Chapter 17: Cat Fight!

671 15 0
  • Dedicated kay Chelaii, Maje at Pao ^^,
                                    

(Sa library pa din.)

Aryl’s POV

Umatras ako ng umatras hanggang sa tumama yung likod ko sa bookshelf. Crap. Nakakairita ‘tong si Karl eh!

“Mae.”

“Karl Dylan lumayo ka lang sakin at baka kung ano magawa ko sayo.”

“Oh? Talaga? Ano ba magagawa mo sakin?” Then he smiled. Grabe nakakainis talaga ‘tong side na ‘to ni Karl eh. Tsk.

“Sasapakin kita pag lumapit ka pa sakin.”

“Talaga lang ha?” Sabi nya then nilapit nya mukha nya sakin ng sobrang lapit.

“Karl! Sasapakin talaga kita! Isa!” Lalo lang lumaki yung ngiti sa mukha ng Karl. Tsk. Eh kung patulugin ko na lang kaya ulit ‘to? Susuntukin ko na lang. Haaayyy! Ano ba gagawin ko dito sa ugok na ‘to?

“Mae.”

“Ka--” Napahinto ako sa sasabihin ko  kasi saktong pagtingin ko kay Karl, nakatitig sya sakin. Seryoso yung mukha nya. Titig na titig lang sya. Napakunot na lang yung noo ko.

Napapikit ako bigla nung hawakan ni Karl yung noo ko.

“Wag ka ngang ganyan. Tatanda ka agad.” Then he smiled while stroking my forehead.

Ghhhhhaaaaddd!!! Kung pwede lang pumatay ng tao ngayon na. Baka napatay ko na ‘tong kaharap ko. Nakakainis naman kasi eh. Ayaw akong tigilan.

Hinawi ko yung kamay nya sa noo ko. Sakto namang hinuli nya yung kamay ko.

“KARL!!! ANO BA? WAG MO NGA AKONG HAWAKAN!” He chuckled. AGAIN. Argggghhh! Nakakainis na talaga!

“Shhhh. Mae, wag kang maingay. Baka kung ano isipin nila. Sige ka.” Ngumiti na naman ang ugok. Tsk. Kelan ba titigil ‘to?

Tinatanggal ko yung kamay nyang nakahawak sa kamay ko kaya lang ayaw nya talagang bitiwan eh. Ibubuka ko na sana yung bibig ko para magsalita ng biglang may nagsalita sa gilid namin.

“Pwedeng wag nyong gawing park ang library?”

Sabay kaming napatingin ni Karl. Yung librarian. Nakataas yung isang kilay at masama ang tingin sakin. Huh? Sakin lang? May gusto ba ‘to kay Karl? Tsk. Mga babae nga naman. Ako lang ata immuned sa mga katulad ng ugok na ‘to eh, I think...

“Sorry ma’am.” Sabi naman ni Karl. Then nginitian nya yung librarian.

Umalis na ang masungit na babae at ngumiti pa.

“Tsk. Sayang. Konti na lang.” Sabi ng ugok.

Tinignan ko ng masama si Karl.

“Hoy Mr. Karl Dylan Valdez. Wag na wag mo ng gagawin ulit yun kung ayaw mong matikman an----”

“Matikman ang alin?” He said with a grin.

Napakunot na naman ang noo ko. Grabe. Isa na lang sasapakin ko na talaga ‘to.

I'm In Love With A HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon