Creo’s POV
Di talaga sanay na tumahimik ‘tong si Panget. Sinabi pa nyang kaya nyang itago tapos ngayon eh malalaman kong nasabi na nya sa kaibigan nya. Hay. Pasaway. Ang daldal kasi. Tsk.
Tumingin sya sakin tapos bigla nyang binawi yung tingin nya. Topak talaga. Di siguro makatingin sakin ng maayos dahil alam nyang nagkamali sya.
“Valid na yung napag-usapan natin sa kontrata. Wala ng bawian. Pumirma ka na. Kaya wala ka ng magagawa.” Sabi ko kay Reika kaya lang di pa din sya tumitingin sakin. Nakayuko lang sya.
“Alam ko.” Sagot naman nya ng nakuyo pa din.
“So pano ba yan pare? Hihiramin ko muna si Reika mo. May gagawin pa kami eh.” Biglang singit naman ni Kane. Sabay hawak sa braso ni Reika.
Napakunot yung noo ko.
“San kayo pupunta?” Halos sabay na naming tanong ni Chiara.
Lumapit sakin si Kane tapos ti-nap nya yung balikat ko.
“Sa tabi tabi lang, pare. Tinanggihan mo kasi ko kanina eh. Kaya sya na lang substitute.” Sabay ngiti ng nakakaloko.
Tsk. Napapayag nya si Reika? Ano kaya ginawa nitong kumag na ‘to?
Tinignan ko si Reika. Tahimik lang sya. Nakayuko pa din.
“O pano pre. Una na kami ni Reika.” Then hinila na nya si Reika.
Sh*t! G*go talaga ang kumag. Gagamitin pa si Reika.
Nasabi ko ata yun ng malakas. Napatingin kasi si Chiara sakin. Tapos ngumiti.
“Gusto mo sundan natin yung dalawa? Tara! Wala akong tiwala dun sa kaibigan mo eh. Baka kung ano gawin kay Reika.”
Di na nya ko inintay sumagot kasi bigla na nya kong hinila papunta dun sa direksyon na pinuntahan nila Kane.
...............
Reika’s POV
Nagpapatangay lang ako kung san man ako dalin ngayon ni Kane. Di ako makapag-isip ng maayos. Di ko matignan si Creo kanina. Ganun na ba katindi yung hiya ko sa kanya? Teka... bakit ako ang nahihiya? Di ba dapat sya? Haist. Nakakasira ng mood. Tsk.
Tumigil sa paglakad si Kane.
“Reika.” Sambit nya tapos hinila nya ko palapit sa kanya.
“Start na ng pagpapanggap natin. Wag kang aangal ha.” Then he smiled at me.
Pinatong nya yung kamay nya sa balikat ko. So nakaakbay sya sakin ngayon. Dapat aalisin ko yung kamay nya kaya lang tinignan nya ko ng masama. Hay. Ang malas ng araw ko ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
أدب المراهقينIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?