Your Love is Just a Lie

26 0 0
  • Dedicated kay Mark Reynald Carino
                                    

“ Kahit ilang taon o dekada pa kayong magkasama,

Kung ikaw lang pala ang nakikipaglaban para magtagal kayong dalawa…

Wala ka nang magagawa kundi tumigil at magpahinga na lang, kaysa tiisin na masaktan ka.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong taon na kami ngayong araw na ito…

Masaya…

Nakakakilig…

Susurpresahin ko siya ngayon ^_^

Awkward, pero ako na girlfriend ang gumagawa ng way para masurprise ko ang boyfriend ko sa 3rd monthsary namin. Okay lang. Mahal ko naman siya. Lahat gagawin ko para sa kanya. Walang makakasira sa araw naming ngayon!!! ( *u*)/

Claire Marie Mendoza, 16 years old, katamtaman ang tangkad, katamtaman ang body figure, wavy ang hair at proud kayumanggi. Boyfriend ko si Clyde Cyrus Mellana na balaka kong surpresahin ngayong araw na ‘to. (^_^) It’s March 8 and it’s our day today hahahaha call me baliw pero excited na excited akong makita ang pinakamamahal ko!

Nalagpasan namin ang lahat ng trials na nameet naming for the past three years. Kahit na medyo nagluko ako noon, andito pa rin siya sa tabi ko. Kahit na sobrang higpit ko sa kanya at may hindi kami pagkakaunawaan minsan, andito pa rin siya (^_^) Kaya sa araw naming ito, gagawin kong memorable at masaya ang celebration namin.

“Bebe, may bright idea ako ngayon pero dapat secret lang natin ha?” Tinext ko yung bestfriend kong si Mayla, schoolmate ng boyfriend ko. Pareho kami ng high school pero magkaiba ng campus. Kahit na ganoon, hindi ko iniisip na hindrance yun sa relasyon namin.

“Naku! Make sure na hindi ka mapapahamak niyan ha? Ano bang ka-ekekan yan ha?”reply niya.

“Guess what, pupunta ako sa school niyo today para surpresahin si C.C. my life Hahaha”

“Ay oo nga pala! Happy Anniversary sa inyo bebe Claire! Ano handa?” chicken! Nalimutan ko yung cater! Este, panlibre ko! Hahaha!

“Oo di ko nalimutan. (sinungaling XD) Lalabas tayo pag lunch break na. Basta wag niyo sasabihin kay C.C. na pupunta ako diyan ha?”

“Sure bebe. No prob! Share ko na rin sa mga classmate naming para may thrill later. Okay lang ba? Baka kung ako lang yung magsi-secret hindi magcoordinate lahat.” Pakiusap ni Mayla.

“Okay. Kung diyan ka masaya at komportable bebe hehehe see you later!” Dali-dali na akong nag-ayos! Apply konti ng polbos at konting lip balm. Hindi ako mahilig sa make up kaya ganyan na lang ( *u*)V okay lang, maganda naman ako. Hahahaha! Ang lakas ng aircon ko! Hooo!!!

Dinala ko na lahat yung kakailanganin ko at nung masigurong wala na akong nalimutan, sumakay na ako ng tricycle papuntang campus nila. 20 minutes ang travel papunta doon pero hindi alintana ang pagka bore kasi si Clyde lang ang nasa isip ko mula pa kahapon. Haaayyyyyssss….. Sa’yo lang ako…. Ayyeeeee!!!!! (^u^)!

Pagkababa ko ng tricycle, agad akong sinalubong ng mga classmate ni Clyde na girls.

“Oh? Bakit puro girls ata ang andito ngayon?” Tanong ko habang naglalakad kami sa likuran ng mga classroom para hindi kita ni Clyde. Pati teachers nakipagsabwatan na sa akin. Alam kasi nila kung gaano ko kamahal yung mokong na yun. Lagi akong andoon sa tabi niya at cheerleader niya kapag may lawn tennis match siya. Kahit gaano pa kalayo, pinupuntahan ko siya. Kasama ang Mama niya, kami ang taga asikaso niya kaya magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko ang Mama niya at mga teachers niya.

Your Love is Just a LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon