>》TREMNAS ACADEMY《<
Sa mundong ito isa sa mga tanyag na School ang TREMNAS(TREasure of Mother NAture System) Academy.Ang school na ito ay napapaligiran ng mga bundok,napakaganda ng mga tanawin dito.
Mga nagliliparang mga ibon sa paligid,mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak,mga punong sumasangga sa init ng araw at mga studyanteng nagkakasiyahan habang naglalakad.
Ngayong taong 2050 ay naging isa sa pinakasikat ang Tremnas Academy dahil ito sa mga magagandang tanawin at mga gurong ibang klase ang talino.
Unang nabuo ang TREMNAS Academy noong 1992 ngunit isa palang itong public school.Pero kahit Public School palang ito isa na ito sa maya pinaka malawak na School sa buong pilipinas.
Kaya lang puro ito kabundukan.Isang mesteryosong studyante ang pumasok noong 2015 at naggraduate noong 2021.Bukod sa kagwapuhan ay napakatalino din nung studyante na yun.Siya ang nakadiskubre ng device na tinatawag na Solar Phone.Ang Solar Phone ay hindi kailangang maicharge gamit ang kuryente dahil pwede na dito ang init ng araw.Meron na din itong Wi-fi dahil nakakonekta na ang system nito sa Satellite mismo.Kaya napakalakas ng nasasagap nito.
Bukod sa Solar Phone ay marami pa siyang nadiskubreng mga gamit na makakatulong sa ekonomiya ng bansa.Naisip niyang dahil malawak naman ang nasasakupan nito at marami ding bundok at puno ay naisipan niyang pagandahin nalang ang mga tanawin na nakapaligid dito para maraming gustong pumasok dito.Pero syempre hindi lang dapat tanawin ang maganda dahil hindi naman ito pasyalan kaya gumawa siya ng mga High Technology makakatulong sa pagtuturo ng mga guro.
Kaya kahit mga mayayaman at maiimpluwesiyang tao ay gustong ipasok ang mga anak nila sa TREMNAS para mag-aral.Sa tulong niya ay unti-unting napaganda ang TREMNAS Academy hanggang sa naging sikat na ito kagaya nga ngayon.
Noon ang TREMNAS ay maylawak lang ng 30 hectares pero ngayon ay meron na ito ng 100 hectares kaya kung noon middle school lang ito ngayon naman meron na itong Elementary at Kolehiyo kaya may mga bata at mga binata ding makikita dito.
Sa isang parte ng burol,sa medyo may kalayuan,sa likod ng room ng 1st year college ay may nakahigang binata na nilalanghap ang simoy ng hangin at pinapakiramdaman ang init ng araw na tumatama sa kanyang katawan.
Isang napakagandang wangis ng mukha,medyo may kahabaang buhok na nahahawi ng simoy ng hangin dahilan para makita ang kilay na patulis,matangos na ilong,mapulang labi at mga matang nakapikit.
Ilang sandali pa ay mabilisa na namulat ang mga mata nito dahilan para makita ang kulay 'Azure' mga mata.Makikita ang pagkagulat sa mga mata nito.Mabilis itong bumangon sa pagkakahiga at dali-daling tiningnan ang paligid.Kalituhan ang makikita sa mga mata nito.
'Nasaan ako?'(Isip ng binata)
Ang binatang ito ay si Sky,natatandaan niyang pinagmamasdan niya ang kanyang kaharian pero merong tumama sa kanyang kulay Azure na liwanag at nawalan siya ng malay.Pagmulat niya ay nakita niya na ang pamilyar na paligid na ito kaya hindi niya maiwasang magulat.
Puro kalituhan ang naiisip ni Sky dahil parang pamilyar sa kanya ang mga tanawing kanyang tinitingnan.Habang tumitingin siya ay napansin niya ang isang pamilyar na bagay,isang room.
'Teka!!kung hindi ako nagkakamali,yun ang room namin ng 1st year College ako ah!' Nalilitong isip ni Sky.
Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari.Pero nakita niya ang room nila nung 1st year college pa siya.
Nanaginip ba siya?pero imposible parang totoo kasi yung mga nangyari.At tska kung panaginip yun bakit ang tagal niya doon?
'Teka!!wag mong sabihing nagtime-travel ako?bumalik ako sa simula?'(Isip ni Sky)
Tama!!natandaan niya pa ang nangyari noon!!.Habang nagdidiscuss ang teacher nila ay may bigla nalang na screen ang nagpakita sa kanilang harapan at nalipat ang lahat ng studyante ng TREMNAS sa isang room na kulay puti ang makikita mo sa lahat.
Magpapanic na sana ang lahat ng may bigla nalang na boses ang narinig nila at lumabas ang napakalaking screen na may video ng isang binatang napakagwapo tapos sinabihan silang mapupunta sila sa ibang mundo.
Hindi naniwala ang lahat pero maya maya nalang ay ang kaninang maputing lahat ay napalitan ng kagubatan.Nalipat din ang buong school nila pati narin lahat ng mga studyante tapos maraming nagpanic na mga elementary at umiyak.
Hindi sila makapaniwala sa nangyari.
Mabuti nalang at napapalibutan ng barrier ang TREMNAS na gawa siguro nung napakagwapong nilalang dahil kung hindi patay na silang lahat dahil sa mga nakapaligid na mga monster.
Akala nila malaya sila kung hindi sila lalabas sa barrier pero nagkakamali sila.Ilang buwan din ang lumipas at biglang nawala ang barrier kaya lumusob ang mga halimaw.
Maraming namatay sa trahedyang yun at nawasak din ang buong TREMNAS .Kaunti lang ang nakatakas at maraming mga namatay.
Mabuti nalang at nakahanda na siya dahil kagaya ng mga nababasa niya ang nangyari sa kanila kaya madali siyang nakatakas.
'Hindi ko hahayaang maulit ang mga nangyari!,ngayong bumalik ako sa simula ay walang mamatay'(Sky)
"BABAGUHIN KO ANG LAHAT!!!!"_________________________________________________
Authors Note: Binago ko po ang pangalan ng bida tsaka inayos na din ang mga typo
BINABASA MO ANG
SPACE-TIME:Whole School Summoning
Science FictionIsang binata ang nag-sisi sa bandang huli.Siya ang naging pinakamalakas.Ang kumakalaban sa kanya ay kamatayan ang mapapala.Sangkatutak ang kanyang kayamanan.Maging 'Divine treasure','Artifact','Gold' o kahit anong mga treasure pa yan.Siya ay hari pa...