Confused Heart

37 1 1
                                    

PROLOGUE

CONFUSED HEART

"Hindi ko na alam Carl, oo dati nagustuhan kita pero pilit kong tinago dahil alam kong

Bestfriend mo lang ako, may girlfriend ka that time. Tinago ko lahat ng sakit. At sa mga

oras na yun, may taong nagpakalma sakin. Ngayon, mahalagang tao siya sa buhay ko at

ayaw ko siyang saktan." Naiiyak ako sa mga sinasabi ni Carl.

"Ayun na nga eh, tinago ko rin yung nararamdaman ko sayo, Bestfriend mo ko eh,

baka layuan mo ko sa oras na malaman mo na higit pa sa pagiging Bestfriend ang gusto

ko. Nagsisisi ako dahil hindi ko yun agad pinagtapat sayo. Sorry kasi napakahina ko.

Mahal kita Aya, hanggang ngayon.. Nakipaggirlfriend ako dati kasi akala ko mawawala

tong nararamdaman ko para sayo, pero hindi eh. Ikaw parin..." Naluluha na si Carl.

Ayoko ng marinig pa ang mga susunod nyang sasabihin dahil magbago pa ang isip ko.

"Huli na ang lahat Carl, boyfriend ko na ang pinsan mo. Kami na ni Bryan." Tinalikuran

ko na siya at lumabas na sa Cafe na pinagkitaan namin. Pinunasan ko ang luha ko

dahil ayokong makita ako ni Bryan sa gantong kalagayan. Hindi niya alam na magkikita

kami ni Carl ngayon.

This happened 3 years ago.

Confused HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon