KAYO AT PUMAYAG PA AKO NA MAGING LEADER NYO EH! AT IKAW JOON SINONG MAGALING NAMAN ANG MAY SABI NA IKAW ANG GUMAWA NG SURVEY FORM HA?" wala na, ubos na pasensya ko sa kanila.
------------Present-------------
Wala na rin naman akong choice eh, bakit ba naman kasi ako umasa sa kanila, dapat kasi naconsult ko din yun kahit na busy ako.
"Ate pakisagutan naman po itong form kailangan lang po" sabay ng papel. Habang inaantay ko si ate hinanap ko muna yung ibang groupmates ko. Agad namang nag-init ang ulo ko nang makita ko si Joon na nakikipaglandian kaya naisipan kong itext na sila para magkita-kita na kami.
"Miss ito na yung form, ang cute naman siguro inspired ka ano. Yiiee~~" ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Tinignan ko ulit si Joon at ang loko nakiri parin. Oo na pogi sya pero hindi ito nag oras para kumiri sayang ang oras no!!
TO: Groupmates
Guys meeting na tayo compile na natin yung forms. Sa may garden na lang.
*message Sent*
*BEEP-BEEP*
Joon: Kunin mo na lang yung form sa Science Department may pupuntahan pa ko!
"Sumosobra ka na ah " matawagan nga *DIAL NG PHONE NO. NI JOON*
*ring* *ring*
"Hoy JOON sumosobra ka na ha ano ko pa-VIP baka nakakalimutan mo ako ang leader ng grupo. Minsan ka na nga lang asahan at bigyan ng gawain hindi mo pa magawa ng maayos!"
"oy Joon bat di ka magsalita ano?!!"
*BEEP*
HA!! ang lakas talaga ng loob ng taong yun. Pagbabaan ba naman ako. Naku Joon humanda ka talaga!
Pumunta na ako sa garden. Inantay ko yung ibang members.
"oh asan na si Joon?" tanong ko sa kanila
"May pinuntahan lang Cassy, dala ko na din yung forms nya"
"Hayaan mo na nga" inayos at inevaluate na namin yung forms hati ang boto nila madaming nag YES at madaming nag NO. Pero may nakakuha ng atensyon ko, Grabe ang haba naman ng reason nito!
No, I don't believe in love at first sight, Crush at first sight ang tamang term kasi noong una kitang nakita natuwa ako sayo. Ang cute mong tignan pag haggard ka na lalo na pag nabubugnot ka. Habang tumatagal nagustuhan na kita, at tumagal ng tumagal minahal na kita. Alam mo ang saya ko nung nging kagroup kita kasi mas matagal kitang makakasama mas matititigan kita, mas mapapansin mo ko at pagkakataon ko na para iparamdam tong nararamdaman ko.
PS.
Sorry, baka d ako makatulong ngayon. Baka kasi kung anong magawa ko pagnakita ko na binabasa mo tong sulat na to.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko tapos biglang nanlamig yung kamay ko. Ang weird, bigla na lang akong napangiti tapos pang gusto kong tumalon sa tuwa.
Nagising na lang ako sa reyalidad ng biglang may humablot ng papel sa kamay ko.
"H-hoy Joon a-anong ginagawa mo dito akala ko ba d ka makakapunta?"
"Nabasa mo na pala, ah ano Cassy.... ah ano ka-kalimutan mo na tong sulat"
"Ha anong sulat?! Tsaka pwede ba akin na ang form cause of delay ka talaga kahit kailan!" sige Cassy umacting ka pa. HAHAHA epic ang mukha ni kuya.
"Ah cassy wala nga to ang dami pa namang form eh"
"Sakto lang yang pina photo copy nila kaya ibigay mo na. PLEASE." inabot naman nya sakin at nilagay ko yun sa bag ko.
"Oh bakit mo nilagay sa bag mo? Akala ko ba sakto?" apila pa ni Joon
"Alam mo Joon, Crush na sana kita, gwapo ka naman eh sadyang di lang ata talaga nagfufunction ang utak mo eh no?"sabi ko sa kanya ng nakatingin sa mata nya.
"Paano ba naman magfufunction ng maayos ang utak ko, eh pagnakikita nawawala ako sa katawang lupa ko"
"Yan naman ang gusto ko sayo eh Kayang kaya mong pabilisin ang tibok ng puso ko"
-------------------------------------------
at dyan na po natatapos ang aking istorya. sana po ay nagustuhan nyo ang kakornihan ko sa buhay salamat po!!