diaries1

49 0 0
                                    

Habang nakatingin sya sa mga mata ko, alam kong hanga sya sa gandang meron ako... ganda na kay tagal nyang sinamba, iningatan at higit sa lahat , minahal.... mga mata lamang namin ang naguusap sa loob ng apat na sulok ng kwarto na yon. Sa looob ng ilang taon naming di nagkita, hindi ko alam na sa ganitong klaseng pagkikita pa kami hahantong.... 

May mga pagkakataon noon na, iniisip kong paghandaan ang tagpong ito..., na hahanapin ko sa kanya ang dmdaming minsan at napakatagal naming nadama para sa isat-isa... .Damdaming muling bumuhay at kumumpleto ng pagkatao ko, ng sarili ko, ng buhay ko. At nagwasak ng paraiso na kay tagal kong binuo sa pangarap ko, kasama sya, oo,. kasama sya...

Nung mga panahong magkasama kame, mula ng una ko syang makita, para akong nagkaroon ng bagong pagasa,,.. ng bagong umaga,. Sya ang bawat hininga ko, ang hangin na sinasamyo ko, ang bawat tibok ng puso ko, ang bawat ngiti sa labi ko, dahilan ng bawat  umaga ko... Ang dahilan ng buhay ko.... 

Sa lahat halos ng mga bagay na dumating at dumaan sa buhay namin, sabay na ming hinaRap laHat ng mGKsama, oo, ng makasama... noon,. Ngunit ngayon ay tila kame mga estranghero sa isat-isa tila kinikilala namin ang mga kilos na dati na naman naming kilLAla, inuusisa ang mga bagay na dati na naming alam. tinatanong ang mga bagay na alam na namin , mga damdaming dAti na naming nadama. Oo, tila ibang tao kame sa isat -isa ngayon.

 Wala kaming sinayang na mga oras noon  masulit lamang ang mga oras na magkasama kami. Halos di namin napapansin ang oras , ang araw, umikot ang buhay ko sa kanya, sya ang naging sentro ng mundo ko, ng buong sistema ko,. sa isang kahapong punong puno ng ligaya at pagibig. at sa kahapong nagpaalam na noon. na bglang bumalik....

mapaglaro ang tadhana ika nga nila , may mga bagay na darating at aalis ng di natin mapipigilan, masakit, mahirap ngunit tulad nga ng sabi ko, di natin ito mapipigilan. sa twing magtatama ang paningin namin, di ko masabe kung anong dapat kong maramdaman. Gusto kong makadama ng kasiyahan, dahil sa hinaba ng pagaasam kong dumating ang araw  na ito. Ngunit kaakibat ng pakiramdam na iyon, nais ko ring mamuhi at magalit sa sarili ko.  

 My mga pagkakataong binabalik-balikan ko sa alaala ang mga panahong ginugol namin para sa isat-isa.  marami ding akong di nagawa para sa kanya, mga pagkukulang ko na minsan sya ang pumupuno. Di ko rin sasabihing wala akong pagsisihan, dahl sa totoo, marami, napakadami. Minahal namin ang isat-isa, sobra. Ngunit heto ako sa loob ng mga mata nya, nanliliit , nahihiya,nasasaktan. Buong tapang kong sinalubong ang mga mata nya, para lang makita ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nya... na lalong nagpadurog sa puso ko,. 

Walang mga salitang namutawi sa aming mga labi, tanging mga mata lang namin ang nangungusap.Nanunumbat ang bawat titig nya, na naguutos sa kin para tumakbo palayo, sumigaw at tapusin kung ano mang kalokohan ang nangyayare sa paligid ko. Pero ang tibok ng puso ko... ang pumipigil sa kin gawin ang mga bagay na inuutos ng utak ko. Mahal ko pa sya, o, totoo yon.Katotohanang habang buhay na yatang paulil-ulit na kikitil sa buhay ko.

Sa loob ng silid na yon naganap ang pinakamatamis na pagkakasala na kaylanman ay di ko malilimutan.Ang makapilng sya, kahit ngayon lamang ulit, kahit msakit na katotohanan ang kapalit, ayos lang. Kahit man lang sa sandaling ito ko lang muling madama ang pagmamahal ko sa kanya na napakatagal kong itinago sa loob ng puso ko.Bahala na kung hanggang saan ito patungo, ang mahalaga ay ang ngayon na kasama sya, gustuhin man ng tadhana , o hindi.

 Ang saglit na walang hanggan na'yon ang pinakamakahulugang parte ng buhay ko. Kahit yan na lang, pwede na. Wala ng tatamis pa sa mga sandaling yon na kapiling ko sya. Kami lang at ang mundong sa ilang saglit na naging amin.... kahit na pgakatapos nito ay parang bulang mawawala sya sa akin muli.

Gusto kong sisishin ang tadhana kung bakit sa ganitong pagkakataon pa kami muling nagkita.

Kung di ko pa sya tinitigan maigi ay di ko sya agad makikilala, malaki ang pinagbago nya, lalo na sa pisikal nyang itsura,. Mas kumisig sya, halatang malayo na ang narating nya sa karerang pinili nya.. . Habang tiningnan ko sya ay nais ko na lamang lamunin bigla ng lupa. Ngunit ayoko man ay mangyayari ang mga magaganap. Bago pa ako makaisip magtago ay bigla na lamang nagtama ang mga paningin namin. Ayoko syang tingnan, parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig ng bigla nya akong  lapitan. Parang mga patalim ang mga titg nya., nakakatakot, nakakapanliit, nakakahiya.

Sa puntong ito, gusto kong kumawala sa higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko, walang lambing iyon , di tulad noon, hinila nya ako ng pakaladkad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang nakaparadang sasakyan. Binuksan nya 'yon at pinasakay ako sa loob. matagal na nakakabinging katahimikan ang namagitan sa'min hanggang sa humimpil ang sasakyan sa tapat ng isang gusaling may naka-paskil na litrato ng isang babaeng nakalagay ang hintuturo sa pagitan ng mga labi.

Hindi ako magtataka kung ibang lalake ang kasama ko. At dahil sya ang kaharap ko, tila ba gusto ko na lang biglang takasan ng   ang pagkakataon na yon . Oras na kay tagal kong hinitay noon, na ngayon, parang ang sarap takasan.....

Wala akong ibang ibang  hinilng noon kundi matupad ang mga pangarap naming dalawa. Mga pangarap na araw-raw na bumubuhay sa kin noon .... Nagbibigay lakas sakin pra mabuhay at lumaban sa agos ng bawat oras, kasama sya. Ang magkaroon ng simple at payak na pamumuhay. Ganon lang kadali noon para sakin ang mangarap bawat araw, umasa na lahat yon matutupad, na balang araw, lahat  ng mga inaasahan namin ay mangyayari, .Madali at napakasarap mangarap noon na kasama sya. Sa lahat ng bagay noon, sa buhay ko, kasama sya.

Masaya kami noon, kuntento kame noon sa kung ano mang bagay na meron kame, at ang mga wala, pagpaplanuhan makamit. kuntento naman ako noon, sa piling nya, masaya ako. Sobra.

 Wala akong maitatagong katotohanan ngayon. Sa bilis ng mga pangyayari ako ang natangay. Nawala bigla ang lahat ng mga pinlano kong sabihin sa kanya oras na maganap ito. at ngayon., wala ako halos nasabi, o nagawa man lang. Natangay ako sa mga dating damdaming napakatagal umalipin sa akin. At sa haba ng panahon na dumaan, alipin pa din ako ng kahapong nais kong takasan, ngunit napakasarap balik-balikan.

Sa lamig ng kwartong iyon napagtanto ko kung gaano naging manhid ang puso ko, ang pakatao ko,. Lamig na nanunuot hanggang sa huling hibla ng mga buto ko. Kasabay nitong nanunuot ang nga tingin nya sa kin, para itong patalim na paulit-ulit tumatarak sa puso ko. Alam kong gusto nyang magsalita, magtanong ng mga bagay na nangyari sakin matapos ang ilang taong pagkakawalay namin sa isat-isa. Nanghuhusga ang bawat titig nya, mga tinging di ko halos makayanan. Alam kong punong-puno ng galit at sumbat ang nadarama nya sakin sa pamamagitan ng mga talim ng titg nya. Ngunit sa kabila nito, ramdam ko pa rin ang simpatya nya, di nya man maisatinig.....





-"-
sobrang lalim ng tagalog.
Pra maiba nmn po.
Hindi po
perpekto ang pagkakasulat
Dahil du nmn po ako
Expert masyado.
Salamat sa pangunawa!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

diaries1Where stories live. Discover now