Reika’s POV
Mga limang minuto din siguro akong nakatitig lang sa ngayon ay tulog na tulog ng si Creo. Pusa talaga ang kumag. Kung saan saan lang natutulog. Kapag may pumasok dito sa opisina nya tignan na lang natin. Malas nya. Haha.
Tumayo ako. Namamanhid na kasi yung binti ko dahil din dun sa pagkakabuhat sakin ni Creo. Hay. Masyado kasi ‘tong lalaki na ‘to eh.
Lilibutin ko na lang ‘tong opisina ng mokong at aaliwin ko na lang ang sarili ko. Tsk. Pasaway talaga ko no? Haha.
Napakalaki ng opisina ng mokong. Di ba talaga sya nababagot dito? Lakad ako ng lakad. Maya maya napangiti ako. May nakita kong mga picture frame na naka-display.May family picture sila. Haha. Ang cute nung kapatid nyang babae. Kinuha ko yung isa tapos tinignan kong mabuti. Si Creo ba ‘to? Hahahaha! Ang cute nya!!! Mukha pang walang muwang sa mundo. Bata pa sya dun sa picture pero kita mo na yung pagkasuplado nya. Di man lang ngumiti sa picture eh.
Napatingin naman ako dun sa kasama nyang babae sa isa pang picture. Sino kaya ‘to? Mukha syang manika. Ang puti puti nya tapos ang tangos pa ng ilong. Model kaya ‘to? Napatitig na lang ako dun sa picture...
Bagay sila...
Di naman sya yung kapatid ni Creo eh. Kababata kaya? Girlfriend? Ah ewan. Binaba ko na yung picture then naglibot ulit ako. Nagkalikot ako ng mga libro. Grabe ang dami nyang libro. Karamihan novels talaga. Wow. May pagakaadik din pala ‘to sa libro. O display lang dito sa opisina nya?
Kukuha na sana ko ns isang book ng mag-vibrate yung cellphone ko.
**
“Hello?”
(Baby girl!)
“Kuya? Napatawag ka?”
(Tsss. Ganun lang? Wala bang ‘KUUUUUYYYYYAAAA!!! I MISS YOUU!!!’ Wala ba?)
“Tsk. Kuya Reigi naman oh. Para ka talagang bata.”
(Eh na-miss lang naman kita eh. Haha. San ka? School?)
“Ah. Oo, bakit kuya?”
(Bakit parang ang hina ng boses mo?)
“Ah, kasi yun---”
(May kasama ka no? Sino? Ano pangalan? Di naman siguro si Chiara yan kasi di mo hihinaan boses mo kung sya yan. Kilala naman nya ko eh. Sino yan? Boyfriend mo? Naku. Ipakausap mo sakin dali!)
“Kuya! Ang dami mong tanong. Praning ka na ha. Di mo pa kasi ko pinatapos eh.”
(Ganyan talaga. Baby girl ka namin eh. Dapat lang ganyan kami sayo. Ano ba yung sasabihin mo dapat, baby girl?)
Napatigil ako sa sasabihin ko. Baka kung ano isipin nito kapag sinabi kong natutulog kasi yung kaklase ko at nasa opisina kame. Baka biglang mag-teleport dito ang kuya kong praning. Tsk. Pano ba ‘to? Bahala na nga kung ano lumabas sa bibig ko.
“Ah.. Kasi kuya... may klase talaga kami ngayon. Baka mahuli ako ng prof ko. Terror pa naman.”
(Ah ganun ba? Hmmm. Sige. Makinig ka na sa kanya. Magkita tayo maya, baby girl. Pwede ka? Miss na talaga kita eh.)
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Novela JuvenilIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?